ANG PAGPAPANGGAP
"Waiter!"
Agad namang dumating ang waiter matapos namin itong tawagin.
"Good evening! May I take your order?" tanong ng waiter sa amin.
Una kong tinanong ang order ni Lile at sinabi naman niya kaagad sa waiter ang order niya. Lumipat ang tingin ko kay Archie na ngayon ay nakatingin na sa akin.
"Anong gusto mo?" tanong ko.
"Ikaw," sagot niya.
"Huh?" naguguluhang tanong ko.
"I m-mean, ikaw, anong gusto mo?" tanong niya pabalik sa akin.
"Isang ramyun," sabi ko sa waiter at nilista niya iyon sa kaniyang maliit na notepad.
"Isang ramyun din sa akin," sabi ni Archie sa waiter.
Inorder din namin ang paborito naming pagkain, ang samgyupsal. Hindi lang samgyupsal ang tinitinda nila rito kundi ang iba pang Korean cuisines na patok din sa restaurant nila.
Matapos kunin ng waiter ang mga order namin ay umalis na ito. Naramdaman ko pa ang mga titig ni Lile pero binalewala ko na lang iyon.
Hindi rin nagtagal ay dumating na ang inorder namin at nagsimula na kaming magluto at kumain.
"Ngayon ko lang nasubukan ang ramyun nila at sobrang sarap talaga!" komento ko nang matikman ko ang ramyun nila. Sinubo ko ang noodles sa bibig ko at napapikit na lang ako sa sobrang sarap.
"Bakit ngayon mo lang inorder 'yan? Matagal na tayong pumupunta rito pero ngayon mo natikman ang ramyun nila," tanong ni Lile sa akin.
"Akala ko kasi hindi masarap kaya hindi ko inoorder," sagot ko.
As usual, ako na naman ang tagaluto at sila naman ang tagakain. Sinasanay ko na lang ang sarili ko sa tuwing nangyayari ang ganitong bagay.
Habang kumakain at nagkwekwentuhan kami ay biglang tumunog ang cellphone ni Archie. May tumatawag sa kaniya. Tiningnan ni Archie iyon pero hindi niya sinagot ang tawag at dinecline ito. Napansin namin ni Lile ang ginawa ni Archie kanina pero hindi na namin pinansin iyon.
Ilang minuto ang lumipas ay tumunog ulit ang cellphone niya at doon na namin inaabangan ni Lile ang susunod na mangyayari. Pareho kaming nakatingin ni Lile kay Archie na ngayon ay payapang kumakain. Parang hindi niya pinapansin ang pagtunog ng cellphone niya.
"Sagutin mo na kaya 'yan? Kanina pa tumutunog 'yang cellphone mo eh," sambit ni Lile.
"Kaya nga. Baka importanteng tawag 'yan," pagsang-ayon ko sa sinabi ni Lile.
Nagbuntonghininga si Archie at mukhang napilitan sa sagutin ang tawag. Tahimik lang kaming kumakain ni Lile pero pareho kaming nakikinig sa usapan ni Archie at doon sa katawag niya sa telepono. Sino kaya ang tumawag? Tumagal ang pag-uusap nila at kating-kati na akong tanungin kung sino ang katawag niya. Dala ng curiousity ay natanong ko na lang bigla kay Archie.
"Sino 'yan, Archie?"
Sapat lang 'yong boses ko para marinig ni Archie ang sinabi ko. Walang ano-ano'y narinig namin ang boses ng babae sa telepono dahil sa pasigaw nitong tanong.
"Who's that bitch? Is she your new girlfriend? Tell me, Archie!"
"Hala," magkasabay naming sambit ni Lile. Pareho kaming nagulat ni Lile dahil doon. Napatakip pa ng bibig si Lile dahil sa gulat.
Nakita namin ang paghilot ni Archie sa kaniyang sentido. Naiinis na ata si Archie sa kausap at ngayon ko lang nakita si Archie na naiinis.
Mas lalo kaming nagulat ni Lile sa sinagot ni Archie.
![](https://img.wattpad.com/cover/290900938-288-k334336.jpg)
YOU ARE READING
100 Days of Life ✓
Short StoryVida Bartolome is jobless. Nakailang apply na siya ng trabaho pero hindi pa rin siya natatanggap. Ang nais niya lang ay makahanap ng magandang trabaho para may maipangtustos siya sa pang-araw-araw na pangangailangan niya. Isang gabi, sa hindi inaasa...