Ang Sekreto
"PASENSYA na kung makalat ang apartment ko."
Pagkapasok pa lang namin sa apartment ko ay agad na akong humingi ng pasensya sa kanila.
"Ayos lang, hindi naman makalat ang apartment mo," sabi ni Archie.
"Sus nambola pa kayo," natatawang sambit ko.
Hindi naman talaga makalat ang apartment ko sadyang nahihiya lang talaga ako kasi baka maliitan sila sa apartment ko. Hindi naman kasi ito kalakihan at sakto lang 'yong espasyo niya sa tatlong tao.
"Sa wakas, nakapasok na rin tayo rito," sambit ni Lile.
"Masaya na kayo?" sarkastikong tanong ko. Nakita ko naman ang pagtango ng dalawa.
Nilapag na namin sa lamesa ang mga pinamili namin kanina at nagsimula nang magluto. Ako ang tagahiwa, si Archie ang tagaluto at si Lile naman ang tagahain.
"Kumusta ang araw niyo?" tanong ni Archie habang naglalagay ng sahog sa kawali.
"Naks! First time mong magtanong ng ganyan a? Naunahan mo pa ako," sabi ko.
"Oo nga 'no? Ngayon lang tayo kinumusta ni Archie," sabi naman ni Lile.
"'Wag niyo na nga lang sagutin. Nangangamusta lang naman ako, ang dami niyo pang sinasabi," sambit ni Archie.
Natigil kami ni Lile sa aming ginagawa dahil doon sa sinabi niya.
"Ito naman, ang bilis mong magtampo. Sasagutin ko na nga lang," sabi ko. "Masaya ang araw ko ngayon dahil sumweldo ako at siyempre kasama ko kayo rito ngayon."
"Matutuwa na ba kami n'yan?" tanong ni Lile.
"Aba siyempre naman! Nilibre ko na nga kayo!"
"Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na nilibre mo kami ngayon," nakangising sambit ni Lile.
"Gusto niyo bawiin ko pa e! Paulit-ulit na lang talaga, Lile?" naiinis na tanong ko sa kaniya.
"Tumigil na nga kayo. Para kayong mga bata," sita sa amin ni Archie.
"Yes, Kuya," pang-aasar ko.
"Hindi pa nga ako nakakasagot sa tanong ni Archie e! Pasagutin niyo muna ako saka lang ako titigil," singit ni Lile.
"Sagutin mo na kasi, ang dami mo pang sinasabi e."
"Masaya ang araw ko kasi first time tayong nilibre ni Vida!"
Napairap na lang ako at tinuloy ang ginagawa.
Nang matapos ang niluluto namin ay naghahanda na kami para kumain. Sa sala kami pupwesto dahil manonood kami ng movies, iyon kasi ang suhestiyon ni Lile.
Kain lang kami ng kain hanggang sa maubos ang niluto naming pagkain. Parang wala nang bukas dahil abala kaming lahat sa pagkain. Habang nanonood kami ng movie ay kumakain din kami ng pinamili naming chichirya kanina. Konti lang kinukuha ko para na rin sa kalusugan ko. Mabuti na lang at hindi nila napapansin ang mga galaw ko.
"Nauuhaw ako," sambit ni Lile.
"Kukuha lang ako ng tubig," pagboboluntaryo ko.
Nagtungo ako sa ref para kunin ang pakay ko. Habang kinukuha ko 'yong pitchel ay napahinto ako dahil naramdaman ko ang matinding pangingirot ng dibdib ko. Sobrang sakit nito at hindi ito kagaya noon.
Kahit na nahihirapan ay nagawa ko pa ring kunin ang pitchel at ang baso. Napahawak na ako sa dibdib ko dahil nahihirapan na ako sa paghinga. Nagawa ko pang magsalin ng tubig sa baso kahit nanginginig na ang kanang kamay ko. Tumatapon ang tubig sa sahig dahil sa panginginig ng kamay ko. Hindi ko na mailagay ng tama ang tubig sa baso.
![](https://img.wattpad.com/cover/290900938-288-k334336.jpg)
YOU ARE READING
100 Days of Life ✓
Short StoryVida Bartolome is jobless. Nakailang apply na siya ng trabaho pero hindi pa rin siya natatanggap. Ang nais niya lang ay makahanap ng magandang trabaho para may maipangtustos siya sa pang-araw-araw na pangangailangan niya. Isang gabi, sa hindi inaasa...