Part 1: First Day of School

1 0 0
                                    

Ako nga pala si JC Roxas 16 years old nakatira sa Manila. Ako lang ang nagiisang anak kaya i can do any things that i want xD pero kahit ganun nakakalungkot din pala ng walang kapatid kasi wala kang maasar at mahaharot na bata. Transferred lang ako sa bago kung school kasi lumipat kami dito sa Manila kasi nasunugan kami buti na nga lang at naligtas namin halos lahat ng gamit namin. Inenroll ako ni Mama sa isang public school kasi daw mas matipid at magagaling ang mga teacher kaysa daw sa private mahal kaya ako ito kailangan mag adjust.

"JC gising na at baka malate ka sa first day of school" sigaw ni Mama galing sa baba

"Sge po babangon na poooo" sagot ko habang naghihikab

"Bilisan mo na" sabi ni Mama habang nagreready ng almusal

"Opo" sagot ko at mabilis na bumaba para kumain ng almusal

"Ano excited kana ba?" tanong ni Mama saakin

"Medyo po" sagot ko kay Mama

/JC POV/

Tapos na akong kumain at maligo at nakasuot narin ako ng uniform. Ready na ready na ako sa pasukan kaya mabilis na akong umalis at sumakay ng isang tricycle papuntang school. Pagdating ko sa school ay medyo marami ng mga estudyante at may nag aanounce na rin sa stage kaya binilisan ko at nag bayad agad kay manong driver. Pag tapos kung mag bayad agad agad na akong pumasok sa gate pero bago payun may biglang bumangga sakin.

"Sorry" sabi ng babaeng bumangga sakin

"It's ok" sagot ko pero agad siyang umalis

/JC POV/

Grabe naman yung babaeng yun parang mataray pero kahit ganun ang ganda niya at simple lang. Kakatapos lang ng flag ceremony kaya dumiretso na kami ng room at nagulat ako sa nakita ko classmate ko siya yung babaeng bumangga sakin kanina at muka namang mabait siya sa mga katabi niya siguro kaklase niya na yun dati. Hayyssssss ang boring naman walang kausap at wala parin yung adviser naman kainis :3. Nagmamasid pa ako sa palagid ng may kumausap saakin.

"Ano name mo?" tanong ng lalaki saakin

"JC Roxas ikaw?" sagot at tanong ko sakanya

"Vince Baldo" mabilis niyang sagot

"Friends?" tanong ni Vince sakin

"Sge ba wala din kasi akong kaibigan dito kasi transferred lang ako" sabi ko sakanya

"Ahh ako din eh transferred galing Cavite" sabi ni Vince

/JC POV/

Naputol ang paguusap namin dahil dumating na ang adviser namin. Pero natutuwa ako dahil meron na akong kaibigan kahit transferred lang ako. At maswerte na ako dahil kaklase ko yung babaeng bumangga sakin kanina

Night ChangesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon