Ikaanim na Kabanata: Not Too Late

7 0 0
                                    

"Shane?"

Feeling ko inaabangan talaga niya 'ko. The eagerness, the anxiety—phew, isa lang ang ibig sabihin nito: feelingera lang talaga ako. Hayyy.

"Oh, Rafi! Ahh, ang ganda mo today," sabi niya sabay ngiti at pasiklab ng kaniyang pantay-pantay na ngipin. Gosh, hindi yata ako informed na nag-braces siya? Oh well.

Isinukbit ko sa kaliwang tenga ko ang na-out of place kong buhok matapos ang windy tricycle ride ko kanina. "Ay, sure kang today lang? Ahohoho," ay. Lagot naaaa... Mukhang napa-high pitch na naman ang tawa ko—oh my, nakakahiya na talaga ugh sana lamunin na 'ko ng lupaaa!!!

"Nagkamali ka yata ng dinig; sabi ko, EVERY day," patuloy na banat ni Shane. Okay I get it, stop it na nga! Hihi.

"Oh so ngayon, saan na tayo mag-aaral?" yes. Tunog "good girl".

"Doon muna tayo sa kiosks para makakain tayo kahit konti." Aba, kailangan magkamot ng batok para magmukhang cute? "Hindi kasi talaga ako makapag-study ng maayos if hungry ako eh.."

Ooohh wait a minute. Conyo pala talaga si crush—este, ex-crush pala. Hmmm mukhang bawas pogi points na itu. "Sige sige. Uhm, Shane, wait lang ha. Pupunta lang muna ako sa restroom. Mabilis lang," paalam ko bago ako nagmamadaling pumunta ng CR.

Teka, ano bang nangyayari sa'kin? Bakit nga ba ako nag-CR?

"Ouch!"

Mabuti naman at humingi ng pasensya. "Sorry, miss."

Awww, nagusot na siguro 'yung Sunday dress ko huhu.. Pero Saturday ngayo—haynako whatever. Oh, wait.. "Teka lang kuya sandali!"

Too late. Wala na si manong or kuya or whatever. Itatanong ko sana kung—oh my.

Si Phil ba 'yun...?

Agad akong bumalik sa pinanggalingan ko. Well, not really sobrang from the start pero, you know, anong malay natin at baka daraanan natin 'yung way nung guy. Pero siguro hindi itinadhanang magkita kami. Aish, Rafi namaaan! Imposibleng si Phil 'yun, okay? Nasa bahay siya ngayon—at kailangan ko na nga pala magmadali wahhh!

Mabuti na lang at kasasapit pa lang yata ng 10am. Wala masyadong tao sa CR. Kundi blockbuster sana ang pila dito. Whew..

Ayun, may free cubicle na. Oh, right. Syempre, magbabanyo ang tao dahil sa call of nature. Rafi pls ugh.

"Don't tell me nag-eenjoy ka nang kasama ang babaeng 'yun!"

Wow ate. Morning na morning, no chill agad. Kinatok ko 'yung pinto ng cubicle just to let her know na may tao pa bukod sa kaniya. Pero sadyang high volume ang tono ni ate. Bulong ba 'yan?

"Malapit na ang long test sa Math. You have to have it. Because if you don't, break na tayo, Shane!"

Tlak. Tlak Tlak. Antaray din naman pala talaga at naka-heels pa!

Wait. Did I just hear her say "Shane"?

Yeah right. Maraming Shane sa mundo, Rafi. Malay mo bisexual or "boom tiboom" si ateng. At hindi lang naman nag-iisang Shane ang kasama mo ngayon 'di ba..

Mas weird yatang wala akong nararamdamang panghihinayang... Weird—or should I say, crazy.

Vanity kit! Tama, makapag-makeup nang kaunti para presentable. Pressed powder sa may T-line—nako, mahirap na 'pag wala sa timing ang oiliness 'no! Pearl blush-on sa cheek apples at finally, lip balm. No need for eye makeup at baka lumampas ang eyeliner ko. Okay, ipon-ipon na. Wala nang nakalimutan, check. Run, run, run!—with poise and such ladylike elegance NAKS!!

May forever, sabi ni RafiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon