020

10 1 0
                                    

11:27 pm

Kaddisse's POV

"Kad.." napamulat ako kahit masakit ang puson. Nakita ko si Carter na may dalang compress. Umupo siya sa gilid ng kama at hinaplos ang pisngi ko, "Let's put compress to lessen the pain. Can you move?"

"Kanina ka pa ba?" Tanong ko, saka umayos ng higa. "Sorry, hindi ako nakapag-reply—"

"Ayos lang," aniya. "Kararating ko lang din,"

Maingat niyang pinatong ang compress sa may puson ko. Nalahinga ako ng maluwag dahil unti-unti nitong napagaan ang aking pakiramdam.

"Kumusta pakiramdam mo?"

"A-ayos lang," mahina kong sagot.

"Kumain ka na ba? You like to eat something?" Rinig ko ang buntong-hininga nito, "You sure you're okay?"

"Ayos lang," ayos lang naman talaga. Sadyang masakit lang puson ko't buong katawan. Pakiramdam ko nanlalanta ako, pero ayos lang.

"You rest, Kad," sabay hawak ni Carter sa kamay ko. "I love you.."

Kahit kailan, hindi siya pumalya sa pagsasabi ng 'I love you.' Kaso.. hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala ang takot kong magtitwala ulit. Wala na sa utak ko 'yon, e. Pero pagdating kay Carter, takot lang ang nararamdaman ko.

Ewan ko ba.

Paninindigan KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon