다섯

16 2 0
                                    

Jusmeyyy, I am terrible ㅠ.ㅠ

*****

"Hindi. Nangloloko lang si Hex." Talagang tinitigan ko si Hex para ibalik nya yung sinabi niya. Pero dinilaan lang nya ako. Babatuhin ko na sana yung kutsara pero nagsalita si Leo.

"In denial ka ba?" Sambit nya.

"Nako kuya, bat mo sinabi yun???" Sabi ni Hex na parang babala kay Leo.

"Ok fine. Ayaw ko nang kumain. Bahala kayo sa buhay nyo." Dinabog ko yung kubyertos at nagsimulang umakyat.

"Ate, joke nga lang eh!" Sabi ni Hex.

"Che!" Sinara ko yung pinto. Tumunog yung tiyan ko. Gutom na ko. Hay nako, hindi ako kakain na sa harap ng mokong na yan.
[Ang init naman ng ulo ni Hana]

*****

Pagkagising ko, nakita ko sa orasan na 12 na ng hating gabi! Jusme, nakatulog ako ng 10 hours! Sobrang gutom parin ako. Dahan dahan akong bumaba at nakita kong wala ng tao. Dumiretso at sa kusina at nakita kong may kare-kare! Omg!!
Kumuha ako agad ng pinggan. Wag ng kutsara't tinidor! Pwede na tong kamayin! Habang iniinit ko yung ulam, kumuha ako ng bagoong sa ref. No kare-kare is complete without the bagoong noh! Binuksan ko yung jar ng biglang-

"May daga ata."

"Ay punyemas!" Sabi ko sabay bitaw sa jar! Natapon sa akin tapos sa sahig. Plastic lang yung garapon kaya di nasira. Ang nasira, eh yung damit ko! Ang baho ko na!! Tumalikod ako at nakita kong nakatayo at nakapose si Leo sa may mesa. Nanlaki ung mata nya nung nakita nya ako.

"Pucha naman Leo oh! Ano ba yan, wag kang manggulat!" Sabi ko habang pinupulot yung jar at nasayang na bagoong. Kumuha sya ng paper towel at nilinisan yung floor.

"Sorry. Di ko alam na matatakutin ka pala." Explain nya. Inirapan ko na lang. Bwiset talaga toh sa buhay ah.

"Wala akong pake. At ang stupid ng explanation mo." Tumayo na ako.
"Bwiset. Ang baho ko na tuloy!" Nangdidiri kong hinawakan yung shirt ko.

"Edi hubarin mo." Sabi ni Leo habang naghuhugas ng kamay. Excuse me?!

"Hoy Mr. Manyakis! Ang kapal ng mukha mong sabihin sakin yan ah! Bakit naman ako maghuhubad sa harapan mo?" Sermon ko. Napatingin sya sakin ulit.

"Sino ba naman kasing nagsabi na maghubad ka dito? Para san pa yung kwarto mo?" Sabi nya. Tama nga naman sya, nyeta. Pero dahil nga ma-pride ako, inirapan ko na lang sya ulit na parang sya parin ang may mali.

"Ewan ko sayo."

"Sinasabi mo lang yan kasi tama ako." Sagot nya.

"Manahimik ka na nga lang." Echos ko. Kumukulo na ng todo ang kare-kare.
"Hay nako. Magpapalit na nga lang ako." Lumabas na ako ng kusina at pinatay nya yung stove.

"Di ka na kakain?" Tanong nya.

"Che! Nawalan na ako ng gana." Sabi ko habang papaakyat papunta sa kwarto. Dumiretso ako banyo at nagpunas ng katawan at nag-galit galitan kay Leo. Siguro mga 5 minutes bago nagpalit ng tuluyan. Lumabas na ako ng banyo ng walang pantaas ng biglang pumasok si Leo ng may dalang tray.

"LEO ANO BA!!! KUMATOK KA NGA!" Tinakpan ko ang aking boobs.

"Wala akong nakita, pramis! Sorry! Nakabukas yung pinto so akala ko pwede pumasok!" Nilapag nya yung tray sa floor ng nakapikit ang isang mata at dumiretsong lumabas. Dali-dali akong nag shirt at hinila ko sya pabalik sa loob ng kwarto.

"Hoy Leo, kanina pa kita pinaghihinalaan. Rapist ka ba o ano? Kasi sabihin mo na bago pa kita ma-bingo." Crinoss ko yung arms ko.

"Simple mistake lang yung nangyari, Hana. Pasensya na. Nakabukas yung pinto mo, akala ko safe. Wag mo naman akong pagbintangan nang ganyan. Nakakabastos. Ikaw na nga lang tong may gusto sakin-"

"HOY EXCUSE ME, MR. MANYAK! Hindi kita gusto, fyi. Ang kapal ng mukha mo, super duper, 100 percent! Dapat lang na pagbintangan ka kasi kanina ka pang nang-b-bwiset!" Sagot ko sa kanya.

"First of all, no harm done, Hana. Wala akong nakita. Medyo madilim. Wala akong balak na masama. Hindi ko gagawin yun kahit kanino. At pangalawa, nandito lang naman ako para ibigay yung pagkain mo." Tinuro nya yung tray sa floor. Kare-kare with rice at bagoong plus water and iced tea. Omg.
"Malinis yang bagoong. May isa pang jar dun. Pasensya na talaga Hana kung may naisip kang masama tungkol sakin. Pero I swear, I don't mean harm." Sabi niya. Ang sincere niyang sinabi. I felt terrible. Kinuha nya yung tray at nilapag sa table. Lumabas sya ng kwarto.

Habulin mo sya, Hana! Kawawa naman.

So hinabol ko nga si Leo.

"Huy!" Sitsit ko. Tumalikod sya.

"Samahan mo ko sa 7-11."

"Bakit?"

"Inom tayo." Yaya ko.

******

"Hintayin mo kayang makauwi tayo bago uminom." Sabi ni Leo habang bitbit ang ibang bag.

"Iiiii, ewan. Tanduay Ice lang naman eh. Wala lang toh. Mamaya na yung malakas." Excuse ko.

"Pala-inom ka pala. Di naman ata maganda yan." Sabi niya. Umiling ako.

"Hindi ako pala-inom. First time ko toh. Sarap pala ng Ice?" Sabi ko. Tiningnan nya parin ako ng patanong.

"Wait. Panong first time?"

"Leo... 18 na ako! Happy birthday to me!" Masaya kung sinabi. Tiningnan nya yung relo nya.

"Eh, ala-una na, ngayon mo lang sinabi?"

"Hindi naman kasi importante."

"Pano yung cake? Kailangan may cake!" Sabi niya. Pinigilan ko sya at ngumiti na lang.

"Hindi na nga importante yun, Leo. Tsaka sarado na yung mga cakeshop." Uminom na lang ako ulit.
"Alam mo, pag matanda ka na, hindi na masaya ang birthdays. Parang age na lang ang iniisip mo instead of gifts, cakes, pagkain, etc." Emote ko. "Tapos yung future mo. Kung makakatapos ka ba, yung work mo, future family... ang bigat ah."

"Hala. 18 ka palang eh." Sabi naman niya. Binuksan nya yung gate at pinauna nya akong pinapasok. Ni-lock na namin yung pinto at naghanda na ng baso at chichiriya. 

"Kahit na. Ganun lang feeling ko. Magkaiba kasi tayo eh. Ikaw, mahilig sa bata. Ako, isip bata lang. Ay ewan. Anyways, open the red horse!!" Sigaw ko. Kinoberan naman ako ng bibig ni Leo.

"Wag ka ngang maingay! Tulog na sila eh!" Tumango ako at binuksan na nya ang red horse. Naginuman na kami. Di sya pala-inom. At ako nalaman ko na rin na hindi rin pala ako pala-inom, well, mostly yung red horse. Di ko masyadong bet. Pero madali kaming malasing. Kanina pa kami nag-iinuman. Nakita ko 2am na. Medyo drowsy na ako at nahihilo. Binuksan ni Leo yung Nagaraya at kumuha sya ng kandilang malaki at posporo.

"Oh, ano to? Patay na ba ako?" Tinwanan ko yung set up nya.

"Yan muna ang cake mo. Nagaraya. Blow mo na lang yung candle! Happy Birthday Hana!!" Tumawa at ngumiti sya. Nilagay nya yung kandila sa loob ng Nagaraya. Humahagakhak lang kaming dalawa at blinow ko yung candle. Kumuha sya ng Fudgee Bar at pinakain sakin.

"Edi dapat eto na lang yung cake." Sabi ko habang kinakain to. Nagkamot sya ng ulo at ngumiti na lang.

"Oo nga no." Sagot niya. Umupo sya sa tabi ko at kinurot ang pisngi nya.

"Hahaha. Ang cute mo, wala kang mata. Singkit." Asar ko. Tumawa na lang kami. Biglang nahulog na lang ang ulo nya sa balikat ko. Tapos tiningnan nya ako, malapit na yung nga lips namin sa isa't isa. Magka-dikit na rin yung ilong namin eh. Namula ako at nagising ng kaunti sa katotohanan.

"Hehe, Happy Birthday Hana." Tapos, kiniss nya yung ilong ko! Di ko alam kung sinadya nya yun o hindi, pero parang tumigil yung puso ko. Dalawa lang naman ang narinig ko pagkatapos nun:

Una, humilik na sya. Nakatulog, knock out.

Pangalawa, sabi ng puso at isip ko, mahal ko na sya. I fell for Leo.

The BabysitterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon