Kabanata 14

42 1 0
                                    

CHAPTER 14

"Huwag kang mag-alala Pa kami ng bahala kay, Calli hindi na namin hahayaang maulit yung nangyari nuon."naka-ngiting wika ni, Kuya Aldrick habang naka-akbay sa'kin

"May tiwala naman akong hindi niyo pababayaan ang kapatid niyo, basta mag-ingat kayo okay? Huwag masyadong mag-lasing."paalala nito pare-pareho naman silang tumango

"Sige, Pa una na kami."naka-ngiting sambit ko rito saka humalik sa pisngi nito

"Ang babait talaga ng mga kaklase mo, Calli,"naka-ngiting wika ni, Kuya Vance "Tignan mo hindi nila kami nakalimutan na iinvite sa celebration niyo."dagdag nito napa-irap na lang ako sa hanging

"Lahat ba kayo nasa legal 18 na?"takang tanong ni, Kuya Alele

"Wala po pero sa VIP naman daw po tayo kaya ayos lang juice na lang daw po sa mga minor."paliwanag ko

"Mabuti naman."

"Cool! Iba talaga pag-anak mayaman vip."ngising ngising wika ni Kuya, Lance

"Sila Hunter daw po kasi may ari nung bar, Kuya."sambit ko rito

"Nice!"komento nito, nag-kibit balikat na lang ako saka tumingin sa labas ng bintana

"Diba may bar din kayo malapit sa University na pinapasukan niyo."sambit ko rito ng hindi sila nililingon

"Huh? Saan mo nalaman yan?"takang tanong ni, Kuya

"Narinig ko lang sainyo nung minsang nag-usap kayo tungkol dun." Kibit balikat na sagot ko rito

"Huwag mong sasabihin kay Papa ah baka mapagalitan kami."natatawang wika nito, takang lumingon ako rito

"Kaming dalawa ni Papa ang nakarinig sainyo."turan ko rito, pare-parehong nanlalaki ang mga matang nag-tinginan sila

"Seryoso? Pero bakit wala siyang sinasabi sa'min?"takang tanong ni Kuya Lance

"Dapat ba may sabihin siya sainyo? Nasa tamang edad naman na kayo saka natuwa nga si Papa ng malaman may sarili na kayong bar at hindi puro kalokohan lang ginagawa niyo."naka-ngiting wika ko rito sakto namang huminto ang sasakyan sa harapan ng Bar

"Mga good boy kaya kami."reklamo ni, Kuya Vance pag-baba namin ng sasakyan

"Sinong niloko niyo mga Kuya? Nakakarating lahat kay Papa mga kalokohan niyo."naka-pameywang na sambit ko

" Buti na lang tumigil na ako."naka-pamulsang wika ni Kuya Alele. Ngumiti ako rito alam ko namang ako ang dahilan kung bakit tinigil na niya lahat ng yun

"Tara na po sa loob baka tayo na lang hinihintay."pag-aaya ko sakanila. Naka-akbay sa'kin si Kuya Lancer at Kuya Lance habang papasok sa loob ng Bar

Napa-ngiwi na lang ako ng sumalubong sa'min ang madaming taong nag-sasayawan sa may dance floor ang nakakahilong ilaw at ang maingay na tugtog

Lihim na napangiti na lang ako ng mapansing nakapalibot sa'kin sila Kuya para masiguradong ayos lang ako habang dumadaan kami sa gitna ng mga nag-sasayawan papunta sa second floor kung nasaan ang VIP Rooms

"Yo!"agad na bati nila Kuya mabilis namang tumayo si Hunter ng makita nito sila Kuya at agad na nilapitan

Hinayaan ko na lang silang mag-usap habang ako ay pinalibot ang tingin para hanapin kung nasaan si Haven

Lihim na napa-nguso na lang ako ng umiwas agad ito ng mag-tama ang tingin namin, hindi ko maiwasang mapa-lunok ng bumababa ang tingin ko sa suot nito

Naka spaghetti strap lang ito kaya kita ang balikat nito na pinarisan niya ng shirt kaya kitang kita ang makinis nitong hita

The President of Class D-4(🥀)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon