As usual, kapag First Day High, Orientation of Students. Lahat ng estudyante magpapakilala sa buong klase. Wala pa akong kakilala dito dahil bago lang ako sa Section One. Lahat kasi ng mga kaibigan ko nasa Section Two.Matapos mag-introduce ni Ms. Alvaro, ako ang sunod na tinawag ni Mrs. Carranza. Malamang alphabetical order siguro 'to.
"Ms. Armelliño, stand up!" Dahil sa sobrang kaba ko, tumayo ako agad. Pero hindi ko muna inisip ang kaba. Kailangan presentable ako. Kailangan ma-impress sila sa akin. Syempre, 'First Impression Lasts' nga diba?
"Good Morning, Mrs. Carranza and classmates. I am Annika C. Armelliño, I came from Section Two last year. I love to play sports, but I spend more time in Studying." Gravyyyyyy! Pure English! Ginaya ko lang ang sinabi ng naunang nagsalita, hindi ko naman kasi alam ang mga batas sa loob ng section na ito.
Nang matapos na ang mga girls, sinunod na ang boys. Unang tinawag si Jeoffrey. Kilala ko siya kasi siya ang pinaka-sikat na singer ng school. Jeoffrey Arsena ang name niya kaya first in line siya. Dahil wala na yatang iba pang "A" ang apeleyedo, sunod na tinawag ang lalaking may surname na Barrameda.
Lumingon ako para malaman kung sino yun. Laking gulat ko nang tumayo ang unggoy sa likod ko.
"Uh...Hi, I'm Ivan Barrameda. I came from Sto. Niño Catholic School here also in Taguig. I became the Top 1 in the class. Well, I love writing....and uh, I really love sports. And I was considered the Campus Crush cuz..." Napahinto si Ivan nang magsalita si Mrs. Carranza. Kitang kita ko ang takot sa mga mata ni Ivan. Tsss.
ISANG NAPAKALAKING DUWAG.
"Stop this Nonsense! Mr. Barrameda, did I even ask you to tell us that you're......ugggh! Mr. Barrameda, you started my day! So, later, after class dismissal, bibigyan kita ng isang napakaliit na gawain... Are we clear?"
Hindi sumagot si Ivan at sa halip ay napatingin siya sa akin. Pero binigyan ko lang siya ng isang smile of vengeance.
Muahahahahahahaha!
Sumimangot ang mukha niya...pero mas lalo siyang naging cute. Ewan!
"ARE WE CLEAR!" Ayy, kausap pa nga pala siya ni Mrs. Carranza.
"Y-yes , Ma'am" tipid na sagot niya. Pagkaupo niya , lumingon ako ulit sa kanya at tinawanan.
"Ang laking duwag!" Sabi ko. Tapos itinaas ni Ivan ang kamao niya at ipinakita sa akin na para bang nagte-threat. Subukan lang niya.
Matapos magpakilala ng lahat ng boys. Ina-nounce ni Mrs. Carranza ang seating arrangement. Alternate ang allignment. Girl-Boy-Girl-Boy.
So unang tinawag si Rebecca Alvaro kasi siya ang pinaka-una sa girls at dun siya pina-upo sa dulo ng first line. Katabi niya si Jeoffrey. Sunod ay ako naman ang tinawag...pero malas ko lang talaga dahil ito pang unggoy na 'to ang katabi ko sa right side ko. Malas!
******
Natapos na rin ang classes. Pwede na akong umuwi. Paglabas ko ng classroom , nasa labas na ang napakaraming estudyante para sa afternoon session, mga 2nd year and thirs year. Siksikan talaga sa labas kaya kailangan kong makipagsapalaran sa mga ito. Nakikisiksik ako sa mga tao, nang bigla akong matapilok dahil hagdanan na pala ang tinatapakan ko. Muntik nang tumama ang mukha ko sa sahig pero mabuti na lang at napakapit ako sa isang lalaking may blue na back pack.
"Araaay!" Sigaw ko. Napalingon sa akin yung lalaki dahil baka naramdaman niyang nakahawak ako sa likod niya. Pagharap nito, si Jeoffrey ang nakita ko.
"Jeoffrey?" Tanong ko.
"Hindi ba ikaw yung katabi ko, ikaw ba si?.....hannyka?.....happyka...?" Natawa naman ako sa happyka...haha.
Inayos ko na ang sarili ko at bumaba na ng hagdanan kasama si Jeoffrey. Nang makarating kami sa isang free area...yung wala gaanong maraming tao...sinabi ko sa kanya ang buong pangalan ko.

BINABASA MO ANG
Bakit Mahirap Mag Move - On?
RomansaLove... 'yan na siguro ang pinaka the best na mangayari sa buhay nh isang tao. To Love and To Love Back nga sabi nila.... Yun bang mahal mo na siya , mahal ka pa niya. Diba? Yan ang Love.... ang meaning ng Love para sa isang taong Inlove ay.... Kili...