Amormia POV
Dad parked the car at the garage. I went out first and open the door for Ate. I am expecting to make her greet me or say thank you, but she didn't. Nagpatuloy siya sa paglalakad papasok ng bahay.
"Bakit umuwi ka pa? Sana naglakwatsa ka pa! Nakakahiya naman sa'yo." bungad ni Mom habang si Ate ay nagpatuloy sa paglalakad papunta sa kwarto niya na parang walang narinig. Bumalik ang tingin niya sa kotse pero ako ang nakita niya. Maluwang na ngiti ang ginawad niya sa akin.
Mom is an angel. She is used on smiling. Her laugh is like a music to my ears and her voice is soothing. But whenever she sees Ate Venice, she'll transform into a beast that is growling because of anger. She is like that since we were a little kid. Until now, no one knows their reason.
"Hi love! How's school?" She asked me. I smiled a little.
"It's totally fine, Mommy." I answered then I walk through the living room. I sat with my bag at the back while hugging my ipad. Mom and Dad seated in front of me.
"Fine? Why aren't you wearing your school's uniform?" Dad asked with a forehead creased and anger voice. "No one's bullying you in your campus, right?"
"Of course, Dad. I am Salveña," I said with assurance. Umayos ako ng upo saka sila hinarap. "Mainit kasi kanina kaya bago ako umuwi ay nagpalit ako ng uniform." I lied. They are strict on me. I need to hide what was happened earlier before he beats Montefierro's. Of all the people living in the Earth, Montefierro wouldn't mess Salveña. That's what Dad taught to me since I was a kid.
"Are you sure?" He asked.
"Of course," I smiled and stand. "I need to do my homeworks, Dad, Mom. Sa kwarto nalang ako magme-meryenda."
"Okay. Masarap ang meryenda mo." I smiled a little before I go to my room. Pabagsak kong inilagay sa kama ang bag ko saka nakatihayang tiningnan ang kisame ng bahay habang yakap pa rin ang ipad ko.
Inalala ko ang nangyari sa buong araw. Pakiramdam ko ay isang linggo na agad ang lumipas kahit ang totoo ay walong oras lang akong nanatili sa classroom. Hindi ko pa rin matanggap hanggang ngayon na binuhusan ako ng starbucks ng antipatikong lalaking iyon pero anong magagawa ko? Atlis kahit papaano ay namantsahan ko ang polo niya.
Bumangon ako at naligo. Pagtapos ay nilabas ko ang uniform ko at nilagay iyon sa basket. Weekly naman ay kinukuha iyon ng maid para i-laundry. Bumaba ako ng kitchen. Wala sina Mom at Dad. Hula ko ay umalis sila at babalik bago mag-dinner.
"Yaya, anong meryenda?" Tanong ko kay Yaya Martha. Ngumiti siya sa akin bago ilabas sa oven ang niluto ni Mommy na lasagña. "Wow!"
"Niluto ni Madam iyan." sabi niya. Ngumiti ako saka kumuha ng plato. Batid kong para sa isang tao lang ito pero hahatiin ko sa gitna dahil alam kong gusto rin ito ni Ate Venice. "Kay Venice ba iyang kalahati?" Tanong niya nang ilagay ko ang parte ni Ate sa plato niya.
"Opo. Paborito po naming dalawa ito." kumuha ako ng dalawang cup para sa chocolate coffee.
"Tulungan na kita." si Yaya Martha ang naglagay sa cup ng chocolate. Kumuha naman ako ng marshmallow at inilagay sa ibabaw ng coffee. Binudburan ko pa ito ng sprinkles. "Gusto mo ako nang magbigay niyan?" Nakangiting tanong ni Yaya.
"Ako na po," binitbit ko ang tray saka nagtungo sa kwarto ni Ate. "Tok tok tok, " paghimig ko. "Ate Venice." tawag ko pa ulit. Maya-maya pa ay binuksan niya ang pinto. Naka-suot na siya ng pajama at magulo ang buhok. Halata rin ang pamumugto ng mga mata niya.
"Bakit nandito ka?" Seryosong tanong niya. Walang ngiti, walang kulit at walang sigla. Bagay na matagal ko nang hindi nakikita simula nang tumuntong kami sa edad na sampu. Mga oras kung kailan pinagkukumpara na kaming dalawa ng mga magulang namin.
"Dinalhan kita ng meryenda," inilahad ko ang tray na hawak ko sa dalawang kamay. "Bagong luto ito. Tapos malamig ang chocolate. Ako mismo ang naglagay ng mallows at sprinkles diyan tulad ng turo mo sa akin. Alam kong gutom ka kasi hindi ka umuwi kagabi. Tapos---"
"Hindi ko gustong kumain niyan. Sa'yo iyan. Luto ni Mommy para sa'yo." bumakas ang hinanakit sa boses ni Ate. Ang sakit at pagseselos ay makikita sa mga mata niya.
"Gusto kong hati tayo. K-Kahit hindi tayo magsabay ng kain. Basta pareho tayo ng kakainin, okay na ko roon Ate."
"Huwag mo kong daanin sa paawa effect mo, Amormia. Kung nagagawa mong manlinlang ng iba dahil sa ganiyang pagpapaawa mo, hindi ako. Hindi mo ko madadaan sa pag-iinarte mo."
"Gusto ko lang naman na kumain ka..." mahina kong sabi. Pinigilan ko ang emosyon habang nakatingala kay Ate.
"Pinapakain mo ko kasi hindi mo mauubos iyong niluto para sa'yo. Kasi ganoon naman ako simula dati diba? Pinapagamit at binibigay sa akin ni Mommy ang mga bagay na pinagsawaan mo. Iyong kapag ayaw mo na ang isabag bagay, saka lang nila ibibigay sa akin. Kaya huwag na. Kainin mo iyang pagkain na iyan. Sawa na ko sa tira-tira mo." pabagsak niya kong sinaraduhan ng pinto. Naramdaman ko pa ang pagsama sa hangin ng buhok ko.
Hindi ko maiwasang tumulo ang luha ko. Nanginginig ang mga kamay kong nakahawak sa tray. Para akong matutumba dahil sa panghihina.
Lahat ng iyon ay totoo. Sa kaniya bumabagsak ang mga bagay na pinaglumaan ko. Na kapag ayaw ko na ay sa kaniya ibibigay. Pero hindi iyon ang intensyon ko. Kapag may out of town ang mga magulang namin ay lagi kong ipinapaalala na kapag binilhan nila ako ay bilhan din nila si Ate. Pero hindi iyon nangyayari dahil laging sinasabi nila na, nakalimutan nilang bilhan si Ate. Paano nila nagagawang kalimutan ang kapatid ko habang binibilhan ako ng regalo?
Suminghap ako bago pumunta sa aking kwarto. Inilapag ko ang pagkain sa side table tapos ay umupo sa swivel chair ko. Sinapo ko ang mukha gamit ang dalawang kamay at doon umiyak nang umiyak.
Rex POV
Minaneho ko pauwi ang kotse ko. Inabutan ko sina Rome at Raegan na naglalaro sa bakuran na parang mga bata. Naglalaro naman ng kotse-kotsehan at doll ang bunso namin si Rose.
"Kuya!" Bati ng dalawang lalaki. Ngumiwi ako at hindi sila pinansin. Dumiretso ako kay Rose na nagtuloy-tuloy sa paglalaro. Pagulat kong hinawakan ang braso niya. Natawa ako nang umangat ang balikat niya, nakaawang ang bibig at nanlalaki ang mga matang tumingin sa akin.
Ngumiti ako nang malaki na ginantihan niya rin ng malaking ngiti. Yumakap siya sa akin na parang miss na miss ako. Binuhat ko siya saka sinulyapan ang naglalarong sina Rome at Raegan.
"Hoy kambal!" Hinihingal at nakangiti silang tumingin sa akin. "Ligpitan niyo ang gamit ni Rose!"
"Nandiyan si Nanny!" Sigaw ni Raegan. Aalma pa sana ako nang lumapit ang nanny ni Raegan at sumenyas na siya na ang gagawa.
Rose is mute since she was born and so as her nanny. Mom made sure that the nanny of her will understand her fully. She is the only princess in Montefierro Family. Mom greeted me with a kiss in the cheeks and Dad's smile.
"Hey son, how's day?" Dad asked. Lahat kami ay pumunta sa kitchen para sa meryenda.
"Tiring as always" sagot ko. Nilagyan ko ng gatas ang baso ni Rose tapos sa platito ay tatlong cookies.
"That's how president works," he laughed. "Pine-prepare lang kita since you will be the heir of our real estate." I just laughed.
Amormia POV
Inubos ko ang lasagña. Ayaw kong maabutan ni Mommy na may tira dahil magtatanong siya hanggang sa malaman niyang tumanggi si Ate Venice. Sisisihin na naman siya at mapapagalitan sa nangyari.
Natapos ko na rin ang homeworks. Karaniwan ay pagde-design lang sa notebook at paglalagay ng subjects. Nagmuni-muni ako saglit hanggang sa katukin ang pinto ng kwarto ko. Tumayo ako at pinagbuksan si Yaya Jemma.
"Kakain na raw po." tumango ako. Akma siyang aalis nang hawakan ko ang braso niya.
"Pakisabihan po si Ate Venice na kakain na." tumango si Yaya bago katukin ang pinto ng katabi kong kwarto. Agad akong bumaba para sumalo sa pagkain.
"Hi love! Tara na, let's eat!" aya niya sa akin. Umupo ako sa tapat ni Mom at katabi si Dad na nasa aisle. Bumaba si Ate Venice nang naka-pajama at parang kagagaling lang sa pagtulog. Hindi tulad ko, hindi siya binati ng mga magulang namin. In an instant, the aatmosphere's change.
YOU ARE READING
Salveña Series #1: The President's Secretary
Teen FictionThe youngest sister, the angel of the family, never been the disappointment to anybody and love by many. She's innocent, lovely, kind and intelligent. Amormia Salveña She won the election as the Supreme Student Government Secretary of their Senior...