I • RE-CREATE

2 1 0
                                    

Ethan POV

Simula na ulit ng bagong yugto ng buhay ko. Hindi ko alam kung anong naghihintay sakin sa bagong paaralan na aking papasukan, sana maging maganda ang karanasan ko rito.

Kasalukuyan akong naglalakad patungo sa aming silid aralan na nasa ika-apat na palapag ng gusali. Sobrang tahimik ng bawat palapag, tila ba nakakapanibago dahil hindi ganito sa mga dati kong eskwelahan.

Nang ako'y makarating sa kinaroroonan ng aming silid aralan ay sumilip ako sa pintuan nito at wala pang tao. Kaya't napag pasyahan kong pumasok at umupo sa bandang kaliwa, dahil ayaw ko tumapat sa aircon.

"Mas malaki ito kumpara sa aming classroom nung mga nakaraang taon." Saad ko sa sarili ko.

Natahimik akong bigla ng may kumatok at pumasok sa dalaga sa classroom. Binati ako ng magandang ngiti nito kung kaya't ngitian ko rin siya, at umupo sa may bandang unahan sa kanan. Tahimik lang nito ngunit alam kong dati na siyang estudyante rito, dahil kaming mga bago ay wala pang supply ng uniform na mabibili sa office ng paaralan.

Habang ako'y nagmumuni-muni ay biglang napukaw ang atensyon ko ng magsalita ang babaeng kasama ko sa silid. Tila ba gusto niya akong kilalanin, kung kaya't sumagot nalang ako sa sinabi niya.

"Ano palang pangalan mo?." Pagtatanong ko

"Ako nga pala si Isabelle, ikaw?." Pagpapakilala nito

"Ako pala si Ethan, nice to meet you." Saad ko at nginitian namin ang isa't isa

Nag paalam nako kay Isabelle na babalik na ako sa aking upuan sabay tango nito. Dahil ilang oras nalang ay magsisimula na ang klase, at sa oras na ito'y mag simula.

Ito rin ang simula ng bagong kwento ng buhay ko, at baguhin ang itinakda ng kapalaran-

sakin ng tadhana.....

*****

Isabelle POV

Kung ikukumpara ko ang mga dati kong kaklase sa mga bago ngayon tila mas approachable sila ngayon. Infairness sa kanila dahil ang bilis nila mag adopt sa environment, kahit alam kong introvert sila.

"Hoy! Isabelle, miss you!." Pasigaw na saad ng kaibigan ko.

Siya nga pala si Caelyn, palatawa ngunit sobrang talino. At isa rin sa pinaka mature na kilala ko, hindi niya gusto na may nasasaktan na kaklase niya sa kamay ng kapwa kaklase niya.

"Caelyn, for sure yung lalaking ito ma b-bully toh since bago lang siya dito." Seryosong saad ko.

"Ano kaba Isabelle, kilala mo ako if ma bully man siya hindi naman natin pababayaan." Nakangiting saad nito.

Napatingin ako sa gawi niya. Huwag sana mangyari sa kanya ang ayaw mangyari ng lahat sa kanila, maamo at mabait naman ito sana dito maging masaya siya.

Hindi ko man siya kilala ng lubusan. Alam kong naranasan niya rin ma bully sa dating paaralan na pinapasukan niya, ngunit hindi ko rin masasabi dahil tanging tadhana lang ang nakakaalam.

"Baka matunaw yung bago nating kaklase." Panloloko ni Caelyn.

"Loko! Hindi naman siya yung tinitignan ko." Saad ko at hinampas ang kanyang braso.

Lagi nalang akong inaasar neto ni Caelyn sa bago naming kaklase kada taon. Palibhasa kasi may boyfriend siya ako single parin, pero ang totoo kasi hindi ako nagmamadali magka love life.

Tsaka gusto ko muna maiahon sa hirap ang pamilya ko. Bago ako magka love life gusto ko maginhawa na ang pamilya ako at naabot ko na ang pangarap ko, bago ako magkaroon ng asawa at sariling pamilya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 20, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

RETRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon