Chapter Two

47 1 0
                                    

Natapos na ang isang buong araw..at malapit na kaming mag-sara ng NBS (National Book Store) malapit na din kasing mag 9pm..kasi nagsasara ang mall ng 9pm.

Hay naku! Lord salamat po talaga sa araw na 'to..

Thank you dahil marami ang bumili...haha..

Andami kasing mga buyers ng Para sa Hopeless Romantic kanina kasi ginawa na iyong movie.

Haaayst! Kakaunti na lang ang mga tao dito ngayon. Malapit na rin kasing magsara ang mall.

Naka-upo ako sa Counter at nakikinig sa MOR gamit ang cellphone ko. Favorite kong pakinggan si DJ ChaCha kasi nagbibigay siya ng mga payo tungkol sa mga broken-hearted, inlove , pweh!

Inlove? Kalandian niyo lang yan! Porke ba gwapo ang isang lalaki, mahal niyo na agad? Kalandian.

Mas okay pa sa akin ang wag nang ma-inlove dahil baka masaktan pa ulit ako.

Tumabi sa akin si Amanda habang nag-reresibo ng mga binili ng isang babae. Mga School Supplies ang pinamili.

"Annika, huy! Anong kaartehan na naman 'yan ha? Senti mode ka na naman? Nakikinig ka pa sa MOR?" Tanong niya habang sina-swipe ang credit card ng babaeng bumibili.

"Hindi ako nagse-senti...ano namang ikaka-senti ko? May lovelife ba ako? At may boyfriend ba ako? Isa pa, kaya ako nakikinig kay DJ ChaCha ay kasi gusto kong pagtawanan ang mga caller niya na naniniwala sa forever..." Sabi ko. Sabay tanggal sa earphone aa tenga ko.

"Ayan, ayan! Hala sige , Annika! Ipagpatuloy mo ang pagiging bitter... Di mo ba alam na isa yan sa mga dahilan kung bat nahihirapan ang isang tao na maka move-on? Kasi iniisip nila na...."

"Thank You, Ma'am . Ingat po sa pag-uwi." Sabi ni Amanda sa babae.

"Anong bitter dun? Porke nakikinig kay Dj ChaCha, bitter na agad? Di ba pwedeng nakiki-tawa lang sa mga naniniwala sa Forever?" Grabe talaga tong si Amanda.

"Bitter ka kasi hanggang ngayon iniisip mo pa ring walang Forever...lahat ng bagay iniisip mo may katapusan....kasi ang totoo di ka pa nakaka-move-on kay Ivan...aminin mo na teh!" At sinabihan na niya sina Jericho na magsara na.

Bitter? Hindi naman ako bitter, ah! Pwede ba namang maging masaya ako sa kabila ng panloloko sa akin ni Ivan?

Syempre, lahat naman siguro ng na-brokenhearted magiging bitter din.

Hindi pa rin natatanggal ang sakit na naramdaman ko 3 years ago....

3 years ago? Ganun na pala katagal? Eh bat di pa rin nawawala ang galit ko kay Ivan? Posible kayang hindi pa talaga ako nakaka-move on? Pero bakit ganon? Bakit nararamdaman ko pa rin ang galit na 'to sa puso ko?

Ano bang problema mo, Annika? Hindi mo na sya mahal, hindi na! Pinaasa ka niya, sinaktan, kaya hindi mo na sya dapat mahalin pa!

Kung bakit ba naman kasi napakahirap ang mag move-on?

**********

5 years ago...

*ring*ring*ring*ring*

Umaga na ba? Ba't parang ang bilis? Parang kakatulog ko lang kanina, ngayon umaga na? Inaantok pa ako.
*yawns*

Pinatay ko na ang alarm clock kong Hello Kitty at bumangon na ako sa pagkakahiga, pero umupo muna ako saglit para magmuni-muni.

Ngayon ang First Day ng Classes, at ang Last Year ko sa High School. Graduating Student na kasi ako.

Tumingin muna ako sa bintana ko, at sinulyapan ang mga street lights na kulay orange. Haha.. Bat ba naman kasi kulay orange ang ilaw ng mga street lights.

Bakit Mahirap Mag Move - On?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon