CHAPTER 8

13 2 0
                                    

CHAPTER 8

TODAY was super tiring for me. Lunch break pa lang pero gusto ko nang umuwi at matulog ng matagal. Ilang oras lang ang tulog ko kagabi at sobrang dami kong inasikaso kanina. Naghabol kami nina Diancia at Kiara ng mga quizes namin at nagsulat ng ni-lesson sa dalawang subjects na hindi namin naabutan. Hindi ko alam na nag-quiz pala kanina ang mga kaklase namin habang pinaparusahan kami.

Kailangan kumpleto ang requiremets ko dahil malapit nang matapos ang first quarter namin, it means, malapit na rin ang card day. Next week will be our periodic exam and I need to do my very best dahil isang mali ko lang, marami na silang sasabihin sa akin.

Kagaya na lamang ngayon. Nakarating na pala sa kanila ang nangyari kanina.

"Ano bang pinag-gagawa mong bata ka?!" Nailayo ko ang cellphone sa aking tenga dahil sa sigaw ni Daddy. "Umalis lang kami para sa isang business trip kagabi tapos ngayon malalaman ko nang na-late ka at naparusahan na naman!"

"D-Dad…s-sorry. N-Napuyat po kasi ako kagabi and I…overslept." I bit my lower lip.

Narito ako ngayon sa harap ng canteen. Balak na sana namin kumain nang biglang tumawag si Daddy sa akin and I have no choice but to answer it dahil kung hindi, paniguradong mas iinit ang ulo niya.

"Puyat?! Didn't I told you to sleep early?! Paano na lang ang grades mo kapag bumaba? E'di bumagsak ka? Sinasabi ko sa'yo, Selenn kapag bumagsak ka, mayayari ka sa akin. Tandaan mo, wala akong anak na palpak." Nangingilid na ang luha ko sa mga salitang binibitawan niya. Tumingala ako para hindi tuluyang malaglag ang nagbabadya kong luha.

"M-Minsan lang naman po, D-Daddy." Nanginginig ang labi na turan ko. Sinilip ko ang mga kaibigan ko. I saw them looking at me, their eyes are full of worry.  I gave them a grin, trying to lessen their worry.

"Aba, sumasagot ka na ngayon! Wala ka nang galang bata ka!" I heard my father ranting and firing hurtful words but I chose to ignore it.

"Are you okay?" I saw Kiara mouthed.

Tumango ako at nag-thumbs up gamit ang kaliwang kamay. Sinenyasan ko sila na aalis ako saglit dahil ayokong makaagaw ng pansin. Hindi man naka-loud speaker ang cellphone ko, naririnig pa rin ang malakas na sigaw ni Daddy kaya may mangilan-ngilan ding estudyante ang tumitingin sa akin. Hindi ko na hinintay na sumagot ang kaibigan ko, naglakad na ako palayo.

Hindi ko namalayang napunta na pala ako sa English Park. Naupo ako sa isang bakanteng bench, medyo tago itong pwesto ko kaya walang makakapansin sa akin dito.

"Nagiging bastos ka na, Iccen! Kinakausap kita pero hindi ka sumasagot! Ganyan ba ang natututunan mo sa mga kaibigan mo? They are bad influence to you! Layuan mo sila, Iccen. Kung hindi, unti-unti ko silang pabaabgsakin hanggang sa wala nang matitira sa kanila." Pagbabanta niya.

Huminga ako nang malalim bago sumagot. "Dad, mababait po sila. If you could just meet them. I swear, they're good," malumanay na saad ko.

"Tignan mo! Dahil sa natutunan mong masamang  impluwensya sa kanila nawawalan ka na ng respeto! Natututo ka nang makipagbasag ulo at mag-palate tapos ngayon sumasagot ka na. Sabi ko sa'yo noon, kaibiganin mo ang mga anak ng business partners ko dahil-"

I cut him off. "Dad, please just this once. Hayan niyo naman po akong pumili para sa sarili ko. Palagi na lang ang gusto iyo ang nasusunod. Gusto niyo magsuot ako nang mga mamahaling damit para pumantay sa anak ng mga business partners niyo, I did. You want to homeschooled me when I was in grade school, I obliged. You want me to study at a prestigious school, I agreed. You want me to ace at everything, and I did! Ni minsan ba naisip niyong tanungin kung anong gusto ko? Kung saan ako masaya? Kung saan ako komportable? Kaya sana…sa unang pagkakataon, pagbigyan niyo ako!" Hindi ko sinasadya na magmukhang sinusumbatan siya pero hindi ko maiwasan na ilabas ang lahat ng saloobin ko.

YLSeries 8: Same Old Smile (On-Hold) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon