Chapter 3 - Before and After

8.5K 245 27
                                    


Naglalakad ako ngayon papunta sa University, magto-two weeks narin simula ng mag simula ang klase namin. Tahimik lang akong naglalakad, nakuha ang atensyon ko ng isang batang umiiyak. Wala siyang kasama kaya nilapitan ko siya.

"Hey, why are you crying?" Nagpunas siya ng luha nya, mahina parin siyang humihikbi. "I-i don't know if where's my mommy." Napabuntong hininga ako, may one hour pa ako bago ang first subject ko. I smiled at him "Stop crying now. Sasamahan kita dito, okay?" He tried to smile at me, he's cute. Basi sa suot nya, isa itong anak mayaman. "Miss, I don't have an ate. Can I call you, my Ate?" Nakangiti nyang tanong, hindi agad ako nakasagot. It's been what? 5 years since I was called, Ate. I sighed. His smiling face faded, nakatungo na siya. "I-I'm sorry." I smiled and lifted his chin up so that I can see his little cute face, walang duda habulin to ng mga babae paglaki nito.

"I will be your, Ate for now." Kuminang ang mga mata nya, to my surprise he hugged me very tight. Nagdadalawang isip pa ako kung yayakapin ko rin siya o hindi, pero sa huli napayakap narin ako at napapikit ng mata ko. Masarap sa pakiramdam na may kayakap ka, yung tipong ayaw ka nyang mawala sa piling nya. Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at ngumiti ng kay tamis tamis. Kailan nga ba ako ngumiti kagaya ng ibinigay ko sa batang ito? Parang hindi ko na matandaan. Napailing ako at pinagmasdan ang napakacute na batang ito. How I wish I still have them, but I know hindi na mangyayari yun.

"Why are you here by the way? Tanong ko sa kanya, I saw him bit his lower lip and his playing his fingers. Gawain ng mga bata talaga, napailing ulit ako. "I asked my mom to buy me Chuckie, she went out in the car and she said that I need to stay inside the car. I know I need to follow if what she said but I saw a dog crossing the street so I ran out and saved the dog. Hindi ko naman alam na tatakbo palayo ang aso eh, and then I found out that I am very far if where's my mom. Hindi ko na alam kung paano ako makakabalik." Naluluha nyang sabi, I wiped his tears using my thumb. Ngumiti ako sa kanya so that he will feel that I am here for him. Ganyan din kasi ang ginagawa nya/nila sa akin noon but sad to say hindi na yan mangyayari ngayon.

May kinuha ako sa loob ng bag ko, nakamasid lang siya sa akin. Nang makita nya kung ano ang kinuha ko ay nagningning ang kanyang mga mata sa tuwa at tumalon talon. "Yehey! My chocolatie buddy!" I handed him what I've got inside my bag and watched him with a smile on my face. Bigla siyang tumigil "My bad! I'm sorry, Ate. Thank you po sa Chuckie!" Masigla nyang wika. I heard him giggled. Napangiti na naman ako sa kanya. After nyang maubos ang Chukie ay mas lumapit pa siya sa akin, since maliliit palang ang mga binti nya ay hindi pa abot ng mga paa nya ang ground. "Ate, what's your name po?" Kinuha ko ang panyo ko at pinunasan ang gilid ng labi nya na may chocolate syrup pa. "I'm Stephanie, ikaw? What's your name, kiddo?" Nakita kong napasimangot siya "I'm Andrew and I am not a kid anymore, Ate." Ginulo ko ang buhok nya, kaya pala nasimangot siya kanina kasi nasabihan ng kiddo? "You are still a kid, baby. If you reached at the age of 18 then you can call yourself as a guy." Napakibit balikat pa ako sa kanya, kumunot ang noo nya. "So my Uncle and my Aunt were a liar? Thay told me that I am not a kid anymore!" Parang pinagbagsakan siya ng langit at lupa "How old are you na? I asked him "I'm five years old." Proud na proud nyang sabi. "See? You are still a kid, baby. Marami kapang kakaining bigas para lumaki ka."

"Is that so? I will tell them all of that, Ate!" Ngumiti nalang ako sa kanya. "How old are you, Ate?" Tanong nya sa akin "I'm 19 years old." Parang namangha pa siya sa nalaman nya, I chuckled. "Wow! So you are a lady already?" I just nodded at him, nakita ko siyang pumalakpak.

"Do you have kapatid, Ate? Ako kasi ako lang mag-isa eh. I asked mom and dad to give me a brother or a sister but hanggang ngayon wala parin." Malungkot nyang sabi, hinawakan ko ang kamay nya. "It's not easy to give you a brother or a sister because you have to wait kung kailan bibiyayaan ang mom at dad mo ng bagong baby. And about sa tanong mo, yes I have." I had, Naging malungkot ang tono ng boses ko sa huling sinabi ko, napatango tango si Andrew sa akin na parang naiintindihan nya ang sinabi ko.

"Where are they, Ate?" Curious nyang tanong, ngumiti ako. Isang malungkot na ngiti, I cleared my throat first. "Nasa malayo sila." Maikli kong sagot, totoo naman ang sinabi ko sa kanya. Magsasalita pa sana siya ng may marinig akong busina ng sasakyan at may lumabas na isang magandang babae, walang duda nga. Isa silang mayaman, hindi ka naman makakakita ng isang mahirap na may isang porche na sasakyan dba?

