Chapter One

51 3 0
                                    

*ring*ring*ring*ring*

Ano ba yan! Ang aga pa naman ah!

Gising na ang diwa ko kanina pa pero ang katawan ko bagsak pa rin.

Pinakelaman na naman siguro 'to ni kuya Joaquin.

Si Joaquin ang kuya ko. Strikto pero mabait talaga deep inside. Ayaw niyang nale-late ako sa Office kaya maaga niyang sine-set ang alarm clock ko.

Minsan nga tinatago ko ang alarm clock ko para hindi niya ma-set ng 5:00 kahit na 7am pa ang pasok ko.

Fresh Graduate ako ng UMak sa kursong Bachelor of Science and Accounting Technology. Cum Laude.

Noong College Days pa lang, nag-iipon na ako ng pera para gawing puhunan sa itatayo kong negosyo. Gusto ko na rin kasing guminhawa ang buhay namin.

Hindi naman ako ang bread winner ng pamilya, pero malapit na. Si kuya kasi ang breadwinner ng pamilya namin. Isa siyang Doktor pero dahil magpapakasal na siya next next month, hindi nalang kami ang magiging priority niya...so I need to build a business. But unfortunately, kulang ang pera ko.

Nag-branch kami ng National BookStore sa isang Mall sa Taguig. Kasama kong nagpapatakbo nun ang pinsan kong si Amanda.

Nak!  Kakain na! Halika na dito, baka ma-late ka pa sa trabaho mo.

Si Nanay.

6:10 na pala. Mala-late na ako! Sesermonan na naman ako ng pinsan kong boss. Grabe pa naman yon.haha.

*****

Matapos kumain ay nagpa-alam na ako kay nanay at tatay, si kuya kasi umalis na agad kanina pa.

Nagmadali na akong sumakay sa tricycle at nag-abang ng jeep sa C5. Mabuti na lang hindi na gaano masikip sa loob ng jeep.

Pagkababa ko... Kumaripas na ako sa pagtakbo dahil late na talaga ako. Unti pa lang ang tao sa mall dahil 10am pa magbubukas ang mall. Kaya mga trabahante sa mall pa lang ang nagsisi-datingan.

"Good Morning po kuya guard! Andito na po ba si Amanda?" Tanong ko sa security guard....
Sana wala pa si Amanda...sana wala pa siya. Please.

"Ay, Annika...andyan na siya, hala ka!" Sabay smirk niya. Si kuya guard.... Di nakakatulong!

Dahil dun, lalo ko pang binilisan ang pagtakbo, natuyo na din ang pawis ko dahil aa aircon. Haha.

Pagkarating ko sa NBS... Andun na ang mga co-workers ko na nag-aayos ng mga libro, notebooks, at iba pang mga School Supplies.

Sa Counter, nakita ko ang isang babaeng nakatalikod, naka-pamewang, hala lagot na!

Bawas sahod na naman!

Dumiretso na ako sa Books Section...dun muna ako nagtago. Natatakot na ako kay Amanda e, hahaha!

Pinaalis ko muna si Jericho sa pag-aayos sa mga libro para ako naman kasi baka mahuli ako ni Amanda.

Dun ako nag-ayos sa section na may mga published books galing sa Wattpad. Hindi naman ako mahilig magbasa ng mga ganyang story.

Dahil ayaw kong magbasa ng mga walang katuturang Love Stories. Kasi ang mga Love Stories, para lang sa mga desperadong inlove, akala  nila may Forever pero ang totoo, wala talaga.

Kasi ako minsan na akong naniwala sa Forever, pero naghintay ako para sa wala.

Well, well. Look who's here....

Amanda?...

"Oo, ako nga..... Kasi ako kanina pa ako nandito naghihintay sa'yo..kasi ike-kwento ko na sa'yo ang nangyari sa amin kagabi ni Robi sa Date namin!" Kinikilig na naman 'tong si Amanda.

"Tungkol na naman kay Robi? Alam mo...sawang sawa na ako pakinggan yang mga kwento mo kay Robi....kilalang kilala ko na nga siya mula sa kanya hanggang sa pamilya niya, hanggang sa favorite color niya, favorite food, ano pa ba ang dapat ko pang malaman? Size mg brief niya?"

Araw-araw kasing nagke-kwento sa akin si Amanda tungkol sa BF niya, sus! Darating din ang araw na magbe-break yan...wala namang Forever eh!

"Eh kesa naman sa'yo na wala paring lovelife dahil hindi pa nakaka move-on kay Ivan....che!" Sabay kuha niya sa bag ko para ilagay sa Office.

Hindi pa nga ba ako nakakapag-move on? Letche! Naka  move-on na ako! Matagal ko nang kinalimutan si Ivan! At wala na rin akong pake sa kanya.

Isa pa, bat naman ako maglo-lovelife ulit eh wala naman ngang forever!

Basta alam ko sa sarili kong walang Forever...Tsk.

*****

Amanda's Note #1:

(Bakit Mahirap Mag Move-on?)

Dahil Bitter ka pa rin.
Hindi mo matanggap ang ginawa sa'yo ng boyfriend mo kaya nagiging bitter ka sa lahat ng bagay na may kinalaman sa lovelife.

-End of Chapter One-

Bakit Mahirap Mag Move - On?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon