/JC POV/
Pag dating ng adviser namin agad siyang nag salita tungkol sa mga ayaw niya sa mga estudyante at mga rules sa loob ng school. Pati sa uniform na dapat puti na daw kasi daw yung iba naninilaw na yung uniform at yung pantalon daw ay dapat hindi baston dahil yun daw ang required ng principal namin.
"Ok class now introduce your self one by one and start from the boys" sabi ng adviser namin
"Sh*t nahihiya ako" bulong ko sa sarili ko
/JC POV/
Halos maihi ako sa kaba dahil ayaw na ayaw ko talagang magpakilala kasi mahiyain akong tao.Halos malapit na ako magpakilala dahil nasa letter P na kasi alphabetical yung arrangement ng upuan namin.Ako na ang susunod kaya medyo kabado na ako
"Ok next" sabi ng adviser namin
"Kaya ko to" bulong ko at pumunta na sa harapan
"Ako nga po pala si JC Roxas 16 years old i want to be a successful business man in the future and also a billioner" yan lang ang nasabi ko kasi nahihiya talaga ako
"Nice" sabay apir nung lalaking nasaharapan ng upuan ko
"Ano name mo ulit kalimutan ko eh?" tanong ko sakanya
"Harold Pascual nice to meet you" sabi niya habang natatawa dun sa huling lalaking nasa harapan
/JC POV/
Tapos na ang lalaki at ang babae naman ang susunod. Bigla akong na curious sa pangalan nung babaeng bumangga sakin kanina kasi hindi natatanggal sa isipan ko kung sino ba siya gusto ko siya makilala at maging kaibigan narin para maraming kaibigan mas masaya. Ngayon yung babaeng bumangga sakin ang susunod kaya natuwa ako dahil malalaman ko na yung pangalan niya.
"My name is Celyn Parce 16 years old my hobbies is drawing,playing COC and many more i want to become a IT like my sister and meet all the One Direction personaly and also my one and only Taylor Swift" yan ang nasabi niya at parang wala akong naramdaman na kaba sakanya
/Celyn POV/
Grabe naman di ko akalaing yung lalaking nabangga ko ay classmate ko atsaka ang gwapo niya talaga kanina habang nagpapakilala siya sakanya lang ako nakatingin at grabe din ang ginawa ko kanina sa harapan buti nalang di ko pinahalata na kinakabahan ako. Ngayon mag eelect na kami ng officers kaya dapat maging ready kasi tong mga kaibigan ko trip ako gusto daw nila akong gawing muse hayssss bahala sila sa buhay nila pag si JC ang escort papayag ako pero pag hindi siya ayaw ko hahahaha xD syempre joke lang kahit sino naman pwede.
"Now ok the election for president is now open" sabi ng adviser namin na si Maam Iscoval
/JC POV/
Tapos na ang election sa lahat ng posisyon ang natitira nalang ay muse at escort kaya medyo nabuhayan ako ng lakas kasi mukang di ako makakapasok sa officers kasi ayaw ko talaga hahahaha xD
"Now the election for muse and escort is now open" sabi ni Maam Iscoval
"I nominate Celyn Parce for muse" sabi ng bestfriend niyang si Rica
"I nominate Mikko Magna" sabi ng isang lalaking nasa pinakaharap
"Meron pa ba?" tanong ni Maam Iscoval
"Meron pa po I nominate JC Roxas for escort" pahabol ni Vince sabay lingon sakin na nakatawa
"I nominate Eunice Romero for Muse and i close the nomination" sabi nung president na naelect
"Ok now who will vote Celyn Parce for muse?" Halos lahat ng kamay nag taas
"Eunice Romero? kaunti lang kaya nanalo si Celyn
"Now who will vote Mikko Magna for Escort?" Medyo madami ang nagtaas
"JC Roxas?" Halos magkasing dami lang pero nakalamang ako ng isa
"Ok Celyn Parce and JC Roxas are the winner" sabi ni Maam Iscoval