Nakita ko nalang na nagyakapan silang dalawa, may nakita rin akong lalaki na lumabas ng sasakyan. Ito siguro ang daddy ni Andrew. "God! How are you baby? Are you okay? Huh?" Tanong ng mom nya, kitang kita sa mga mata nila ang sobrang pag-aalala na ni kahit minsan hindi ko na nakita sa kanila simula ng araw na iyon. Kailangan ko ng umalis kasi nasasaktan na naman ako, akala ko okay na ako eh. Pero hindi pa pala, my past is still hunting me.

Isang masayang pamilya, yun ang gusto ko. Pero malabo ng mangyari yon kasi ako mismo ang sumira sa pamilya ko, kaya nga nag-iisa ako ngayon. Tumayo na ako, pinigilan kong wag maiyak. Ayoko na may ibang makakakita sa akin na mahina ako, dapat ang makita nila ay isang Stephanie na malakas at matatag. "Ate! Where are you going?" Napalingon ako sa pagtawag ni Andrew sa akin, lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko. "Mom and Dad! She is My Ate Stephanie! She gave me My chocolatie buddy! She's with me, ang bait bait nya po." Naluluhang lumapit sa akin ang mom at dad nya, nayakap ako ng mom nya at nagpasalamat. Ganon di naman ang dad nya. Binigyan nila ako ng calling card, baka daw kailangan ko ng tulong nila. Kahit na nahihiya ako ay tinanggap ko narin. Napatingin siya sa ID ko,"You are from Eastwood Academy?" Napatango ako, ngumiti sila sa akin. "Thank you talaga, Steph. Kapag kailangan mo ng tulong tawagan mo lang kami huh? Hindi kami magdadalawang isip na tulungan ka." Mababait sila, kitang kita kasi ang pagka sincere sa mga mata nila. Ngumiti ako sa mommy ni Andrew. "Walang ano man po, at opo. Sige may pasok pa ako ma'am at sir. Baka malate pa ako eh." Nahihiya kong sabi "Drop the ma'am and sir, ano kaba. Sige, ihatid kana namin?" Agad akong napailing, ayoko. Baka kung ano pang balita ang kumalat. Sinabi ko nalang na kaya ko na since malapit lang naman ang school namin dito. Nagpaalam na ko sa kanila at nag-umpisang maglakad papunta sa school.

Habang naglalakad ako ay hindi ko mapigilang balikan ang masasayang araw namin noon na magkakasama, bakit ba nangyari yon? Dahil sa katangahan ko? Parte lang naman yun siguro ng pagkabata ko dba? Hindi ko naman ginusto na mangyari yun eh, wala na akong magagawa dahil nangyari na ang nangyari at hindi ko na maibabalik ang mga nawala.

-Splash-

"What the fucking shit?!" Gulat na gulat kong sabi, napakurap ako ng ilang beses. Napahawak ako sa damit, buhok at mukha ko. "Holy mother of cheesecake!" Galit kong sigaw. Nagpalinga linga ako at nakita ko ang isang lalaking bumaba sa sports car nya, papunta siya sa kinatatayuan ko. Pinagpag ko ang damit ko ng puno ng putik, ng makalapit siya sa akin nagsalita siya. "How much does it cost?" Pa cool nyang sabi, nagpanting ang tenga ko. "Excuse me?" Baka nabingi lang ako sa sinabi nya. Umatras siya na parang binibigyan nya ako ng daan. "What the hell?" Bulong ko sa sarili ko, kinuha ko ang panyo sa pocket ko at pinunasan ang mukha ko na puno rin ng putik. Napatitig siya sa akin, tinaasan ko siya ng kilay.

"You're unbelievable!" Nakakairita ang lalaking ito! Bwesit! Akala ko magsosorry siya pero, shit lang! Napatingin siya sa relo nya "Miss who ever you are, I'm running out of time. May importante pa akong gagawin, sabihin mo nalang kung magkano lahat ng na damage ko at babayaran ko kahit doble pa." Walang ka gana gana nyang sabi sa akin, mas umusbong ang galit ko. Feeling ko namumula ako sa galit at umuusok ang butas ng ilong ko. Bwesit!!! "Mister who the hell you are, I don't need your money. All I need to hear from you is simple as Sorry, thats it." Kitang kita ang pagka irita sa mukha nya, sorry lang hindi mo masabi? Aba! Tinalikuran nya ako "Kung ayaw mo edi wag! Papansin kalang yata eh!" Gago to ah! Me? Papansin? Damn you, asshole!

Kung ayaw mong magsorry pwes bahala ka! "What the Fuck did you do? Fucking bitch!" I Just smirked at him, bitch? I'm more than a bitch! Papansin your ass! Napatulala siya sa windshield nyang basag, since mababarayan nya ako ng doble sa damage nya sa akin kaya na nyang ipagawa ang kotse nya.

Nagdadabog akong naglakad pabalik sa apartment ko, hindi ko na narinig ang boses nya. Tulala parin siguro sa basag na windshield ng kotse nya. Nakakainis! Late na ako eh! Aabsent na siguro ako ng first subject.

___________________
Enjoy reading!

~Mexica

Shadow Love(Published On Dreame App)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon