CHAPTER 10

13 2 0
                                    

CHAPTER 10

TIME flew really fast. Parang kahapon lang ang umpisa ng pasukan. Parang kahapon lang nang makilala ko 'yung tatlo. Parang kahapon lang nang umalis si Kiara.

Nakaka-miss din ang babaeng 'yon.

"Selenn! Tama na ang drama, bruhilda ka! Mag-s-start na ang ceremony!" Rinig kong sabi ni Arjelyn.

I sighed. Memories keep on flashing in my mind. Those fun memories…na kahit kailan ay hindi ko inaasahang mararanasan ko.

During my first to third year of high school, I only had Diancia and Kiara as my companions. Almost 4 years of friendship but I haven't introduced them to my parents. Given that my parents are always busy, same as Diancia. But the real reason is…I'm afraid. Natatakot ako na baka magalit si Daddy at gawan niya sila ng masama. I once had a friend, my Yaya, but when Daddy discovered that…he immediately fired her. 

He's too strict.

Natatakot din ako dahil hindi ako confident…maski sarili ko ay hindi ko magawang pagkatiwalaan. I'm doubting myself to the point that I keep secrets from my parents.

Masaya ako nang makilala ko ang mga magulang ni Kiara. They look so kind and genuine. I wanted to hang out with them more but things came unexpectedly.

Ngayong fourth year ako, I didn't expect that I'll meet nine amazing people. Wence, Tarius, Secret, Romeo, Tessia, Arjelyn, Kit…and Luther.

I felt her tapping my shoulder. "Are you okay?" Nag-aalalang aniya.

I looked at our reflection in the mirror then gave her a small smile. "Yes, I'm fine…" I think.

"Kabado ka?" She asked, I nodded. "Okay lang 'yan. That's normal."

I heaved a sigh. "I'm nervous and at the same time sad." I confessed. "Nalulungkot ako dahil hindi natin kasama si Kiara sa graduation natin." Mahinang saad ko.

"Cheer up, hindi pa naman tayo magkakahiwalay-hiwalay! May 2 years pa tayo dito." She murmured. "'Wag ka nang malungkot, baka maiyak ka ng wala sa oras e'di kumalat 'yang make-up mo." I chuckled at that.

Niyakap niya ako, yumakap din ako sa kanya pabalik. Napabitaw lang kami sa isa't-isa nang bumukas ang pintuan ng C.R.

Iniluwa nito si Secret. She smiled widely when she saw us. She looked really pretty even in her natural look, paano pa kaya ngayong may light make-up siya?

Pumasok siya sa C.R. at lumapit sa amin. "Nandito lang pala kayo. Pumunta pa ako sa comfort room ng senior high school, akala ko kasi nandoon kayo." She giggled.

Hinampas naman siya ni Arjelyn sa braso. "Gaga ka, 'di ba sinabi ko naman sa'yo kanina na sa likod kami ng Gymnasium na C.R. ang pupuntahan namin." Singhal niya. "'Yan tuloy pinagod mo pa ang sarili mo!"

Mahina akong napatawa dahil parang Nanay kung magalit si Arjelyn.

"Sorry na…" nakangusong yumuko si Secret. Para siyang bata na pinapagalitan ng nanay niya.

"Ewan ko sa'yo." Umirap si Arjelyn sa ere bago siya bumaling sa akin.

"Halika na, Selenn, tama na ang drama," mataray na aniya. "Hindi ka naman naming pwedeng iwanan dito dahil nag-iisa ka lang. 'Yung bruhilda mong kaibigan, iniwan ka na."

Napangiwi ako. “Grabe ka naman, Arjelyn. Maybe Diancia just wanted to…explore I guess?” Hindi siguradong sagot ko.

Arjelyn is somehow right…I guess? After a week when Kiara left, Diancia started giving me cold shoulders. I felt like she’s avoiding me and started hanging out with someone else, specifically Sxiandra. Nakakausap ko naman siya pero madalas ang paraan ng pagsagot niya sa akin ay malamig, seryoso at parang…galit. But I just ignored it, maybe she’s just sad that Kiara left, so I understand her. 

YLSeries 8: Same Old Smile (On-Hold) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon