10:53 pm
Kaddisse's POV
Sinagot man ni Carter ang messenger call ko ay i-end call pa rin niya agad ang tawag kanina, at hindi pa rin ito nagchachat sa 'kin. Sigurado akong galit pa rin sa akin si Carter dahil sa nalaman niya.
Bumuntong hininga ako at pinunasan na lang ang mga luha sa pisngi. Kasalanan ko rin naman kasi kung bakit siya galit ngayon. Sinisisi ko rin ang sarili, kung bakit ba hindi ko magawang magtiwala sa kanya..
"Kad?" May narinig akong tumawag sa pangalan ko, saka mga katok. Boses ni Carter 'yon! Kaya naman, nagmadali ako at pinagbuksan siya ng pinto. Yakap agad ang.. sinalubong nito, "I'm so sorry.."
Imbis na mag-sorry pabalik, umiyak lang ako.
"You must be crying all day and night because of me, huh?" Tanong niya. Humagulhol ako. Hinagod niya ang likod ko, "I'm so sorry, beautiful—"
"Sorry.." yuamakap ako pabalik at hindi pinigilan ang pagluha, "Sorry kasi lagi akong manhid sayo. Sorry kasi hindi maganda ang trato ko sayo. Sorry kasi sinasaktan kita.. I'm sorry, Cart..."
"Goodness, my Kaddisse.." yung buhok ko, hinaplos-haplos niya. Lalo lang akong naiyak.
11:14 pm
Humihingos pa rin ako, kahit na nandito na kami pareho sa sofa. Taga-bigay naman siya ng tissue kasi hindi ko talaga mapigil ang pag-iyak ko.
"Still feeling heavy, Kad?" Tanong niya. Medyo, kaya tumango ako. "I'll get you some water—"
"Sorry talaga, Carter," kinuyom ko ang mga kamay. May hawak mang tissue na nabasa na rin dahil sa luha ay wala akong pakialam. "Sorry kung hindi ako naging mabuting girlfriend sayo.. sorry kasi hindi ko nagawang magtiwala.."
"I'm.." yumuko siya, saka bahagyang ngumiti nang inangat ang tingin, "I'm honestly hurt when I found out about that.."
Sabi niya, kaya kinabahan ako. Inunahan na naman ako ng takot kaya kung ano-ano ang pumapasok ngayon sa isip. Binitiwan ko ang hawak na tissue at lumapit agad kay Cart. Dali-dali ko siyang niyakap. Ng mahigpit.
"Kung gano'n.. hihiwalayan mo na 'ko?" Umiyak akong umiiling. "Wag, Carter.. please.. wag kang makipaghiwalay.. please.. wag mo 'kong iwan.."
"Hmm?" Tila, may kaunting pagtataka sa kanya, "Sinong nagsabing hihiwalayan kita?"
"H-ha?" Kakalas na sana ako para titigan ang mukha niya nang mahigpit din niya akong niyakap pabalik. "Carter.."
"Nasaktan ako, oo. Pero hindi ibig sabihin no'n na susukuan kita." Aniya. "I'm hurt, but it doesn't mean I'm gonna leave you behind. I won't do that, because I understand what you're going through."
"Carter.."
"I promise to stay, Kad.. and I'm not breaking that." Dagdag pa niya. Masakit na ang mga mata ko kakaiyak pero lalo lang akong naluha. Sobra lang akong natutuwa at napanatag sa lahat ng mga naririnig ko ngayon mula kay Carter.
Kung tutuusin nga, dapat matagal na talaga siyang nakipaghiwalay o nagloko, nanakit at nang-iwan. Pero hindi. Ako itong gumagawa no'n sa kanya. That makes me question myself.. if do I even deserve this man?
"Ano bang nagawa ko para maging deserving sa tulad mo, Cart? I'm not even worth it—"
"You are." He kissed my hair, "You're worth it, and you deserve me because I love you. Always remember that. Okay?"
"Okay.." tanging sagot ko na lang.
BINABASA MO ANG
Paninindigan Kita
Teen FictionShe's been fooled. She's been cheated with. She's been left heart broken. Kaya naman, wala na sa bokabularyo ni Kaddisse Carreon ang salitang tiwala. Yet she entered romantic love once again. Sa pagkakataong ito, maniniwala pa kaya si Kaddisse na pa...