하나

475 14 6
                                    

first ever update. sana po ma-enjoy nyo :D pasensya na po kung matagal. exams po kasi eh 

*********

"Ma, di ba pwedeng mamaya na lang pagkatapos ng school natin to pag-usapan? Kailangan mo ba talaga akong i-pull-out?" Tanong ko kay mama habang sya naman eh palakad-lakad sa sala na parang natataranta. Ano ba toh?

"Hindi eh. Emergency." Sabi niya sakin.

"Eh, ano naman po yung emergency?" Tanong ko kay mama. Jusko, nalilito na ko, ah.

"Anak, mahabang storya." Sabi niya sa akin.

"Oh, since pinull-out nyo naman ako, I have all the time in the world. Ano ba yun, ma?" Tumalon na ko para umupo sa sala.

"Bago ko simulan, tubig. Kailangan ko ng tubig." Pinuno ni mama yung baso, at nakita ko ang nga kamay niyang nanginginig. Ano ba toh at parang napiperwisyo na si mama? Umupo na siya ng hindi uminom ng tubig at humarap siya sakin.

"Eh kasi nga, yung lolo mo sa father side, namatay na." Pasimula ni mama. Medyo nagulat ako. Di naman kami close ni lolo eh, pero, what? Magsasalita sana ako, pero nagsenyales ni mama na manahimik ako. Chos much.

"May iniwan siyang last will, at..." napalunok si mama. "sakin napunta yung kompanya." Ako na ang uminom ng tubig ni mama. Naubos ko sa isahang shot yung basong puno ng tubig.

"Oy! Tubig ko yan!" Hinampas ako ni mama. Inabot ko sa kanya yung pitsel.

"Yan na po sayo mama. Mas kailangan mo yan." Sabi ko sa kanya habang tinitigan ko talaga si mama. Aba eh, uminom naman talaga sa pitsel.

"Tama ka, kailangan ko toh." Sambit niya pagkatapos niyang uminom.

"At kailangan mo ring tanggihan. Ano ka ba ma! Di mo nga na-manage yung tindahan nating nalugi dati, kompanya pa kaya? Joke ba toh, ma?" Tanong ko sa kanya. Seryosong usapan na toh. Ano nga bang alam ni mama sa mga business na yan?

"Yun na nga ang sabi ko eh. Tsaka oy! Bad timing lang yung tindahan. Pero ayaw din ng mga anak niya. Sabi eh sakin daw binilin. It kind of makes sense since nag-business management ako nun-"

"HEP HEP! BUSINESS MANAGEMENT? IKAW MA? Ba't di ko alam?" Tanong ko sa kanya.

"Eh di ka naman nagtanong, bruha! Tsaka, nakalagay din dun na pinangakuan ko daw na ako ang mag-aalaga ng kompanya kapag nawala sila." Dagdag na kwento ni mama.

Haist! Ba't kasi kailangan pa ni papa na mamatay? Ba't kailangan pang mag-tanan tong si mama at papa. Di tuloy sa kanya na punta.

Pinakilala kasi ni papa si mama sa mga magulang niya noong 18 years old pa lang sila. Nagustuhan naman nila lolo at lola si mama. Nang biglang nagbalak si papa na magpakasal daw sila, eh nagalit tong sina lolo. Di naman din aprubado si mama, eh kaso nga, mahal niya si papa kaya sumama na lang siya nung nagtanan. Nagalit si lolo. Hindi kay mama, kundi kay papa. Nagsimula sila sa hirap. Hindi sila sinuportahan nila lolo at lola dahil nga sa galit. Natuto si papa na maghirap at kumayod ng bongga lalo na nung pinanganak ako. Ako ang pinakapanganay. My name is Hana Yu. I'm 17 years old. I live in my house. My favorite color is blue. Nagiging bata na ata ako. Tama na intro at flashback. Baka biglang may magtanong diyan kung virgin pa ba ako, kung ano ang tingin ko sa ekonomiya ng Pilipinas, ang Kahirapan at kung naniniwala ba ako sa world peace. Di po dito umiikot ang storya, pasensya na ho. -_-

"Edi sama kami! Problem solved." Sabi ko. Umiling si mama. Problem ongoing.

"Di pwede anak. Nakita ko kung pano nila pinaikot yung kompanyang yun. Ma-se-stress ako at ayaw kong madamay kayo. Pati yung school niyo, ayaw ko namang masira yun. Malapit ka na ring mag-graduate eh. Tsaka, mahirap na. Yung nga kapatid mo." Problem not solved. Opkors. Yung mga kapatid ko pala. 5 kaming magkakapatid. Ako panganay as I said earlier. May lalaking kasunod sakin na 15, then babae na 13, may isa pa na 6 at ang bunso na 2. Geez, ayaw ko namang pahirapan si mama.

"Edi sige. Kunin mo na kung kukunin mo, ma. Wala na pala tayong magagawa." Sabi ko. Bumugtong-hininga si mama.

"Ayaw ko kayong iwan. Wala pa naman akong kapamilya dito sa Manila. Kung wala sila sa probinsya, eh nasa ibang bansa." Sabi ni mama. "Wala pa akong pera kung ipapamasahe ko sila." Sabi ni mama. Wala naman kasi kaming nakuha dun sa pamilya ni papa. Si papa kasi eh! Kung naghintay lang siya, edi princess na ako ngayon. Taksil kasi si papa! >.< Joke lang Pa. Wag ka mo kong multuhin.

"Eh si Aling Bebay?" Suggest ko kay mama.

"Baliw ka ba? Matagal ng patay yun!" Sabi ni mama. Nyek!

"Aling Toleng?" Suggest ko ulit.

"Nasa Germany na." Sabi ni mama.

"Aba sosyal ah!"

"Ay! Nako nako, ba't di ko naisip. Siya na lang. Kawawa naman eh." Sabi ni mama.

"Ma, wag mong kausapin yung sarili mo. nakakatakot."

"Eh kasi nga may naisip ako! Nako! Siya na lang. Aalagaan kayo nun."

"Eh sino ba?" Tanong ko.

"Yung anak nila Maria at George. Si Leo." Tinitigan ko lang si Mama. Sino ba si Leo? "Di mo ba kilala yun?" Tanong sakin ni mama. Umiling ako.

"Kilala ko sila Tito George at Tita Maria, pero di ko alam na may anak pala sila. Asan na ba sila?" Tanong ko na punong-puno ng interest. Di ko naman sila relative eh, pero ang bait kasi nila. Friends ni mama. Umiling ng onti si mama at nakita ko ang bahid ng lungkot sa mukha niya.

"Wala na. Naaksidente sila noong 2012. Naiwan si Leo sa lola niya. Tapos namatay yung lola niya, naiwan sa kanya yung bahay. Siya lang mag-isa." Nagulat ako sa kwento ni mama. Masyadong maraming nangyari.

"Wala na sila? B-Ba't di ko alam? Kawawa naman si Leo!" Sabi ko kay mama. Di ko man kilala yun, eh close kami nung parents niya eh.

"Oo nga. Kaya naisipan ko na siya na lang ang magbantay sa inyo." Sabi ni mama. Huwat?!

"Ma! Lalaki si Leo!!!! L-A-L-A-K-I!!" Ini-spell ko pa kay mama. Tumango na lang si mama.

"Oo Oo alam ko. Pero intindihin mo na lang yung sitwasyon niya at natin. Di mo kayang alagaan yung mga kapatid mo mag-isa. Nasa school pa siya, pero at least, may katulong ka. Tsaka magaling sa bata yun. Inalagaan niya yung bunso niyang kapatid, bago pa maaksidente kasama yung parents niya." Kwento ulit ni mama. So si Leo yung naiwan at sa aksidente ay kasama ang kapatid niya at sila tito at tita. Nakakaawa naman siya.

"Ok. Sige. Makakasundo ko naman ata yun eh." Sabi ko.

"Panigurado ko. So ano? Si Leo na lang." Sabi ni mama. Wala na kong magagawa. Nakakaawa rin naman si Leo eh.

"Sige po Ma."

"Good. Bukas andito na siya." Tumayo si mama at kinuha ang baso at pitsel.

"Bukas agad?"

"Aalis na ko kinabukasan eh." Naglakad si mama papuntang kusina. Kinabukasan agad? Ang bilis naman!

***

Sa susunod naman! Di ko alam kung kelan yun ah! Salamat!!!! ps. KYUT NI LEO!!!

The BabysitterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon