CHAPTER 6: NYMPHA

4.9K 62 4
                                    

KANINA pa nakaalis ang mag-inang inabutan ni Maxine ng tseke pero hindi pa rin niya inaalis ang tingin sa may pinto.

“You okay?” untag sa kaniya ni Lucas.

She bit her lower lip and slowly nodded. “Uhm... naawa lang talaga ako sa bata. I hate kids. They’re just making noises, crying for no reason, playing like they never get tired—those stuffs. Pero no’ng nakita ko ‘yong bata kanina, I realized kung gaano ako ka-privileged. Hindi ko naranasan maging mahirap buong buhay ko. That’s why I’m childish, and yeah... a brat.”

Umangat ang isang kilay ni Lucas habang pinaglalaruan ang ballpen sa daliri nito. “At least, you now have something to be proud of. And it involves a kid.”

“You’re right. Uhm, saan pala tayo pupunta mamaya?”

He took his phone from his pocket and checked his schedule.

“Barangay Mutya. I’ll be judging a small beauty pageant there. Piyesta kasi nila. Gusto mo pa bang sumama?”

Nagkibit-balikat siya. Wala naman siyang ibang lakad. “I’ll go with you.”

He smiled. “Good. Mamayang 5:00 P.M pa naman ang start ng program nila.”

Habang naghihintay ng oras, tumulong si Maxine kay Lucas sa pakikipag-usap sa mga taong dumarating sa opisina nito. Kita niya ang pagod sa mga mata ng lalaki matapos kausapin ang ilang representative ng LGU na dumulog ng iba’t ibang problema rito. Wala na yata siyang ibang narinig nang araw na ‘yon kundi mga problema. Napapaisip tuloy siya kung paano pa kinakaya ni Lucas na dalhin ang lahat ng ‘yon. Kung hindi pa siya sumama sa opisina nito ay hindi niya malalaman na ganoon pala kahirap ang trabaho nito bilang city mayor.

Nang makaalis ang matandang kausap niya, nagtungo muna siya sa pantry para kumuha ng bottled water. Kumuha siya ng dalawa para sa kanila ni Lucas.

“Water?” alok niya rito nang makalapit.

Pagod ang mga matang lumingon ito sa kaniya. Inabot nito ang tubig na ibinigay niya. “Thanks,” tipid nitong sabi at saka muling ibinalik ang tingin sa binabasang papel.

Hindi na rin siya nagtagal pa roon para hindi na makaistorbo pa sa binabasa nito dahil mukhang importante talaga ‘yon.

Ilang sandali pa, dumating naman ang grupo ng mga scholar mula sa Kolehiyo Ng Castillejos para magpapirma ng form para sa free tuition ng mga ito. Kailangan na kasi iyon lalo na’t prelims na ng mga estudyante sa susunod na linggo. Kailangang mapirmahan ang forms para makakuha ng exam permit ang mga ito sa accounting office. Lately lang kasi niya nalaman na doon pala nagre-release ng exam permit ng mga estudyante sa halip na sa kolehiyo mismo ito manggaling. Si Lucas din ang presidente ng KNC kaya may mga responsibilidad din ito roon.

Pagsapit ng ala-una y medya ay nagpasya na silang umalis ng munisipyo para pumunta sa Brgy. Mutya. Nag-retouch lang siya at hindi na nagpalit ng damit dahil wala na silang oras.

“Alam mo, sa dami ng trabaho mo, baka hindi ka na talaga magka-girlfriend. Wala ka na kasing time for your personal life, e,” aniya habang nasa byahe sila.

Kahit pagod ay nag-insist pa rin si Lucas na ito ang magmaneho ng kotseng sasakyan nila patungo sa Brgy. Mutya. Nasa harapan at likuran naman nila ang mga kotseng lulan ang mga bodyguard ni Lucas. Hindi lang halata na marami itong bantay dahil iilan lang ang nakasuot ng uniporme. Ang iba’y naka-civillian lang at ang mga ito naman ang nagsisilbing tagamatyag sa paligid tuwing nasa labas si Lucas. Bukod pa ang dalawang palaging nakabuntot dito. Marumi kasi talaga ang laro sa politika kaya kahit nanalo na ay hindi pa rin pwedeng makampante ang lalaki. Hindi pa man lang natatapos ang first 100 days nito bilang mayor ay marami na kaagad itong na-accomplish. Something that intimidates his rivals.

FRIENDS WITH BENEFITSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon