Billionaire 1

1.1K 21 5
                                    

~Me and the Billionaire

Dianne's POV

"ENRIQUE. ENRIQUE buksan mo ang pinto nandito na ako. ENRIQUE BABY!!!" kalabog ni Ferdie sa labas ng pintuan ko.

Agad kong binuksan ang pintuan at nangangalabog na tong echoserang bakla este si Ferdie

"Ano ba ang ingay ingay mo?" pasigaw ko sa kanya pagbukas ko ng pinto.

"Nasan na si Enrique baby? Ilabas mo ang baby ko bruha ka lahat na lang inagaw mo sakin. Huhuhu" kunyari niyang pagiyak habang nagpupunas punas pa ng mata.

"Gaga joke lang yun. Mas pogi pa kay Enrique Gil yung nandito sa bahay ko" sabi ko sa kanya at hinila siya papasok ng bahay ko.

Pinakita ko kay Ferdie ang lalaking natutulog sa sofa ko.

"Wag kang maingay ah baka magising siya" bulong ko sa kanya dahil balak niyang magtitili.

Siyempre nakakita ng isang gwapong nilalang na natutulog sa sofa ko, isama mo pang nakapantalon lang siya at walang tshirt litaw na litaw ang kanyang mga *ehem* muscles hihihi

Pero sa bulong ko na yun ay nagising siya. Ang Pabebe ko nagising hihihi ang pogi niya pag bagong gising.

Tinignan niya lang si Ferdie ng walang kahit anong emosyon sa mukha. Tumayo si Pabebe ko at nagpunta ng kusina. Nagutom na siguro.

Nakakita na naman ng pipino at akmang kakagatin niya ng pigilan ko siya. Sayang yung pipino kung kakainin niya lang playmate kaya yun ng cookie ko.

"ooppss. Wag yan. Ito ang kainin mo" sabi ko sa kanya sabay kuha ng pipino sa kamay niya. Hindi naman siya umangal at ibinigay ko sa kanya ang hotdog sandwich na ginawa ko lang kanina habang hinihintay si Ferdie.

Kinain naman niya iyon at mabilis na naubos. Tinignan naman niya ako ng naka puppy eyes at naka pout. Nanggigil ako kaya pinisil ko yung pisngi niya ng dalawa kong kamay. Namula iyon at lalong napasimangot.

Pinaupo ko ulit siya sa sofa. Pumwesto kami ni Ferdie sa harap niya habang nakatayo padin.

"Pabebe ko, ito si Ferdie kaibigan ko at Ferdie ito si Pabebe ko" sabi ko.

Tinignan ko ang reaction ni Pabebe ko ngunit ganun padin ang mukha. Namumula ang pisngi, naka puppy eyes, at nakapout. Ano kaya ang gusto niyang sabihin sakin? Hindi ko maintindihan.

"Girl, bakit parang hindi siya nagsasalita?" tanong ni Ferdie

Ang totoo hindi ko din alam. Baka English speaking? Or baka naman French? Or ibang language? Hindi ko alam pero kanina naman nung kinausap ko siya naintindihan niya ako.

"Hindi ko din alam eh. Obserbahan muna natin siya ng mga ilang araw pa. Bestie may problema pa ako eh" sabi ko sa kanya at nalungkot ang mukha ko.

"ano ba yun bestie?alam mo naman na nandito lang ako palagi para sayo. Tutulungan kita sa lahat ng problema mo. Sabihin mo sa akin kung ano yun at tutulungan kita at kapalit ng tulong ko pahawak ng abs ni Pabebe mo ah" sabi niya kaya nabatukan ko siya.

Jusko! Nag drama ang beki may pahak hawak pa ng kamay ang nalalaman tas kunyari sincere sakin yun pala gusto lang hawakan abs ng Pabebe ko.

"Seryoso na ano bang problema mo?" tanong niya sakin. Huminga ako ng malalim.

"Kasi wala akong mahanap na trabaho. Magbabayad pa ako ng renta nitong bahay tas kuryente pa tas tubig pa tas pagkain pa namin netong si Pabebe ko" malungkot kong sabi.

Biglang tumayo ang Pabebe ko at lumapit sa akin. Hinagod ang likod ko kaya naman napatingin ako sa kanya. Parang sinasabi niya na 'ok lang yan kaya natin yan'

Kahit na hindi nag sasalita itong Pabebe ko, alam kong gusto niya akong tulungan.

Napangiti ako sa kanya. "Bestie ang drama natin today. O sige na tutulungan na kitang makahanap ng trabaho at aalis na ako may racket pa ako with fafabells. Alagaan mo mabuti yang si Pabebe mo ah" sabi niya sakin at nagbeso beso at lalabas na sana siya ngunit may pahabol pa.

"Bilisan mong maka score diyan sa Pabebe mo mukhang jackpot ka ang JUMBO ng hotdog hahaha" binato ko siya ng tsinelas ngunit mabilis na nasarado niya ang pinto at umalis na.

Napatawa na lang ako at napaisip din kung gaano ba kalaki yung cookie niya. Ay! Sa babae lang pala yubg cookie sa lakaki sa pagkakaalam ko si captain ang kanila.

Nevermind that sa susunod mahahawakan ko na ang captain niya este tuturuan kong magsalita si Pabebe ko.

Humarap naman ako kay Pabebe ko.

"Oh alagaan daw kita kaya wag matigas ang ulo mo ah dapat nakikinig ka sakin" sabi ko pero bakit hindi ako sa kanya nakatingin

Ay! Dianne nakatingin ka kasi sa ibang ulo hindi sa ulo sa itaas ng Pabebe mo

Nagpacute na ulit siya sakin. Mukhang alam ko na ang ibig sabihin nun.

Nagpunta na ulit ako ng kusina. Hulaan niyo kung anong gagawin ko sa kusina?

Magluluto ako ng hotdog para gagawa ako ng hotdog sandwich para sa Pabebe ko alam kong yun kasi ang gusto niya eh. Naalala ko na naman yung sinabi ni Ferdie na JUMBO daw kaya napatawa na lang ako

Habang nagluluto ako sinilip ko siya mula sa kusina. Tanaw na tanaw ko siya na nakasilip sa bintana, mukhang malalim ang iniisip.

Napaisip na din tuloy ako kung bakit hindi siya nagsasalita, kung bakit unang kita ko sa kanya ay ang dumi dumi niya pero pogi padin. Mukhang may masamang nangyari sa kanya kaya siya ganyan? Posible din.

Naka side view siya at kitang kita ang perpektong pagkakabuo ng kanyang ilong at mahahabang pilik mata, pati na rin ang jawline nito. Naawa ako sa kanya. Ano kayang nangyari sa kanyang nakaraan. May pamilya pa kaya siya? May asawa na o may mga anak?

Nalungkot ako sa isiping baka may anak at asawa na siya, na baka hinahanap siya ngayon.

Habang tinitignan ko siya ay bigla siyang napasinghot na tila may inaamoy. Napakunot ang noo ko ng sundan niya ang inaamoy niya at papunta sakin ang sinusundan niyang amoy.

Ngayon napasinghot ako at may masamang amoy. Amoy nasusunog.

Pag tingin ko "I-iyong

Niluluto ko. Nasunog na"

@Strawberrybana

-------

Sorry guys short update. Sa mga kaibigan ko po na nagrereklamo sakin na hindi daw po sila nabalaan na may mga maseselan na part sa story ko. MAGBASA PO KAYO NG AUTHOR'S NOTE hahahah ^___^

Me and the BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon