CHAPTER 24: MAYOR'S FURY

2.9K 52 17
                                    

NANLILISIK ang mga matang lumayo si Maxine kay Clint matapos ang malakas na sampal na ibinigay niya rito.

“Come a little closer and I won’t hesitate to slap you hard again! Man*ac!”

Namimilog ang mga mata ni Martha na nagpalipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa.

“C-Clint, what have you done? D-Did you just... Did you just har-ss the mayor’s wife?” hindi makapaniwalang sabi ni Martha.

Naikuyom naman ni Maxine ang kamao. “There I thought you were a gay. Mapagpanggap ka! And I know you did it on purpose to take advantage to your models!”

Mariing naglapat ang mga labi ni Maxine nang muli itong humakbang papalapit sa kaniya na wari’y hindi naapektuhan sa sinabi niya.

“One more step and you know what can happen to you, Mr. Coralde!” gigil niyang banta rito.

Ngumisi si Clint sa kaniya. “And you think I’m scared? Asawa ka nga ng mayor pero ikaw ang may kailangan sa ‘kin. You need me to have a career in modeling. Pasalamat ka nga’t kahit buntis ka, may tumanggap pa sa ‘yo.”

Tila umakyat lahat ng dugo sa ulo ni Maxine sa narinig. She badly want to ravage him with her anger, but she’s pregnant. She has to stay as calm as she can dahil baka makasama iyon sa dinadala niya. Bagama’t nagtatagis ang bagang sa galit ay mas pinili niyang i-compose ang sarili.

“Ikaw ang lumapit sa akin, Mr. Coralde. Inalok mo ako na maging modelo ng designs mo. You know what, kaya kong magkaroon ng career sa modeling even without your help. Stop acting like your designs are on some well-known luxury brands’ level. Your tacky attitudemake your design so cheap, so please, know where to stand. You’re a fauxmosexual.”

Nanlaki ang mga mata ni Clint sa binitawan niyang salita. Ngunit hindi na niya ito pinagtuunan pa ng pansin at nagmamadali nang nilisan ang powder room. Ilang beses pa niyang tinawagan ang PA niya pero hindi na ito sumagot. Mukhang kinasabwat na rin ito ng Clint na iyon para mapagsama*talahan siya.

Muntik na siyang mapatili sa gulat nang makasalubong niya sa pasilyo ang isa sa mga bodyguard ni Lucas.

“Ma’am, naghihintay na po sa inyo si Mayor sa labas,” anang lalaki.

Tumango lang naman siya rito at malakaa ang kabog ng dibdib na naglakad patungo sa parking area sa labas ng building. Nagtatalo ang isip niya kung sasabihin ba niya kay Lucas ang nangyari o mag-isa na lamang na haharapin si Clint. She has a plan to sue him. Pero ayaw niyang gamitin ang connection ni Lucas bilang mayor. Baka lalo lang isipin ng Clint na iyon na hindi niya kayang ipagtanggol ang sarili niya kung walang tulong ng asawa niya. Lalo na at alam niya kung ano ang kayang gawin ni Lucas to defend her.

Mariin niyang kinagat ang labi upang kalmahin ang sarili.

Sinalubong siya ni Lucas na seryosong nakatingin sa kaniya.

Naghurumentado naman agad ang puso niya.

“Does he know?” Sa isip-isip niya.

Pero imposible. Ilang minuto pa lang naman ang nakalilipas. Imposibleng mag makapagsabi agad no’n kay Lucas. Mas lalong hindi iyon gagawin ni Martha dahil alam nitong maaari itong madamay sa galit ni Lucas at ni Clint na kasalukuyang amo nito.

“Hi, babe,” aniya na pilit pinasigla ang boses nang makalapit ito.

Yumuko ito para dampian siya ng halik sa labi ngunit ramdam niya ang tensyon sa bawat titig nito sa kaniya.

Hilaw siyang ngumiti. “Nakakapagod pala maging model. I feel like I have to take a heavy meal tonight.”

“Let’s go home then,” tipid nitong tugon. Tahimik siya nitong pinagbuksan ng pinto at agad naman siyang tumalima.

FRIENDS WITH BENEFITSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon