Ang Ampalaya, Bow.

137 8 6
                                    

Bebang's POV

"Bumili na kayo! Wag maarte pare-parehas lang 'tong paninda sa palengke! O ikaw! Hoy! Pansinin mo 'tong gulay ko! Ayaw mo, wag mo! Di ka pinipilit! Sana walang magbenta sayong maarte ka!"

Istress talaga ang abot ko dito sa pagtitinda! Jusko, ang beauty ko kase pang Miss Universe! Hindi pang Miss Palengke!

"Ate magkano dito sa patatas?" aba'y himala may bumili sa akin!
"20 wanport!"

Pinanood ko lang sila maglambingan ng jowa niya. Tsk! Kung hindi ko lang customer ito e!

"Ano? Bibili ka ba ha? Kase kung hindi pwede na kayong lumayas dito! Hindi lambingan booth itong stall ko!" inis na sabi ko. Taenang yan! Ipamukha ba naman daw saking wala akong jowa?! Kalbuhin ko kayo pareho e!

"Eto naman si ate ang sungit! Hindi ka makakabenta nyan sige! Hmp, o eto! Kahit mahal tinda mo sige na bibili na ako! O yan! Bigyan mo kong wanport!"

Ngitian ko sya ng plastik at ibinigay na yung patatas sakanya. Bago sila umalis ng jowa niya ay pinigilan ko sila.

"Ate sandali," may iniabot ako sakanyang plastic at ngitian siya.

"Ano 'to?" sabi niya. "Ampalaya?" tanong niya ulit.

Di ba obvious?! Hay nako! Ayan ang disadvantage ng may jowa e! Nabobobo! Nakita ng Ampalaya nga, tatanong pa!

"Oo. Di ba halata?"

"Para san 'to?"

"Sa inyo ng jowa mo. Paka-tandaan mo, ang asawa nga naghihiwalay e. Kayo pa kaya? Bitter ako di mo ba kita? Kaya sa susunod wag kayong maglambingan sa harap ko intiendes?! O siya hayan, libre ko na yan sayo! Lutuin mo ha? Bigay mo sakin. Baka sakaling tumamis iyan at mahaluan ako ng pagkasweet ninyo. Pwe!"

Di makapaniwalang lumayas yung dalawa habang itinapon pabalik sa akin yung ampalaya.

Aba bastos 'to ah!

Sumigaw ako, "HOY! WALANG FOREVER! MAGBBREAK DIN KAYO!"

Tumawa lahat ng nakarinig sa akin at sinamaan ko naman sila ng tingin.

"Anong tinatawa-tawa niyo riyan?!"

***

Ahhhhhh, sa wakas. Nakauwi narin sa bahay. Dumiretso ako sa kwarto ko at nilatag ang banig. Humiga na ako at saka pumikit.

Tsk!

Di ako makatulog! Pano, 4 palang ng hapon! Aba, matapos yata ng nangyari kanina sa palengke parang ayoko na yatang bumalik doon at nagiinit ang ulo ko!

Lumabas ako ng bahay at naglakad lakad.

Hayst, andami na ngayong magjowang makikitang nakakalat sa daan. Sa mga kapwa ko bitter dyan, nakakabwisit diba? Nakakainis na yung tipong ang sarap kalbuhin nung magjowang naglalandian sa harap mo.

Kasuka beh!

Hindi naman talaga ako bitter e. Naiinis lang ako sa punyatera kong ex! Pinerahan lang pala ako nung gag*ng yun!

"Hi."

Tinignan ko lang yung lalaking nasa harap ko. Gwapo sya, end. Gwapo lang.

"Anong kailangan mo?"

Nanatili lang syang nakangiti sa akin at may iniabot na paper bag.

Tinanggap ko yung paper bag. Jusko, choosy pa ba ako?! Di ako paveve tulad ng mga may jowa ngayon!

Ang Ampalaya, Bow. (One-Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon