Chapter 4 - Mission

17 0 0
                                    

Anton's POV

Ako: Anong kailangan mo sa akin?

Melody: May misyon ka. Sa loob ng dalawang buwan na nasa katawan ka ng tao, kailangan mong mahanap ang kuya mo.

Ako: Ibig sabihin, dapat mahanap ko ang kuya ko sa loob ng dalawang buwan?

Melody: Oo.

Ako: Sino ang sasaniban ko?

Melody: Ito. (Sabay patingin sa akin ng picture ng lalaki sa phone) Siya si Jeff Yoon. Siya ang taong sasaniban mo. Isa siyang empleyado sa Clover Cafe. Ang business hours niya doon ay 7am to 10pm.

Teka. Jeff Yoon? Siya yung kausap ko sa phone kahapon ah! Yung gusto kong makita ng personalan.

Ako: O sige. Payag ako. Basta mahanap ko ang kuya ko. Pero kapag nahanap ko ang kuya ko, anong mangyayari?

Melody: Mabuhay ka.

Ako: Ta-talaga?

Tumango naman siya. Kailangan ko si Jeff para mahanap ko kuya ko.

Ako: Kailan ako magsimula?

Melody: Ngayon. You have two months para saniban si Jeff at hanapin ang kuya mo.

Ako: Ano ang mga bawal?

Melody: Una, hindi ka pwedeng magpakilala bilang si Anton Kim.

Ako: Ibig sabihin, magpakilala ako bilang si Jeff Yoon?

Melody. Ganun na nga. Pangalawa, wag kang magpahalata na ikaw si Anton Kim para hindi nila malaman ang tungkol dito. At panghuli, wag mong tatawaging mommy at daddy ang parents mo. Madali ka nilang makilala. Malaman nila na ikaw si Anton Kim.

Tumango lang ako.

Ako: Sige. Pero anong oras ang schedule ko?

Melody: Dahil 5:45pm na ngayon, saniban mo siya ng 6pm. Maging hindi mo na siya saniban nang 11pm. Tapos saniban mo siya ulit ng 5am. Hindi mo na siya saniban ng 11pm. Simula bukas yun ang schedule mo. 5am to 11pm.

Ako: Sige. Saan ba address niya?

May binigay siya sa akin na papel.

Ako: Bye.

Tapos pinuntahan ko ang address na to. Pagkapasok ko sa bahay niya, pumunta ako sa kwarto niya. Nakita ko siyang tulog. Tiningnan ko ang orasan. 5:59pm na. Kaya sinaniban ko na siya nang 6pm na.

Jeff's POV

Nagising ako. Bumangon ako at tiningnan ang orasan. 6pm na pala.

(A/N: Ito na yung sinaniban ni Anton si Jeff.)

Bumangon ako at pumunta sa kusina. Nagluto ako ng noodles at nagsaing ng kanin. Pagkatapos kong magluto at magsaing ay hinanda ko ang lamesa. Tapos nilagay ko yung noodles sa bowl. Umupo ako at nagsimulang kumain.

Pagkatapos kong kumain ay nagpslit ako at nag-ayos. Pagkatapos ay lumabas na ako ng bahay at sumakay sa kotse.

Nang makarating ako rito sa Clover Cafe ay pinreno ko at bumaba. Pumasok na ako sa cafe.

Staff: Oh Jeff. Andyan ka na pala. Magtulong ka sa pagluluto ngayon. Yung ibang cook kasi napagod kaya ikaw na lang. Okay lang ba sayo?

Ako: Ok lang!

Staff: Hyper mo ngayon ah! Dati para kang nalantang bulaklak. Laging nakasimangot pero ngayon kung makangiti wagas! Anong nakain mo?

Malungkutin pala si Jeff? - Anton

Even If I LiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon