Entry# Two: Seatmate by Littlella
Sa classroom, hindi mawawala ang mga fake loveteam. Kaya iyan ang sobra kong kinaiinisan. Biruin niyo, nilo-loveteam kami ng assungot kong seatmate. Gwapo sana, papansin lang. Ako nga pala si Maxine Fortes, 17 years old. At naniniwala sa kasabihang bwisit man ang katabi mo, bayaan mo, bwisit naman talaga 'yan. Eer! Kairita!
"Mukha mo! Pwet ng manok! Ibalik mo sa'kin iyan!" Sigaw ko kay Yohan habang nagpipigil sa sarili na hindi siya masapak. President pa naman ako. Nakakaasar, kinuha niya ng walang paalam ang ballpen ko. E nag ta-take down notes ako.
"Mukha mo nakaukit sa puso ko!" Sigaw niya pabalik sanhi para mapatigil ang buong klase at sabay-sabay sumigaw ng "Ayiee! Banat pa more, Yohan!" Asus, sanay na ako. Kung hindi lang kumukulo ang dugo ko sa kanya, panigurado kinikilig na ako. Pero hindi e, nakakadag-dag sakit lang sa ulo ang mga laos niyang banat.
Binigyan ko ito ng malakas na batok sabay hablot ng ballpen ko. Nakaka-asar na siya. "Oy! Sorry na, hindi ka naman mabiro e. Ginawa ko lang yun para mapansin mo ako." Sinamaan ko ito ng tingin. Ano'ng nakain niya at nag so-sorry siya? Hindi naman siya ganito dati, pinapalaki pa nga niya ang away e.
"Anong nakain mo?" Tanong ko habang nakataas ang kilay. Mahina lang ang boses ko, bumalik na kasi si ma'am sa pag di-discuss. Ngumiti lang ito at may kinuha sa kanyang bag. Laking gulat ko ng nilahad niya ang mga ballpen ko na kinukuha niya tuwing seryoso akong nagaaral, tas hindi niya na binabalik.
"Ang cute naman." Ewan ko pero biglang nagbago ang mood ko. Ang cu-cute kasi. Nilagyan niya ng mga makukulay na palamuti ang mga ballpen ko. "Ano ang nakain mo ba't ginawa mo ito?" Ngumiti ako ng nakakaloko. Napaiwas ito ng tingin at napaayos ng upo. "Ano nga? Inlove ka na sa akin?" Dugtong ko. Lumapit ako sa kanya kaso wrong move, bigla nalang itong lumingon kaya nahalikan ko ang ibaba ng labi niya. Kita ko ang pagkagulat ng mukha niya.
"YOU TWO! GET OUT! PDA IS NOT ALLOWED!" Shit! Ano ang nagawa ko? Muntik na, muntik niyang makuha ang first kiss ko. Mabuti nalang sa baba lang niya. Pero nakakahiya parin! Nakita pa kami ni ma'am. Akala niya nag kiss kami. Wala na kaming magawa kundi lumabas ng classroom, tinakot kami ni ma'am na kapag hindi kami lalabas, e papa-suspension kami. Narinig ko pa ang malakas na hiyawan ng mga kaklase namin bago kami nakalabas.
"P-pasensya na." Paghingi ko ng tawad. Kung hindi lang sana ako lumapit sa kanya, hindi sana nangyari 'yun.
"May sasabihin sana ako sa iyo, tungkol dun sa tanong mo." Seryoso ang mukha niya. Nakakapanibago.
"Maxine, matagalnakitangmahal,datipasimula batapatayo.Ginagawakoanglahatparalangmapansinmoako.mahalkita." Napakunot ang noo ko. Ano daw? Ang bilis naman yata niyang magsalita. Yumuko lang ito at ginulo ang kanyang buhok.
"Ano? Paki ulit, ang bilis mo naman mag salita." Ba't ako kinakabahan? Hindi naman ako ganito dati pag naguusap kami e.
"Mahal kita, Maxine." Aniya habang nakatingin ng seryoso sa akin. Tama ba? Tama ba ang naririnig ko? Mahal niya ako? Ano ba ito! Naiiyak ako!
"Mabuti naman natauhan kana, Yohan. Simula noon, parati mo akong binu-bully. Minsan nga umiiyak ako ng patago dahil sa masasamang salitang sinasabi mo sa akin, pero Yohan. Minahal kita, Yohan. Mahal rin kita." Hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Tumulo nalang bigla ang mga luhang dati'y ko pa tinatago. Umiiyak si Yohan. Umiiyak siya sa harapan ko. Dahil sa saya.
"I love you, Maxine." Bulong niya.
"I love you more, Yohan."
FIN~
Alam kong hindi siya maganda, pero sana ma appreciate ninyo. Ciao!
@Littlella