147 9 2
                                    

Ok! update na! Salamat Lord! pasensya na po sa lahat ng mga readers. sobrang pasensya na po.

[Mahilig talaga siya sa Mga bata! Gif!]

****

"Ok. Simulan natin ang kwarto ko." Sabi ni Hex. "Dito ko kasama yung isa kong kapatid na si Heather. Mahiyain po siya eh kaya siguro di lumabas kanina. 13 years old siya at sa iba siya nag-so-school. Malamang po sinabi na ni mama sayo yung schedule niya. Tsaka sa kwarto ko po muna namin pagsamantalahang nilagay ang 6 years-old at 2-years old naming kapatid para mabantayan sila." Kwento ni Hex. Ang pinagtataka ko naman eh bakit si Hex pa ang pinagkatiwalaan ni mama na bantayan yung dalawa kong kapatid? Yang loko-lokong yan? Nakakabigla!

"Ako ang pinili ni mama na magbantay kasi mas mahilig ako sa bata kesa kay ate. Tsaka mas naaalagaan ko talaga sila." Dagdag pa ni Hex na parang narinig niya lahat ng naisip ko!

"Talaga?" Narinig kong sabi ni Leo. Kahit gulat, eh parang wala paring emosyon.

"Opo! Totoo yun, Kuya Leo!" Sabi ni Hex. Aba! Respetado. Binuksan na ni Hex yung pinto sa kwarto niya at nakitang kalaro ni Heather si Hailey (6 yrs. old) at si baby Hunter (2 yrs. old). Nagulat si Heather ng makita kami at tumayo siya bigla.

"Chai, kumain ka na?" Nickname ni Heather ang Chai at tinanong siya ni Hex.

"Oo kuya, kanina pa. Sino siya?" Tanong ni Chai.

"Ah, eto si kuya Leo. Siya yung babysitter na sabi ni mama. ang astig niya noh?" Hangang-hanga si Hex. Achuchu. Kulang na lang, halikan niya sa pisngi si Leo eh. Speaking of Leo, nung napatingin ako sa kanya, napangiti siya kila Heather at sa iba kong mga kapatid. Ganun ata talaga siya kahilig sa bata.

*******

"May extra po kaming kwarto dito kuya. Malamang dito ka matutulog. Etong pintong to, magkadugtong sa kwarto mo at samin. Kaya ayos." Binuksan ni Hex yung pinto at pumasok kami sa kwarto. Simple siya pero elegante. Parang extrang master's bedroom. Mukha rin namang sosyalin tong si Leo eh.

"Ok lang po ba toh, kuya?" Tanong ni Hex. Napangiti si Leo at tumango sabay ginulo yung buhok ni Hex.

"Oo naman. Ang ganda kaya. Sobrang gara naman ata toh para saken." Parang yun ata ang pinakamahabang sentence na narinig kong sinabi niya. Nag-blush nga ata si Hex, kung hindi ako nagkakamali, nung hinawakan ni Leo yung ulo niya. Asus! Nabakla!

"Hehe... kung may kulang po, sabihin niyo na lang." Sabi ni Hex.

"For sure, ok na ko. Salamat ah." Umalis na yung mga kapatid ko. Nagpaiwan lang ako saglit.

"Sabihin mo lang kung may kailangan ka. Nasa kwarto lang ako." Tumango siya. Tumalikod na ako, paalis na, ng nagsalita siya ulit.

"Nice to meet you ulit." Sabi niya sabay pasok sa banyo. Ang tahimik niya talaga. Para siyang introvert. I think magkakasundo kami kung tahimik lang siya palagi :)

******
Nagising ako sa ilaw na galing sa bintana. Hay nako. Kailangan ko talaga ng kurtina. Tumayo ako at nag-stretch. Hay salamat, sabado ngayon!!! Aayusin ko na sana yung kama ko ng may nakita ako, shet! May tagos. Bagong laba pa naman yung bed sheet. Tumakbo agad ako sa banyo at naghanap ng pad. Wala. Ubos! Binuksan ko yung pinto at nakita kong dumaan si Leo.

"Goodmorning." Sabi niya. Ngumiti ako.

"Hi. Nasan si Hex?"

"Nag-bike sa labas. Bakit?"

"Hay nako naman. Dala niya kaya yung phone niya?" Umiling si Leo.

"Iniwan niya sa sofa. May kailangan ka ba?" Tanong niya.

The BabysitterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon