Kabanata 11

37 1 0
                                    

Haven POV

"Buti na lang naka pagpa-reserve tayo ng upuan malapit ang daming tao ngayon." Amaya

"True. Hindi naman ganito last year eh." sang-ayon ni, Lexie na siyang katabi ko habang sa kabila naman si, Althea

Hindi ko na masyadong marinig ang iba pa nilang sinasabi dahil nag-simula ng mag-ingay ang mga tao sa loob ng gym ng nag-silabasan ang mga players

"GO CLASS LOVE!"sigawan ng mga classmate ko  syempre hindi papatayo ang kabilang team

"GO CLASS KIND!"

"CLASS L-O-V-E!"

"CLASS K-I-N-D!"

"L-O-V-E!"

"L-O-V-E!"

"L-O-V-E!"

"L-O-V-E!"

"L-O-V-E!"

"K-I-N-D!"

"K-I-N-D!"

"K-I-N-D!"

"K-I-N-D!"

"K-I-N-D!"

Napa takip na lang ako sa tenga dahil sa sobrang ingay na ng cowards at mukhang nag-wawala na

"WOAHHH!!! GO ZAIRE!!!"sabay na sabay na sigaw nila, Lina ng maka three points shoot si, Zaire

"GO, ROMEEE!!! LOVEEE!!" that's Alya cheering her boyfriend who's currently had the ball

Naging tuloy tuloy ang magandang laro ng Class Love

"Sure win na tayo!" naka ngiting wika ni, Lexie, kahit na mukhang pagod na yung lima ay patuloy pa din sa pag-lalaro

"Ohh!"

"Foul yun ah!"

Pare parehong napa tayo kami ng makitang natumba si, Zaire na halata namang tinisud ng nasa kabilang team habang tumatakbo ito kaya  malakas ang impact

"What happening? Ayos lang ba si, Zaire?" tanong ko kay, Owen ng malapit ito sa'min

"Kailangan daw naming mag-palit ng player mukhang napuruhan yung tuhod ni, Zaire at hindi na niya maigalaw ang paa niya saka ang sabi nung referee kung hindi kami makahanap madidisqualified ang team natin."nag-aalalang wika nito

" Wala bang ibang marunong mag basketball bukod sainyo? "tanong ko rito ngunit malungkot itong umiling

" Bukod sa'ming limang nag practice ay wala na Saka confident kaming kakayanin namin hanggang last game kaso hindi namin alam na may mangyayaring ganito."

" Halata namang sinadya nung taga kabilang team eh."inis na singhal ni, Althea

" limang minuto lang ang binigay sa'min para maka pag hanap ng papalit kay, Zaire."sambit nito

" Wait here. tatanungin ko kung sino sakanila ang marunong kahit papano."turan ko rito saka muling umakyat sa pangatlong bench kung nasaan ang iba pa naming Kasama na mukhang hinihintay na malaman kung anong nangyari

"We need new player within 5 mins or else our team will be disqualified." agad na imporma ko sakanila

"May marunong ba sainyong mag basketball kahit papano?"tanong ko sa mga boys ngunit umiling sila ganun din sa girls

"Teka si, Ac yun ah." sinundan ko ang tinutukoy ni,Ellie napa-awang ang labing gulat na napatingin ako sa ayos ni, Anastasia

Hindi na siya naka hoodie naka pang basketball uniform na siya tulad ng kila,Zaire at  Nak tali rin ang buhok nitong naka lugay parati

Mabilis na bumababa ako ng bench at lumapit sa may court mismo

"What the hell is your doing there?!" singhal ko rito sigurado kong kaming dalawa lang ang mag kakarinigan

"I'll play, Haven hindi ako papayag na matalo tayo dahil sa pan dadaya nila." seryosong wika nito

"Do you even know how too?"salubong ang kilay na tanong ko rito nginitian lang ako nito at hindi na sumagot dahil pumito na ang referee

Napamasahe na lang ako sa sintido ko habang nag lalakad pabalik sa upuan ko kanina, bakas ang pag tatanong sa mga mata nila habang naka tingin sa'kin

"She will play." sambit ko sakanila kahit alam ko namang obvious na yun

Muling nag-ingay ang manonood ng mag simula ang laro Hindi ko mapigilang mag-alala para kay, Anastasia pero aaminin kong hindi ko mapigilang mamangha ng makita kung pano mag-laro ito

"She's good." Althea commented that i silently agree with her

"WOAHHHH!!!"

"CLASS L-O-V-E!!!" dinig na dinig ang malakas at hiyawan naming lahat ng kami ang panalo

"WE WONNNNN!!!" masayang sigaw nila, Oliver, lahat kami ay masayang bumababa sa may court at mabilis na lumapit sa team namin

" CONGRATS SA ATIN!!!"lahat kami ay masayang nag yakap yakap kasama si, Zaire na halatang iniinda pa din ang injure niya

Hinayaan ko munang nag-usap usap sila tungkol sa pagkapanalo ng team namin

Palingon lingon ako kung saan upang hanapin kung nasaan si, Anastasia napansin ko kaninang umalis rito ngunit ang pinag-aalala ko ay ng mapansing sobrang pula ng buong mukha nito at tila mabibigat ang pag-hinga nito na para bang nahihirapan

The President of Class D-4(🥀)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon