Me and the Billionaire

3K 24 14
                                    

Hi! Readers its me author hehe choss.. So magpapakilala na po ako im Shimeah or ate Shim na lang tawag niyo sakin di pa naman ako masyadong matanda 14 palang ako mukha pang 10 years old at height na pang 6 years old. Hahaha so ayun.

Maenjoy niyo po sana yung story ko na ito ah. No bad comments po. Kung gusto niyo n
Magbigay din kayo ng idea na gusto niyo idagdag ko sa story.

Support niyo po sana yung story ko till the end and pakibasa na rin yung isa ko pang story title Vampire Saga: The first to love a Human.

Yan lang po so yung story na po na ito ay may halong SPG kaya po beware sa mga not open minded. 
PG 13

-------------------------------------------------------------------------

Hay! Nako nasan na ba yung mga jeep?

Wala tuloy akong masakyan. Tanghaling tapat na at sobrang late na ako, magaapply pa naman ko.

"Tangina sana matanggap pa ako. Lecheng mga jeep kayo nasan na ba?" sabi ko habang nakatayo sa gitna ng kainitan at ginagawang pamaypay na ang folder na hawak ko may lamang importanteng mga files para sa interview ko.

At ayun. Sinuwerte din nakahanap na ako ng jeep at saktong wala pang laman mukhang magpapasada palang.

Agad kong pinara at pagkahinto ay mabilis na nagsitakbuhan yung mga tao papunta sa jeep mabuti na lang talaga at nakasakay na ako. Umupo ako sa dulo ng jeep sa may papasok para mabilis makababa.

Paalis na yung jeep at naglabas na ako ng pera pamasahe.

"Bayad ho, mama pakisuyo ho" sabi ko pero hindi ako pinapansin.

Wala pading pumapansin sa nangangalay kong kamay.

"Ate pakisuyo naman po" sabi ko habang inaabot sa kanya yung bayad.

At si ate tinignan lang yung kamay ko tas sabay iwas tingin. Bwisit talaga. Nakakainis

"Punyeta ate pakisuyo na oh makikiabot na lang!" sigaw ko kaya napatingin lahat ng tao sa jeep sa akin. Hindi ko sila pinansin at buti na lang may kumuha na sa bayad ko.

Bwesit na buhay toh!

Pagbayad ko ay pumara na ako dahil sakto na nandito na ako sa pag aapply-an ko. Patakbo akong pumasok sa loob at hinarang ako ng guard.

"Ma'am bawal po kayo pumasok" sabi nung guard

"Aba! At bakit? Magaapply ako dito oh tignan mo may mga dala akong resume, biodata, NSO, kahit birth certificate ko nandito pa oh" pinakita ko sa kanya isa isa yung laman ng folder ko.

"Kahit death certificate mo kuya nandito" pangaasar ko sa kanya dahil ayaw niya talaga ako papasukin

Umiling lang siya at sinabing "bawal po yung ganyang kasuotan" sabi sakin.

Tinignan ko naman ang suot kong damit. Sapatos, pantalon, tshirt na puti na pinatungan na long sleeve tinupi ko hanggang siko at hindi naka kabit ang mga botones, at may sumbrero sa ulo.

Anong mali sa suot ko? Ayaw lang ata ako papasukin neto oh. Ano ba yan late na late na ako sana papasukin pa ako.

"Kuya sige na kasi kaylangang kaylangan ko talaga ng trabaho" pag pupumulit ko kay kuya guard

"Let her in" narinig ko mula sa nagsalita sa aking likuran

Nilingon ko ito at nagulat ako sa isang napaka gwapong nilalang na galing sa langit. Matangos na ilong. Matangos na ilong. Perpektong hugis ng muka. Pati na rin ang mga matang nakakapagpapambot ng buto pag natitigan ito.

Me and the BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon