Chapter 7 - Mutual Feelings

26 1 0
                                    

Jeff's POV

Boy: ARAY!

Multo yan siya ah. Baka malito XD

Ako: Sino ka?

Boy: Ako si Anton.

Ako: Ha! Ako ba niloloko mo? Nasa ospital si Anton!

Boy: Kaluluwa ako nung Anton na nasa ospital. Ibig sabihin ako si Anton.

Ako: O sige! Anton na kung Anton! Ano bang kasalanan ko sayo at minumulto mo ako?

Anton: Wala kang kasalanan. Sinasaniban kita.

Huh? Di ko gets -_-

Ako: Huh? (Sabay kamot sa batok)

Anton: I mean sinasaniban kita dahil may misyon ako. Sige bukas hindi muna kita saniban. Alam kong pupuntahan mo ako sa ospital kasama si Kelly.

Ako: Kilala mo si Kelly?

Anton: Oo. Bestfriend ko siya. Jeff.

Tumingin ako sa kanya.

Anton: Pakiusap lang. Don't fall in love with Kelly. Wag kang ma-iinlove sa kanya. Mahal ko siya at ayaw kong may ibang taong aangkinin siya. Ayaw kong maangkin mo siya sa akin.

Pano na yan? Pano kung nafall ako kay Kelly? Posible akong ma-inlove kay Kelly. May mga similarities sila ni Melody.

Ako: Wag kang mag-alala, hindi ko siya aangkinin. May iba akong mahal noh!

Anton: Good! O sige na. Good night.

Ako: Good night.

Natulog na kami.

Zzzzzzzz

KINABUKASAN

*KRRIINNGG!!! KRRIINNGG!!!*

Bwiset! Ang ganda na ng tulog ko eh! -_- bumangon ako at ginawa ang daily routine. Lumabas na ako ng bahay at sumakay sa kotse ko. Tunay na ako ito ah! Hindi ako sinasaniban ni Anton.

Makainis! Natraffic pa. -_-

After 5 minutes, hindi na traffic kaya nagpatuloy ako sa pagdrive.

At JA Group

Pinreno ko ang kotse at bumaba. Pumasok ako sa building. Pumunta ako sa lobby. Pagkapunta ko doon ay nakita ko si Kelly na nakaupo sa upuan.

Nang nakita niya ako ay lumapit siya sa akin.

Kelly: Jeff. Andyan ka na pala.

Ako: Tara na?

Kelly: Tara.

Lumabas na kami sa building at pumunta sa parking lot. Pagkarating ko roon ay pinagbuksan ko siya ng pinto at sumakay na kami.

Habang nasa biyahe, binasag ko ang katahimikan.

Ako: Kelly, anong alam mo tungkol kay Anton?

Kelly: May kuya siya. Bago siya maaksidente, sabi niya gustong gusto na niya makita ulit ang kuya niya.

May kuya siya?

Ako: M-meron si-siyang kuya?

Kelly: Oo. Kaso hindi niya sinasabi ang pangalan. -3- bakit parang nauutal ka? May alam ka ba sa kuya niya?

Ako: Wala. Akala ko only child siya.

Nang makarating kami sa Hankuk Hospital ay pinreno ko ang kotse at bumaba. Pumasok na kami sa building. Tumungo kami sa Nurse Station.

Even If I LiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon