Chapter 1

14 0 0
                                    

Habang kumakain kami ng bestfriend kung si Carla Buana sa Canteen ay talak ng talak naman siya dahil daw sa kagustuhan kung magkaroon ng boyfriend ay muntik na naman akung mapahamak. Hindi lang isang beses ito nangyare kundi pangatlo na daw to.

"Carla alam ko naman na may pagkakamali ako eh gusto ko lang naman maramdaman ng may nagmamahal sa kin." Sabi ko habang kumakain ng fries.

"Hindi ba ako sapat? Mahal naman kita friend andyan naman ako parati pag kailangan mo ko. Ang hirap kase sa'yo di ka marunong makontento kung anung merun ka." Sabi ni carla. Ito na naman kami mag-aaway na naman.

"Friend hindi naman sa hindi sapat yung pagmamahal mo sa kin iba kase ang pagmamahal sa kaibigan at sa boyfriend. Ang hirap din kase sayo di mo alam ang nararamdaman ko. Porke naging kayo lang nung Lance Vista ganyan ka na umasta." Pagalit kung tugon sa sinabi niya. At ayun bigla niya kinuha ang bag niya saka umalis.

Wala na naman akung kasabay pauwi. Habang naglalakad ako may nakita akung magsyota na ang sweet- sweet sa isa't isa.
Punyeta kung kelan ako brokenhearted chaka naman may maghaharutan sa daan. Binilisan ko ang lakad ko nung nalagpasan ko na sila nilakasan ko talagang pasigaw.

"Maghihiwalay din kayo! WALANG FOREVER, WALA! Atsaka sumakaya ako ng jeep di ko na nakita ang reaksyon ng magsyota kanina nung nagharutan.

Pagkatapos kung mag-halfbath kanina humiga ako sa bed ko tapos binuksan ko ka agad ang laptop ko. At ng inistalk ko yung Fb ni Fred (yung manyak kung ex.) Bwesit siya nung isang araw lang kami naghiwalay may bago na agad siya. Karma will hit him. *evil laugh*

Inoff ko na ang laptop chaka humiga. Magsosorry ako bukas sa friend ko.

SoulmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon