Hindi ko yata gusto ang mga nangyayari ngayon—sa loob lamang ng isang araw, biruin ba naman..
Agad akong bumangon para lumabas ng bahay at maghanap ng pinakamalapit na sari-sari store. Hehe, wala pa kaming telepono eh. Katatapos ko lang magpalit ng tsinelas-panlabas nang pigilin ako ng isang pagdating.
"Oh, Fina. Palabas ka yata; saan ang punta?"
Oops. Muntik ko na talagang makalimutan hayy... "Tatay!" mabilisan akong nagmano at binuhat anumang nakasupot na dalahin niya para mailagay ang mga iyon sa mesa.
"Pasensya na po, 'Tay. Magpapaalam pa po sana ako, 'wag kayong mag-alala."
"Ganun ba.. Inagahan ko pa naman ang uwi ko ngayon dahil inutusan ako ng isang magandang prinsesa.." pasimpleng parinig sa'kin ni Tatay. Naku, alam ko namang magtatampo na naman siya..
"Tatay naman... Hindi ko po nakalimutan," paglalambing ko naman at sinabayang umupo sa sofa si Tatay. Phil can wait. Well, I hope so...
Inalis muna ni Tatay ang mga sapatos niya bago siya nagpatuloy. "Bueno, hija, ano'ng sadya natin dito?" simula ni Tatay. Nakangiti man, alam kong naka-serious mode na siya ngayon.
"Kasi po.. uhm, ang t-totoo niyan..." hindi ko magawang ituloy ang sasabihin.
Teka, may dapat nga ba akong sabihin? Aish azarrr naloko naaa!
Mabuti na lang at maunawain si Tatay. "Anak, ako ang tatay mo. Kung may kailangan kang sabihin, ano't anuman, at the end of the day, tayo-tayo pa rin ang magdadamayan. Kaya 'wag mo nang pahirapan ang sarili mo," ngayon naman, isang bagay na lang ang iniisip ko: sasabihin o hindi?
Tama. Iyon muna. Saka na kung anumang sumunod na mga pangyayari..
Whew. Breathe in.. Breathe out.. Inhale.. Exhale.. Hinga.. Buga.. Walang pawis. Not even butterflies in my stomach. Kaya ko 'to. Yes, kaya ko 'to.
"Tatay, gusto ko lang pong malaman niyo na alam kong wala ka pa ring trabaho magmula nang magsara 'yung pabrika na 'yun," walang gatol at diretso kong naibuga kay Tatay.
Kung noong una ay ako ang hindi makatingin sa kaniya, si Tatay naman ngayon ang lumingon palabas ng bintana sa aming likuran. Naka-plaster pa rin ang ngiti sa kaniyang mukha pero alam kong hindi na iyon umabot sa kaniyang mga mata. Mas lalong tiyak kong wala naman talaga siyang tinitingnan sa labas. Isang bagay lang ang sigurado: hindi siya prepared sa akin.
"Serafina, hindi mo alam kung gaano namin ipinagpapasalamat sa Diyos na binigay ka Niya sa amin," matalinghagang reaksyon ni Tatay.
Hindi ako nagsalita. Hinayaan ko siyang magpatuloy.
Napabuntong-hininga muna si Tatay bago siya muling nagsalita. "Noong ipanganak ang dalawang kuya mo, muntik na kaming sumuko na magkakaroon pa kami ng anak na babae. Ilang beses kaming sumayaw sa Obando sa loob ng anim na taon para lamang sa iyong pagdating!" tila natatawang sambit ni Tatay. At least, kung kaya na niyang tumawa nang hindi pilit, alam kong maayos na ang lahat. Whew. One down, one more Phil to go..
BINABASA MO ANG
May forever, sabi ni Rafi
Fiksi RemajaWalang kakaiba kay Rafi. Bukod sa paniniwala niya sa "forever", wala nang iba pa. Ngunit sa loob ng maikling panahon, nagsimulang gumuho ang lahat: love life, pamilya, pati ang pagkakaibigan nila ni Phil. May forever nga ba? Forever na... masaya?