Chapter 5 - What the hell!

8.6K 222 17
                                    


Nandito lang ako sa bahay buong araw, hindi ako lumalabas pwera nalang kung may importante akong kailangang bilhin. Hanggang ngayon hindi ko parin makalimutan ang nangyari last friday midnight, nakaramdam na naman ako ng sobrang kaba sa dibdib ko. Ito rin ang dahilan kaya hindi ako pumasok sa Lave Caffee, kasi baka balikan ako ng lalaking iyon. Bukas na bukas ay magre-resign na ako, I will not risk my life! Maghahanap ako ng bagong trabaho, pwede pa naman siguro akong bumalik sa Green House. Kaya kung magmakaawa basta makapasok lang ako ulit doon, lunes na pala bukas. Shit! What if bantayan nya ako sa lugar kung saan kami unang nagkita? Geez! Kailangan ko na yatang mag-iba ng dadaanan, pero yun lang ang pinakamalapit eh!

Wala akong pakialam! Kahit na gumising ako ng alas kwatro ng umaga at umalis ng alas sais ng umaga ay gagawin ko wag lang ulit magkrus ang landas naming dalawa! Sa una swerte pa ako, baka sa pangalawang pagkakataon ay hindi na ako makapalag. Kailangan kong maghanda, ayokong ma rape or worst eh baka patayin nya ako. Damn this imagination! Ipinilig ko ang ulo ko para mawala yun sa isipan ko, stay strong Steph!










Ito na nga ang araw na kinatatakutan ko, Lunes na. Maaga pa akong umalis sa bahay, kahit na late pa ang klase ko. It's better than safe, than sorry. Ayokong mangyari ang kinakatakutan ko, bata pa ako at marami pa akong pangarap na gustong abutin. Isa na roon ang pangarap namin, noon. I smiled sadly, I closed my eyes and said "Help me please, wag mo naman sanang hayaan na mapahamak ako."

Natapos ang buong araw ko na walang panganib and I am really thankful. Buti naman at walang anino ng lalaking iyon, naglalakad na ako pauwi sa bahay ko. Tahimik ang paligid, nang marating ko ang parking lot ay parang kinabahan ako ng sobra. Dali dali akong naglakad, malapit ko ng malampasan ang PL ng may marinig akong mga yabag na papunta sa direksyon ko. Wala akong balak na lumingon, nagpatuloy lang ako sa paglalakad pero ganon nalang ang gulat ko ng may humila sa akin at isinandal ako sa kotse, bakit ba palagi nalang akong nasasandal sa kotse?

Nanlaki ang mga mata ko, ngumiti lang siya sa akin. Ngiting nakakapanindig balahibo, natatakot ako. Nagpupumiglas ako pero parang papel lang ako para sa kanya. Walang kahirap hirap nya akong ikinulong sa mga bisig nya. Ilang inches lang din ang layo ng mukha namin sa isa't-isa, parang nawalan yata ako ng lakas. "What do you want now?" Lakas loob kong tanong kahit na parang lalabas na sa dibdib ko ang puso ko. "What if I'll tell you that I.Want.You? Anong gagawin mo?"

Napamaang ako sa sinabi nya, hindi ako nakapagsalita. Nawalan yata ako ng boses, alam kong bakas na bakas sa mukha ko ang takot. Sino ba naman ang hindi matatakot? "Alam mo bang na hospital ako?" Napailing ako, hindi ko naman talaga alam eh. Alangan namang umuo ako sa kanya? "At alam mo bang dahil yun sa ginawa mo ng isang gabe?" Napalunok ako, seryoso ang itsura nya. Hindi ako nagsalita, "Marami kanang utang sa akin, do you know that?" Hindi parin ako nagsasalita, "Are we going to play deaf here?" Napaismid pa siya, inipon ko ang lahat ng lakas ko at nag-umpisang magsalita.

"That was your fault!" Pinilit ko paring maging matapang ang boses ko, napangisi lang siya. "How can you pay me, miss?" Kitang-kita ko sa mga mata nya na determinado talaga siyang pagbayarin ako. "Wala akong utang sa'yo!" Giit ko sa kanya, "Anong wala? Sa pagkakaalam ko binasag mo ang windshield ng sasakyan ko and lastly you hurt my buddy." Namula ako sa huling sinabi nya, "Oh damn! You're freaking cute when you blush!" Mas inilapit nya pa ang mukha nya sa mukha ko, iniwas ko ang mukha ko. "Ano ba! Lumayo ka nga sa akin!" Pero salungat ang lalaking ito, sa halip na sundin nya ako ay mas kinabig nya pa ang katawan ko papalapit sa kanya at inamoy ang buhok ko. "You smell so good, hmmm." Aniya, shit! Nagpupumiglas ako at akmang sisigaw na sana ako ng tinakpan nya ang bunganga ko ng kamay nya. "I will not make you pay for now, I have better plans for you. And don't worry walang mangyayaring masama sa'yo, I promise." Nakangiti nyang sabi sa akin habang titig na titig sa mukha ko, ang ngiti nya ay totoo. Yung nagbibigay assurance.

Shadow Love(Published On Dreame App)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon