CHAPTER 1: MEET AGAIN

14.5K 108 1
                                    

KAUUWI lang ni Lucas mula sa Los Angeles nang maimbitahan siya sa isang party sa club. May nakasayaw siyang babae roon at dahil sa kalasingan ay humantong sila sa isang sikat na hotel. Sa itsura ng babae, mukhang wala sa bokabularyo nito ang magseryoso sa isang lalaki at sanay sa one night stand lang. Ngunit nang may mamagitan sa kanila ng babae, hindi niya lubos akalain na siya ang una nito. Nang magising siya sa silid na iyon sa hotel, hinanap niya ang babae ngunit bigo siyang makita ito. Kahit pangalan nito ay hindi niya alam. Hindi niya alam kung bakit bigla na lang siyang naging intresado sa babaeng nakaniig sa hotel. Siguro nga'y nagkamali lang siya ng pagkakakilala sa babae at gusto sana niyang makilala pa ito. Gayunpaman, kahit naipagtanong-tanong na sa mga kaibigang kasama niya nang gabing iyon sa club ay hindi rin daw kilala ng mga ito ang babaeng nakasama niya.

Dalawang tao ang nakalipas at nagkaroon na ng nobya si Lucas-si Nympha. Isang lisensyadong guro sa pampublikong hayskul sa Castillejos. Mahinhin, mabait, at higit sa lahat ay maalaga kaya naman hindi naging mahirap para sa kaniya na magustuhan ang dalaga. Ngunit sa kasamaang palad, namatay ang kaniyang nobya nang ma-ambush ang sinasakyan nilang kotse noon patungo sa isang barangay para sana'y mamigay ng relief goods sa mahihirap na nakatira sa paanan ng bundok. Dahil sa matinding pagluluksa sa pagkawala ng nobya, hindi na muling sumubok pa si Lucas na makipagrelasyon sa iba. Nag-focus siya sa career niya bilang konsehal ng bayan ng Castillejos, at kalaunan ay nanalo bilang mayor nito.

Si Lucas ang pinakabatang mayor na nahalal sa buong lalawigan. Bukod sa pagkakawang-gawa, noon pa man ay kilala na ang kanilang pamilya bilang isa sa pinakamayamang pamilya sa bansa dahil sa iba't iba nilang negosyo. Ngunit naging tradisyon na rin ng kanilang pamilya na sinumang lalaki sa pamilya ang mananalong alkalde'y kailangang maikasal din sa isang babaeng nagmula rin sa kilalang pamilya at may magandang estado sa buhay. Nang panahong 'yon, walang ibang napipisil si Don Matteo na ikasal sa anak kundi ang bunso ng mga Fedelin-si Maxine.

Nagkasundo naman sina Don Matteo at ang ama ni Maxine na si General Bernardo Fedelin na ikasal ang parehong bunsong anak. Labag man sa kalooban ay kailangang sundin ni Lucas ang nais mangyari ng ama. Marami kasing kumakalat na issue tungkol kay Maxine na marami na itong nakarelasyong lalaki. Sakit daw ito sa ulo ng ama na kahit isang kagalang-galang na opisyal ng militar ay hindi nito pinakikinggan.

He never had a chance to see Gen. Bernardo's daughter. Kahit sa picture. Hindi niya maintindihan kung bakit hindi siya makaramdam ni katiting na excitement na kilalanin ang babae. Their wedding is set three months from now. At kailangan na rin nilang magkita, pero dahil hindi pa siya handa, he asked his father for a month at least to focus on his duty as the new city mayor. Fortunately, pumayag naman ito sa gusto niyang mangyari.

"Mayor, nakahanda na po ang sasakyan," sabi ng kaniyang secretary na si Chin.

Katatapos lang ng trabaho niya sa munisipyo. Kung hindi lang sana siya nangako na pupunta sa party ng bunsong kapatid na si Erin ay hindi na siya babyahe pa pa-Almendras. Dalawang oras din kasi ang byahe patungo roon. Kung mas mabilis pa ay aabutin lang ng higit isang oras.

Ngunit habang nasa byahe ay nagpasya munang umidlip si Lucas. He was so exhausted. Bukod kasi sa trabaho niya sa munisipyo ay may mga binisita pa siyang barangay. Sa dami ng problemang idinulog sa kaniya, kulang na ang lakas niya para tugunan ang lahat ng 'yon. He promised to be a better mayor kaya wala siyang magagawa kundi pagbutihin ang trabaho niya sa siyudad.

Ilang sandali pa ay naramdaman na ni Lucas ang paghinto ng kotse. Nang imulat niya ang mga mata, saka lang niya napagtanto na naroon na pala siya sa club na nirentahan niya buong gabi para sa birthday party ni Erin. Regalo niya iyon sa kapatid dahil consistent naman itong dean's lister mula nang mag-college. Tatlong taon na lang ay matatapos na nito ang kursong Civil Engineering.

Inayos niya ang suot na sleeves na nakatupi hanggang siko at nakabukas din ang tatlong butones to expose a bit of his chiseled chest. Maayos naman ang suot niya pero halata pa rin talagang kagagaling pa niya sa trabaho. He had no time to choose for his outfit. Ang mahalaga lang naman ay makita at makasama siya ng kapatid sa espesyal nitong araw.

"Kuya! OMG! Akala ko talaga hindi ka na darating!"

"You know I can't do that to my favorite sister." He chuckled when Erin hit his chest.

"I am your only sister, Kuya!" nakasimangot nitong sabi.

He softly laughed. He held both Erin's cheeks and suddenly pinched his nose. "I promised to be here, so... ituloy na natin ang party?"

Lumawak ang ngiti ng kapatid niya at nagmamadali siyang hinila papasok sa club. He was surprised when he saw her sister's guests. Mukhang hinigitan pa nito ang regular na bilang mga pumupunta sa club tuwing gabi.

SAMANTALA, sunod-sunod naman ang ginawang paglagok ni Maxine sa alak na laman ng hawak niyang kopita. Pinuno niya iyon ng alak kanina. She wanted to get drunk. Para pagkatapos no'n ay makakatulog na lang siya at makakalimutan ang malaking problemang kakaharapin niya-ang pagpapakasal sa lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakasama. Gaya ng inaasahan niya, mula sa pamilya ng politiko. She's not into politics. Bihira siyang umuwi probinsya kaya wala siyang alam sa mga ganap doon. At kung sino man itong lalaking paulit-ulit na ibinibida ng ama'y wala na siyang pakialam. Bahala na kung sa araw na lang sila ng kasal mismo magkikita. Hindi talaga niya kayang sikmurain na pakisamahan kung sinuman ito.

Mabuti na lang at naimbitahan siya ng highschool friend niyang si Erin. She wasn't even in the guest list. Personal lang siya nitong inimbita nang magkita sila kahapon sa mall. Hindi na niya iyon tinanggihan pa. Because she only found the perfect time to drown herself-just to forget her miserable life coming in a few months.

"Let's party!" dinig niyang sigaw ni Erin na nasa tabi na ng DJ. Then the loud and wild music filled the whole place.

Napangisi siya. Inisang lagok niya ang kasasaling alak, at kahit medyo nahihilo na'y pinilit na tumayo para makisiksik sa mga nagsasayaw sa dance floor para sabayan ang bawat beat.

She was dancing wildly when she suddenly felt a pair of hands slowly touching the side of her waist. Umirap siya sa hangin at hinayaan na lang iyon. Normal naman 'yon na nangyayari kapag nasa ganoong party siya.

Hanggang sa mapagtanto niya kung bakit nakakapit doon ang mga kamay ng lalaking nasa likuran niya. Naramdaman niya na pilit nitong ibinababa ang tank top na suot niya. Iritado niyang pinalis ang kamay nito.

"Ano ba-" Natigilan siya nang sa paglingon niya'y tumambad ang pamilyar na mukha ng isang lalaki.

Napakurap-kurap siya at pagkuwa'y sunod-sunod na napalunok. Kahit ilang taon na ang nakalipas, hinding-hindi niya makakalimutan ang mukha ng lalaking iyon. He's the same guy she had slept with two years ago. Ang lalaking iniwan niya sa hotel. He got her first. At 'yon na ang pinakamalaking kahihiyang nangyari sa buhay niya mula nang gabing 'yon.

Mabilis siyang tumalikod para itago ang mukha rito. Ngunit mukhang huli na ang lahat.

"Can we talk?" dinig niyang sabi ng lalaki. Sa lakas ng music doon ay halos pasigaw na nitong sinabi 'yon.

Hindi niya pinansin ang lalaki.

"Miss, kung hindi mo 'ko kakausapin, I promise, I'll make a scene here."

Namutla siya sa narinig. Huminga siya nang malalim at saka ito iritadong hinarap.

"Fine!"

FRIENDS WITH BENEFITSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon