Chapter 7

11 1 0
                                    

Lilac

NAKASAKAY si Lilac sa bus papunta sa probinsya ng Clementia at sa San Diego ang tungo niya, isa sa mga bayan ng Clementia. She's with Raven and Fred but when they arrive at San Diego, they will separate their ways. They can't be together and that will be suspicious especially they're new. They need to be cautious in their actions.

Napatingin si Lilac sa malalaking palm trees na nadadaanan nila, it's so refreshing to have this view. Binuksan niya ang bintana at nilanghap ang sariwang hangin na sa probinsya mo lang makukuha.

"Malapit na tayo! Sinong bababa sa San Andreas at San Diego?!" Sigaw ng conductor. Tinaas niya ang kamay at sinabing sa San Diego lang siya bababa. Sa ibang bayan bababa ang dalawang kasama niya para hindi halata. Susunod din naman sila pero hindi sila pwedeng makitang magkasama.

Ilang minuto lang ay nakarating kami sa terminal ng mga tricycle. Kaagad na bumaba si Lilac at pa simpleng tumingin sa dalawa na tumango lang. May kaagad na lumapit na matandang lalaki at tinanong kong saan siya pupunta.

" Sa malapit lang po sa Hacienda ng mga Montenegro manong. Pero hindi naman makakaabot sa hacienda. Tumango tango ito bago siya iginaya para sumakay. Malinis ang bayan ng San Diego at halatang may disiplena ang mga nakatira. As Lilac heard, isa sa mga mayayaman dito sa San Diego ay ang mga Montenegro at sa San Andreas ay ang mga Divina Gracia. They are most powerful na hawak nila ang buong bayan. Pero ang pinagtataka ni Lilac bakit hindi man lang gumagawa ng paraan ang mga Montenegro na alisin ang mga nagtatagong mga sindikato. Or are they even aware?

"Ma'am nandito na po tayo" nabalik siya sa sarili at tinanong ang driver kong ilan.

"20 lang po ma'am. At ang ganda ganda niyo parin ma'am" nakangiti nitong sabi na tila nahihiya. She arched her brow, parin? Like manong knows her already pero bago lang naman siya dito. Pero hindi na siya nag-usisa at binigay nalang ang bayad.

Umalis na ang driver at kaagad niyang hinila ang maleta. Mabigat ito dahil may mga nakatagong armas sa loob at bomba na kailangan niya sa trabaho incase in emergency. Kaya dahan dahan lang ang paghila o buhat niya. Mayroon na siyang bahay na titirahan dahil si Veronica na ang umayos noon at titirahan nalang niya. At ngayon nga ay nandito na siya sa isang maliit na bahay na tama lang naman dahil mag isa lang naman siyang gagamit. Half cement ang design nito at medyo luma na pero maganda parin naman kaya okay lang.

Papasok na sana siya pero napatigil dahil may mga kapit bahay ang nasa labas at naka taas ang kilay na tila hindi nagustuhan ang presinsya niya. She's wondering why. Kinuha niya ang susi at binuksan ang pinto at papasok na sana ng may marinig na bulungan.

" Ang kapal naman ng babaeng iyan! Matapos ng ginawa niyang panggugulo may mukha pa siyang lumipat dito! Walang hiya talaga." Rinig niyang sabi ng babaeng naka bistida na may kalong na bata. Umingos rin ang katabi nitong nagwawalis na pansamantalang tumigil at hinarap ang kausap.

" Ganyan talaga ang malalandi. Wala nang hiya sa katawan!" Medyo malakas nitong sabi na tila pinaparinig pa. Kumunot ang noo niya at umiling, hindi nalang pinansin kahit nakakapagtataka.

Isinampak niya ang sarili sa maliit na sofa at pumikit. Medyo nakakapagod din ang byahe dahil sa layo. Itinabi na muna niya ang gamit at naisipang matulog.

---

HAPON na ng magising si Lilac at naisipang pumunta ng bayan para mamili ng mga gagamitin sa bahay at sa misyon niya. Paglabas palang ng bahay mas marami na ang nakatambay at nagbubulungan. Bulungan ngaba? E rinig na rinig niya ang mga bulong na tila pinariringgan talaga siya. Pinagsawalang bahala niya nalang at naisipang pa imbistigahan ito kay Veronica baka magamit niya sa misyon. Nang makarating sa bayan, agad siyang bumili ng mga gulay at karne ng manok, bumili din siya ng mga gamit sa kusina dahil magtatagal siya sa San Diego at kailangan niya iyon lalo pa at mag isa lang siya. Lilac wandering around pick the things she needs at ng matapos ay nagpatulong pa siya dahil mabigat lahat at may isang sako pa siyang bigas na binili. Pumara siya ng tricycle at papasakay na sana when her eyes dilated and gasp in shock looking at the beautiful woman walking at another lane. She's focusing in her cellphone and wearing a piece of skirt, paring with a sports bra. She walk with confidence at marami ang nakatingin dito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 26, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hercules Montenegro (Paradise Island Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon