Billionaire 2

970 15 3
                                    

~Me and the Billionaire

Dianne's POV

Tumakbo ako para kumuha ng tubig sa lababo at mabilis na binuhusan ang nasusunog na luto ko. Napahinga ako ng malalim at napaupo sa sahig habang hawak padin ang palanggana na pinambuhos ko.

Sayang yung mga hotdog. Wala na nga akong pambili eh tas masasayang pa. Tinignan ko si Pabebe ko at nakatayo lang siya sa harap ko. Wala siyang kaalam alam sa nangyayari.

Gusto kong maiyak. Wala kaming kakainin ng Pabebe ko, wala pa akong trabaho. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko sa buhay ko.

Hindi naman ako nagsisisi na inampon ko siya pero natatakot lang ako na baka dumating yung araw na may kumuha sa kanya mula sa akin. Paano na lang pag napamahal na ako sa kanya at hindi ko na siya kayang ipamigay sa iba?

Paano na lang pag umayos ang lagay niya at nakapag salita na siya at maging maayos na yung takbo ng pagiisip niya? Magagalit kaya siya? Matutuwa? Or baka mapatay niya ako?

Ang dami kong problema sa buhay. Sa pamilya ko, sa trabaho, sa pambayad ng renta dito sa bahay, sa pang araw araw na pangkain namin ni Pabebe ko.




(flashback)

Naalala ko na naman yung araw na itinakwil at kinalimutan na nila akong anak ng mga magulang ko. Anak lang kasi ako ni mama sa ibang lalaki at lumabas nun ay parang kasalanan lang ako. Nabuntis si mama ng isang americano sa isang sikat na dancer. Kaya may dugong amerikana ako, at ang apilido ko ay Wright, ako si Dianne Sue Wright

May bagong asawa ni mama at yun yung pangalawang tatay ko. Kahit kelan hindi niya ako tinuring anak o maski tao, lahat ng ginagawa ko mali para sa kanya. Nung una mabait siya sakin at mahal na mahal nila akong dalawa.

Dumating yung araw na si papa (pangalawang tatay) sinasaktan niya na ako, bata palang ako ng tratuhin niya ako ng ganun. Sinisiraan niya ako kay mama at pinapalabas na ako palagi ang mali. Hindi naman talaga naniniwala si mama sa kanya pero patagal ng patagal ay unti unti nang nagbabago ang tingin sa akin ni mama.

Kaya lumaki akong walang magulang sa aking tabi. Nag kaanak si mama at papa, yun ang mga kapatid ko ngunit sa ina lang pero kahit ganun ay mahal ko sila at tinuturing kong tunay na pamilya.

May kapatid akong lalaki na sumunod sa akin, at babae naman na sumunod dun sa lalaki. Mabait sa akin ang dalawa kong kapatid at palagi nila akong tinutulungan sa problema ko kay mama at papa. Kahit mahirap kami ay nasusunod ang luho ng dalawa ng dahil sa akin.

Ako ang kumakayod at nagtratrabaho para sa pamilya ko. Tuwing suweldo ko ay sa kanila kaagad didretso ang pera at paghahati-hatian, wala akong natatanggap na kahit piso mula sa sweldo ko. Hindi ako nakapag tapos ng pagaaral ngunit pinilit kong makapasok padin sa mga trabahong mataas taas naman ang suweldo.

Pinalayas ako ng aking magulang ng dahil sa natanggal ako sa trabaho. Nalugi daw ito at pinasara. Wag niyo nang tanungin ang trabaho ko dahil hindi ko sasabihin. Pinalayas nila ako dahil wala raw akong kwentang anak.

Wala akong mapuntahan nun. Naranasan kong matulog sa kalye, sa riles ng tren, sa mga tabi ng mga fast food restaurant at sa tabi ng school. Lahat ng hirap dinanas ko hanggang sa makilala ko ang isang matanda na lumapit sa akin.

Mukhang mayaman ang matanda, pandak, malaki ang tiyan, at nangingintab ang ulo dahil sa sobrang kinis nito. Nagpakilala ito na siya ay isang 'Houghton' na sa pagkakaalam ko ay ang mga Houghton ang pinaka mayaman dito sa Pilipinas. Bukod sa marami itong kumpanya, meron din itong connection sa ibat ibang bahagi ng bansa at ang pinaka kilalang hanapbuhay nila ay yung air transportation like airplane, helicopter at iba pa.

Sinabi sa akin ng matanda na pag sumama ako sa kanya ay bibigyan niya ako ng magandang buhay, noong una gusto ko maniwala pero napag isip isip ko na dapat hindi ako nagtitiwala sa taong hindi ko kilala.

Pinilit niya ako at kung ano ano ang pinagsasabi niya katulad na lang na bibigyan niya daw ako ng maraming pera, asawahin ko daw siya at mapupunta sa akin ang kayamanan niya ganito ganyan. Habang sinasabi niya yung ay nakatingin siya sa kabuuan ng aking katawan.

Sinabi niya na masyado daw akong maganda, makinis ang balat, maganda ang pangangatawan at higit sa lahat malaki ang hinaharap at nililikod. Nainis na ako sa matandang kausap ko kaya mabilis akonng tumakbo hindi ko kaya pang makipag sagutan sa kanya dahil sa Houghton at sila ang makapangyarihan samin.

Kung saan saan ako pumasok nun para mag trabaho, pumasok ako sa isang restaurant bilang isang waiter at janitres, naging kondoktora din ako ng bus, naging katulong din ako sa isang bahay na napaka liit ang suweldo at masamang ugali ng mga amo ko. Kahit ganito ako at nahihirapan ay hindi ako pumasok sa isang bar at magsayaw sayaw ng naka bra at panty lang at ilako ang aking katawan.

Lahat ng uri ng trabaho pinasok ko na, lahat ng paghihirap dinanas ko na, hanggang sa makilala ko si Ferdie naging bestfriend ko siya. Wala siyang permanenteng trabaho dahil panay raket siya. Madami naman ang kita niya sa pagraraket at minsan ay pinapautang niya ako.

@Strawberrybana

---------------------------------------

Next chapter will be the continuation of her flashback ^_~ lolololove by ate Author <3

Me and the BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon