Chapter 17
"Basta mag-iingat kayo dun,okay?"turan ng ama ni,Anastasia
"Tumawag ka rin paminsan minsan para hindi kami mag-alala sayo."ani naman ng Kuya nitong si,Aldrick
"Pano naman mae-enjoy ni, Calli yung bakasyon nila kung tatawag siya."pagkontra ni,Lance dito
"Kaya nga paminsan minsan diba?"pagbabara ng kakambal nitong si, Lancer
"Nagsisimula na naman kayong mag-asar,"iiling-iling na sabat ni, Alele sa mga ito "Enjoy your bonding with your classmates,okay?I know you've been stress this days."may masuyong ngiting wika nito dahilan upang mapangiti si, Anastasia dito saka tumango
"Opo!saka huwag po kayong mag-alala tatawagan ko po kayo pag may time or imemessage para hindi kayo mag-alala."nakangiting wika nito saka niya sila isa isang niyakap
"Dalawang linggo lang naman po ako mawawala kaya huwag po kayo masyadong mag-alala sa'kin."dagdag nito
"Hindi lang ako sanay, Calliope dahil ni minsan naman ay wala kang lugar na pinuntahan ng matagal ng hindi ako kasama."may kiming ngiting wikang ama nito saka masuyong niyakap ang anak at hinalikan ang tuktok nito
"Lumalaki na talaga ang prinsesa ko,"natatawang wika nito
"Si Papa naman kung magsalita parang aalis na sa poder niya si, Calli eh magbabakasyon lang naman siya."na nunudyong wika ni, Vance sa ama
"Tumatanda na kasi si Papa kaya ganyan."natatawang wika ni, Erick dahilan para magtawanan sila maliban na lang sa ama nilang napailing-iling na lang sa pang-aasar nila sakanya
Natigil lang ang asar nila ng dumating ang Van na susundo kay, Anastasia
"Ingatan niyo tong prinsesa namin,Okay?At mag-enjoy kayo."nakangiting wika ng Ama ni, Anastasia kay,Zaire habang ang Kuya naman nito ay nilalagay ang gamit sa likod ng sasakyan
"Opo, Tito huwag po kayong mag-alala dahil sisiguraduhin po naming mag-eenjoy ang lahat."nakangiting tugon nito
"Mag-iingat kayo sa biyahe."Erick
"Sa susunod isama mo na kami."pabirong wika ni, Lance dito
"Sige po Kuya,"natatawang tugon ni, Zaire
"Ac, sa may likod kana sa tabi ni, Haven para hindi na mamaya mahirapan sumukay yung susunod nating susunduin,"turan ni, Hunter dito na nasa Passenger seat ng Van
"Eh nasaan yung iba?"takang tanong nito
"Nauna na sila, hihintayin na lang tayo mamaya dun sa Port para sabay sabay na tayo papunta sa Isla."sagot ni, Zaire dito
"Bye, Pa ingat kayo dito,"huling wika ni, Anastasia bago ito tuluyang sumakay sa Van
Tipid itong ngumiti ng magtama ang tingin nilang dalawa ni, Haven habang papunta ito sa tabi niya
Hindi nito alam pano kakausapin ang Dalaga pagkatapos ng nangyari sa pagitan nila lalo na't pansin nitong iniiwasan siya nito lalo na siguro ngayong napanood niya yung Video
"Okay lang ba kayo dyan sa likod?"tanong ni, Zaire sakanila habang umaandar ang sasakyan
"Oo."nakangiting tugon ni, Ac dito
ilang minuto ang namayaning katahimikan sa pagitan nila ni, Haven habang ang dalawang lalaking kasama nila sa harap ay abala sa pag-uusap
"Are you okay?"hindi maikakaila ang gulat at pagtataka sa mga mata ni, Anastasia ng tanungin siya bigla ni, Haven
"I saw the video and i heard some story....So, I'm asking you if you're okay?"tila nagpapaliwanag nitong wika
"Kung ganun bakit mo pa ako kinakamusta?Bakit hinahayaan mo pa rin akong malapit sayo?"may lungkot nitong tanong
"What do you mean? I'm asking you if you're okay at ang layo ng sagot mo sa tanong ako."pabulong nitong singhal sakanya
"Hindi ba dapat nandidiri ka sakin pagkatapos ng napanood at nalaman mo?"nagtatakang sambit nito
"Why would I?"taas kilay nitong wika "We already know you enough para isipin naming hindi ka ganung klase ng tao."dagdag nito
"We might not like you at first, pinagdudahan at kung ano anong ginawa nila mapaalis ka lang sa Class namin,"napapailing-iling na wika nito dahil naalala nito ang mga kalokohang pinag-gagawa ng mga kaibigan niya
"Thank you...."mahinang wika ni, Anastasia rito "For not staring at me that way, for not judging me and for believing in me."dagdag nito
"Were not to judge. But, I hope you got the justice you deserve."turan ni, Haven dito
"It's Okay! I'm Okay now."kagat labing wika nito "Ginawa lahat ni Papa para makulong sila,"dagdag nila
"Pero hindi lahat ng gumawa sayo ng kasalanan,"turan ni, Haven dito ng maalala ang dating kaibigan ni, Anastasia
"Ang mahalaga sa'kin ay yung ngayon,"tanging naging tugon ni, Ac dito
"Alam mo masyado kang mabait."hindi mapigilang komento ni, Haven rito "Pwede mo pa rin silang kasuhan at pwede na silang makulong pag naglegal age sila, pero bakit hindi mo ginawa? "
"Ayaw kong paulit ulit na lang hahalungkatin yung nakaraan, Haven saka kilala at mayaman ang pamilya nila siguradong wala kaming panalo at ayaw ko ng makitang nahihirapan pa si, Papa."turan nito
"Kailangan ni, Papa ang magdoble kayod noon para lang magawa niyang maipakulong ang mga lalaking yun."dagdag nito
"Pwede ka naming tulungan."pag-ooffet nito
"Salamat, Haven."nakangiting wika nito dahilan upang mag-iwas ng tingin ang dalaga sakanya
" May problema ba?"nagtatakang tanong ni, Ac rito dahil sa inaakto ng dalaga
"Oo, Bigla lang akong inantok," pagdadahilan ni, Haven rito
"Malayo pa naman ata pwede ka pang umidlip."masuyong wika ni, Ac dito
"Mamaya na lang siguro,"mahinang tugon ni, Haven rito saka nagkunwaring abala sa cellphone dahilan para hindi nito mapansin ang biglang paglungkot ni, Ac dahil alam nitong iniiwasan niya ito
"Nakatulog na ata yung dalawa kanina pa walang imik eh,"turan ni, Zaire pagkatapos lumingon sa likod ngunit hindi niya masyadong makita ang dalawa
"Hayaan mo na muna gisingin na lang natin pag nasa Port na tayo."tugon ni, Hunter dito
"Oo nga pala sa tingin mo walang ideya yung Tatay ni, Ac tungkol sayo?"
"Hindi ko alam."nakapabuntong hingang sagot ni, Zaire dito "Ang gulo ng pamilya namin, alam mo naman yun diba? Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagpapakita si, Mommy at pagtinatanong ko naman si, Daddy halatang umiiwas."lintaya nito
" Baka kasi may tinatago? "Hindi siguradong wika ni, Hunter dito "Kasi kung wala hindi siya iiwas tulad ng sinabi mo, diba?"
"Minsan hindi ko maiwasang isipan yan, na baka kaya ganun kasi may tinatago sila sa'min."nakapabuntong hingang wika nito
"Pero tanggap mo na ba si, Ac bilang half sister mo, kung sakali? Mukha naman siyang mabait eh saka malay mo magkasundo pala kayong dalawa pag kinilala niyo ang isa't Isa."sehasyon nito
"Wala nga siyang ideya tungkol sa kung mag-ano kami eh,"kunot-noong turan nito "Saka mukhang hindi naman na niya kailangan pa ng kapatid ang dami na kaya niyang Kuya."dagdag nito
"Hindi mo pa nga sinusubukang magpaka-Kuya sakanya eh, saka hindi pa tayo nakakahingi ng sorry sakanya sa mga pinag-gagawa natin."iiling-iling na wika ni, Hunter dito
"Alam mo namang hindi pa rin siya gusto ng lahat diba? May pagduda pa rin ang iba sa'tin."turan nito
"Ah Oo nga pala, Pero wala talaga kayong balak isali siya sa talagang gc natin?"nagtatakang tanong ni, Hunter dito
"Siguro pagkatapos nitong bakasyon nating baka magustuhan na siya ng lahat at matanggap na siya ng iba."tugon nito
Napatango-tango naman si, Hunter at hindi na muling nagtanong lalo na ng mapansing malapit na sila sa bahay ng Isa pa nilang kaibigan....

BINABASA MO ANG
The President of Class D-4(🥀)
Mistero / ThrillerMeet, Anastasia Calliope Sugon the Class President of Class D-4 ang worse section Anastasia Calliope has a bubbly attitude a go with the flow type of person Class D-4 ang bawat studyante rito ay may kanya kanyang sekretong tinatago... May mga mapag...