021

10 1 0
                                    

1:59 am

Kaddisse's Point of View

Nagising ako dahil nakaramdam ng sobrang gutom, nang makita si Carter na nakaupo sa sahig at ipinapahinga ang ulo sa may kama.

Dito lang siya natulog..

Sigurado akong sasakit ang leeg at katawan niya sa posisyong 'yon kaya marahan ko itong tinapik at ginising.

"Cart.." tawag ko sa pangalan niya habang tinatapik-tapik ang braso niya.

"Hmm?" Nagising ito kaagad, "Kad, you're awake. Is it morning already?"

"1:59. A, hindi. Alas dos na.. kaka-alas dos lang," inayos ko ang katabing unan para may mahigaan siya, "dito ka sa tabi ko mahiga.."

Umiling siya saka kinusot ang mga mata, "Ayos lang ako rito. Anyways, it's still early. Nagugutom ka ba? You wanna eat something?"

Kumalam ang tiyan ko. Ito na mismo ang sumagot kay Carter. Natawa siya ng bahagya kaya nakaramdam ako ng hiya. Pero, ngumiti na lang din nang ma-realize na talagang ang gwapo ni Carter kapag tumatawa, saka kapag ngumingiti.

"Anong gusto mong kainin?" Pagtatanong niya.

Tumayo ito. Kita kong iba na ang suot niya sa suot nito kanina. Nagbihis siya. Nagdala pa talaga siya ng damit at natulog sa sahig para lang samahan ako rito.

"Ewan ko.. pero, ikaw ba? Kumain ka na?" Ako naman ang nagtanong.

"Yup, don't worry. So, what do ya wanna eat?" Pag-uulit niya.

"Pancake, saka ano.. gatas," sabi ko.

Sinuklay nito ang magulong buhok, "Yun lang?"

Tumango lang ako.

Aalis na sana siya nang maisipan kong itanong ang tungkol sa isang bagay. Hanggang ngayon ay nililito pa rin nito ang nararamdaman ko para kay Carter. Hindi ko maiwasang magtanong sa kanya ng paulit-ulit.

"Cart?"

"Yeah?"

"Mahal mo ba talaga ako?" Sa tanong na 'yon ay natigil ako. Expected ko na rin naman kung ano ang sagot niya. Siyempre, sasabihin niyang 'oo'.

Naglakad siya palapit sa 'kin at hinawi ang buhok kong nakalugay. Hindi niya sinagot ang tanong ko. Sa halip, ginawaran nito ng halik ang aking noo.

"Mahal kita," aniya. Sa boses niya, para siyang nag a-assure talaga.

2:38 am


Niluto ni Cart yung request ko. Tapos, dinagdagan pa niya ng mga hiniwang prutas kaya naman talagang nabusog ako. Pagkatapos, siya na ang nagligpit at naghugas ng pinagkainan.

"Kad?" Tawag niya sa 'kin. Papasok siya ng kwarto ko at pinupunas nito ang mga kamay sa suot niyang shirt. "You feeling comfy?"

Umiling ako. Malakas ang daloy ko ngayon at may tagos na rin ako. Buti na nga lang at hindi namanstahan ang sapin ng kama, e. Pero tinagusan na 'ko sa suot kong shorts.

"Come, I'll help you change," dito, napatitig lang ako sa kanya.

Sa mga nakarelasyon ko, siya lang ang nagsasabi ng ganito sa 'kin. He's helping me even during my period days, na hanggang ngayon ay ikinagugulat ko pa rin. Pero, naiiyak din ako, kasi hindi siya nandidiri.

Tinulungan niya akong makapunta sa may cabinet para makakuha ng pamalit na pads at damit pang-ibaba. Saka inalalayan patungong banyo. Medyo masakit pa rin ang puson at katawan ko pero nakakaya naman na ding gumalaw.

After magpalit, paglabas ko ay nakita ko siyang may nilagay na sapin.

"Para hindi ka na masyadong mahirapan when you wash your bedsheet," sabi niya, at tinulungan akong humiga. Saka na siya tumabi sa 'kin at sinandal ako sa dibdib niya.

"Sorry, naabala pa kita—"

"It's fine.."

Rinig ko ang heartbeat niya..

"You sleep, Kad," mahinahon niyang ani, saka sinimulang suklayin ang buhok ko, "Sleep well.. I love you."

Lagi kong nababasa sa mga messages niya, saka naririnig sa kanya ang salitang 'yon. Pero habang tumatagal ay gusto ko na lagi niya akong sinasabihan no'n.

"Thank you, Cart.." ngumiti ako, saka pinikit ang mga mata, "I love.. you, din."


Paninindigan KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon