Prologue

55 2 0
                                    

"Happy 2nd Anniversary, Ivan!" bati ni Annika sa kanyang boyfriend.

"Ah, Nikka.... I love you..." Sabi ni Ivan. Pero hindi masaya ang mukha nito, daig pa ang biyernes santo kung manlumo ang mukha niya.

"Ivan, I love you, too! Halika na, let's eat!" Nakangiting sabi ni Annika. Simple lang ang ayos ng lugar.

May Blue and Pink Balloons, dahil blue ang fave color ni Ivan at Pink naman ang kay Annika.

Sa gitna nandoon ang round table na may pink table cloth....at 2 blue chairs. May candle pa sa gitna kaya napaka-romantic kung maituturing.

Nag-hire pa si Ivan ng violinist para magkaroon ng magandang soothe sa paligid.

"I'm sorry , Annika, but hindi ako pwedeng magtagal dito...Annika, I hope you understand..." Sabay yakap kay Annika.

"I-Ivan? Bakit ganyan ka makayakap? A-aray!" Sabay alis ni Annika sa pagkaka-yakap ni Ivan sa kanya.

"Ivan, bat kung makayakap ka, wagas? Para namang hindi na tayo magkikita niyan? San ka ba pupunta? Importante ba talaga yan para i-cancel mo ang anniv. natin? "

"Sayang naman 'tong place na hinanda mo...pati si kuya Violin, sayang din ang effort kung ika-cancel natin ang night na 'to...." Mahinahon pa ang tono ni Annika dahil ayaw niyang mag-isip ng bad vibes.

"Annika, mahal na mahal kita.... Pero..." Nag-iba ang tono ng pananalita ni Ivan.

"Pero ano??? Ivan.... Don't tell me....don't tell me may b-bago ka na?" Medyo maiyak-iyak na ang boses ni Annika at nararamdaman na niya ang mga luha niya, pero pinipigilan niya ang pagluha dahil hindi pa siya sigurado sa kutob niya.

"Annika.... It's hard to explain to you... I don't know if you'll understand me. Kasi...."

-End of Prologue-

Bakit Mahirap Mag Move - On?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon