Billionaire 3

1.3K 23 4
                                    

~Me and the Billionaire

(Continuation of Dianne's flashback)


Diannes's POV

Si ferdie ang pinaka una unahang lalake i mean babae ay mali ahh di ko alam basta isa siyang kaibigan para sa akin. Hindi niya ako pinapabayaan.



Hindi ko alam kung paano babayaran ang mga kabutihang loob na binibigay niya sa akin. Nakikitira lang ako sa kanya noon at nag hanap ako ng mga pwedeng pag trabahuhan para makabayad sa kanya ng renta. Naghanap na din ako ng malilipatan para naman hindi ako sagabal sa kanya.




Hanggang sa makarating na ako dito sa bahay na tinitirhan ko ngayon kasama ang pabebe ko na hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya, kung bakit hindi siya nagsasalita, kung bakit hindi niya ako naiintindihan, kung bakit wala siyang palaging kibo.


*Krriinnnggggg*


Nawala ako sa pagfla-flashback ng mag ring ang cellphone ko. Nakita ko sa screen ang unknown number. Sinagot ko ito at boses ng babae ang nagsasalita



"Is this Dianne Wright?" tanong ng babae


"Opo, sino po sila?" tanong ko naman



"Ito yung office na pinag applyan mo nung isang araw, nagpunta ka dito para mag apply pero sinabi na wala ng slot blah blah blah" wala ako masyadong naintindihan dahil panay english na yung sinasabi




May huli pa siyang sinabi na ikinatuwa at ikinagulat ko. "Please come here for your interview"



"Kyaaaahhhh, salamat po maraming salamat talaga" sabi ko sa cellphone ko at ibinababa ko na ito.




Nagtatatalon ako sa sobrang saya dahil sa wakas ay makakapag trabaho na ako, makikita ko na din si Kuya pogi yieeeee



Nakita ko naman si Pabebe ko na nakatingin lang sa akin as usual walang kibo at walang emosyon.



"Pabebe ko may trabaho na ako, makakabili na tayo ng maraming hotdog sandwich mo" sabi ko at niyakap siya.



Napakunot ang noo ko kung bakit may matigas na bagay ako na niyayakap. Tinignan ko kung ano iyon at namula ako ng abs pala naka subsob yung mukha ko.



"Hehehe kashe nemen ang tigash eh" ayy! Kelan pa ako nag salita ng baluktot?



At dahil may trabaho na ako ililibre ko muna si pabebe ko mamamasyal muna kami kahit wala pa akong suweldo yieee ito ang first date namin hihihi. Kumuha ako ng maluwag sa akin na tshirt at pinasuot ko sa kanya.




Super fitted sa kanya at lalong bakat na bakat ang mga abs niya at biceps omoooo oh tuksooo layuan mo ako~~ chosss pero seriously ang gwapo niyang tignan sa pink tshirt ko hahaha okay na yan bibilihan ko na lang siya ng bagong mga damit.





Lumabas na kami at hawak hawak ko lang ang braso niya habang naglalakad.



"pabebe ko nandito tayo sa bayan ah maraming pwedeng bilihan dito punta muna tayo dun sa mga bilihan ng damit para makapili na tayo" masaya kong sabi kay pabebe ko alam kong hindi niya ang naiintindihan pero okay lang masaya ako na natuturuan siya ng mga bagay bagay.





Lumapit kami sa mga damit na nasa malaking lamesa, tumpok tumpok iyon na mga damit at dahil 3 for 100 kumuha ako ng 9 na tshirt at kumuha ng mga short sinama ko na pati underwear teka ano kayang size ng underwear niya.





Niyahahaha sukatin ko kaya? Ngayon na? Ay wag madaming tao Dianne nakakahiya ka. Shigi mamaya na lang hihihi kumuha na lang ako ng extra large size na mga brief.




Matapos kaming mamili ng damit ay namalengke kami ng makakain nakahawak lang siya sa kamay ko at napangiti naman ako yung kahit na binibitawan ko yung kamay niya ay nakahawak padin siya. Ang sarap sa pakiramdam nito.




"ito naman ang palengke dito tayo bibili ng mga sariwang karne, gulay, o isda. Ano bang paborito mong pagkain pabebe ko?" tanong ko at tumingin ako sa kanya.




Wala pading reaksyon at nakatingin lang sa mga bitbit kong plastic medyo madami dami na din kasi ang bitbit dahil sa mga damit na pinamili ko sa kanya kanina. Ano kayang gusto niyang sabihin sakin?




Bumili na lang ang ng puro gulay at isda para masustansya nadagdagan na naman ang mga bitbit ko at halos hindi ko na mahawakan ang kamay ni pabebe ko dahil sa mga plastic na hawak ko. Yung iba nga sinasabit ko na sa balikat ko isa na lang ang kaylangan naming puntahan.




Dumiretso kami sa botika para bumili ng vitamins ng pabebe ko ayokong magkasakit siya at baka mamayat na din naku! Hindi pwede yun mangyari :(




"miss pabili nga po ng vitamins yung pangmatanda ah para sa kanya dalawang banig na po nun" sabi ko dun sa babaeng nasa botika.




"pabebe ko ito ang botika dito tayo bibili ng mga gamot ah kunyari nagkasakit ka dito ako bibili ng gamot mo pero dapat hindi ka magkakasakit ah magaalala ako niyan"




Nakatingin lang siya sa mga mata ko at tinignan ko lang din siya sa mata. Ang mga matang parang may gustong ipahiwatig sa akin, ang mga matang wala kang makikitang ibang expression, ang mga matang maraming gustong sabihin.




Binayaran ko na ang gamot at umuwi na kami ni pabebe ko bukas na ako magpapa interview pero teka pano yung pabebe ko? Maiiwa siya dito magisa? Hindi naman pwede yun baka kung anong mangyari sa kanya baka magutom siya walang magluluto ng pagkain niya.



Hindi pwedeng sumama siya sa interview ko hayst pano na to? Hindi ko siya pwedeng iwan kay ferdie nako baka kung anong gawin ng babaeng yun. Mamaya ko na iisipin yun at magluluto muna ako ng pagkain namin.




Pumunta ako sa kusina para magluto ng gulay at magsaing baka nagugutom na pabebe ko hihihi mamaya tabi kaming matulog yieee. Binuksan ko ang tv para hindi siya maboring para kahit papano matuto siyang makapag salita malay mo gayahin niya yung sinasabi ng tv.




Bumalik ako sa pagluluto dapat masarap ang luto ko para pag nasarapan si pabebe ko baka makapag salita na siya at sabi nga nila di ba A WAY TO A MAN'S HEART IS THROUGH HIS STOMACH kaya sasarapan ko ang luto ko.




Matapos magluto ay hinila ko na si pabebe ko sa lamesa at nagdasal muna kami bago kumain. Naglagay ako ng kanin at ulam sa plato niya pero tinitigan niya lang ito. Nagsimula na akong kumain at huwawwww ang sarap ng luto ko pero bakit hindi kumakain si pabebe ko?




Ay shunga Dianne hindi nga alam humawak ng kutsara at tinidor. Kinuha ko yubg dalawang kamay niya at pinahawak ko sa kanya ang kutsara at tinidor.




"Sa right hand mo nandun dapat yung kutsara okay? At dun naman sa left hand mo ay nandun dapat yung tinidor okay try mo pabebe ko" sabi ko sa kanya.



Hawa hawak niya na ang kutsara tinidor ay tinuruan ko siyang kumain inaalalayan ko ang kamay niya. Hinawakan ko din ang baba niya para tulungan siya ngumuya medyo mahirap siyang turuan kasi tuwing susubo nga ang pagkain ay pati yung kutsara kinakagat niya.



Mukhang mahihirapan talaga akong magturo ngayon ah okay lang pabebe ko naman ito eh.


__________________________________________________

Ito muna for now guys sorry short update at medyo natagalan.

@Strawberrybana

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 05, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Me and the BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon