Chapter 3.

11 0 0
                                    

ILANG beses pang nag-doorbell si Olivia sa condo unit ni Hen. Pero mukhang wala talagang tao roon.

Bitbit ang maleta na naglakad siya palayo roon. Habang naglalakad ay idinayal niya ang numero ng kaibigan. Pero hindi nito sinasagot.

"Hen, sagutin mo naman," bulong niya ng muling tawagan ang numero nito. Pero wala pa rin.

Nang makarating siya sa lobby ay nanatili muna siya roon. Ang totoo ay hindi niya alam kung saan siya pupunta. Si Hen lang ang kilala niya sa Maynila. Ayaw naman niyang puntahan ang bahay ng mga magulang ni Hen dahil nahihiya siya kay Tita Marietta at Tito Henry. Hindi na rin ganoon kalaki ang pera niya para umupa kahit ng maliit na kwarto. Nakuha pa niya ang perang 'yon sa mga gamit na ibinenta niya sa mga kalapit kwarto na karamihan ay gamit sa kusina at konting appliances.

"Last na… Please, Hen sagutin mo," usal niya. Pero wala pa rin. Parang nais na niyang maglupasay sa sahig ng lobby kung hindi lang siya magmumukhang tanga. Pero sa mga oras palang na 'yon ay mukha na siyang kawawa kaya wala ring ipinagkaiba.

Binitbit niya ang maleta at tuluyan ng umalis. Bahala na kung saan siya dalhin ng mga paa niya.

ILANG beses pang sinipat ni Olivia ang malaking gate ng Olga's Farm. Bagama't nagbago ang dating kahoy na gate ay sigurado siyang 'yon pa rin ang farm na kinalakihan niya.

Tinanggal na talaga ng mga Tiyahin niya ang palatandaan na dati 'yong sa Lolo niya. Ang wooden gate na dati ay punong-puno ng sunflower at roses ngayon ay plain ng tingnan dahil sa itim na steel gate.

Humugot muna siya ng malalim na hininga bago naglakas loob na ihakbang ang mga paa niya papasok sa malawak na lupain nila. Hindi niya napansin ang pangalan na nakapaskil sa bukana at tuloy-tuloy na naglakad.

Naghanap siya ng taong pwede niyang pagtanungan. Gusto niyang mag-usisa muna bago niya harapin ang mga kapatid ng ama. Because the last time she checked hindi naging maganda ang huli nilang pagkikita. Though it's been a few years still she resents them for everything that happened. Hindi sana siya babalik do'n if everything turns out well for her but it didn't.

"Senyorita Olivia, kayo na nga ho ba 'yan?" Napukaw ang atensyon niya nang marinig ang tanong na 'yon ng isang trabahante ng farm. Medyo may katandaan na ang lalaki dahil halatang-halata na ang mga puting buhok nito. Siguro ay nasa late 50's ito. Hindi niya matandaan kung sino ito pero mukhang inaasahan siya nito.

"A-ako nga ho. Nariyan ho ba sina Aunt Ursula at Aunt Carlota," tanong niya. Nagtataka siya kung bakit parang alam nito na pupunta siya roon pero hindi na siya nag-abalang magtanong.

"Sigurado ho akong pagod kayo sa biyahe kaya makabubuting magpahinga muna kayo. Dito po tayo," anito at inilahad sa kanya ang daan. Gusto niya sanang usisain pa ito pero na-appreciate rin naman niya ang kind gesture nito kaya sumunod na lang siya.

Dinala siya nito sa isang native house. It's not actually a native house because it has a modern touch in it. Pag-akyat sa hagdan na may tatlong baitang ay ang lalaki na ang nagbitbit ng maleta niya. Pinadaan niya ang mga daliri sa railings na nakukulayan ng maple red varnish. Ang ganda at ang sarap no'n sa mga mata pati na rin ang narra wood na sahig na kumikinang sa kinis.

Nang buksan ang pinto ay agad naagaw ang pansin niya ng bamboo canopy bed na nalalatagan ng puting mattress. Tila ba nag-aanyaya 'yon na higaan niya. Sa isang bahagi naman ay isang maliit na mesa na may dalawang silyang kahoy at sa tabi no'n ay ang sliding door na kumokonekta sa terrace. Sa tabi ng papag ay may maliit na kabinet na mukhang lagayan ng damit. Inilibot pa niya ang paningin at napansin niyang walang banyo roon.

"Manong, nasaan po ang banyo?" Baling niya sa kasama.

"Mukhang hindi niyo na 'ko natatandaan, Senyorita. Ako ho si Jerry na dating tagapamahala ng inyong Lolo sa sagingan," anito na nginitian siya. 

"O-oo nga po pala. Kayo nga po, Mang Jerry," pagsang-ayon niya kahit ang totoo ay hindi niya talaga ito kilala. Wala naman kasi siyang interes noon sa farm nila.

"Tungkol nga po pala sa banyo. Pwede niyo pong gamitin ang banyo roon sa maid's quarter sa dati niyong bahay. Naka-lock ho kasi ang main door at back door." Tumango-tango naman siya.

"Hindi na ho ba roon nakatira ang mga Tiya?" aniya.

"Hindi na ho. Sige ho at hindi na rin kita aabalahin para makapagpahinga ka. Hahatiran ko ho kayo ng hapunan mayamaya lang," paalam nito at tuluyan ng lumabas. Nang isara nito ang pintuan ay naglakad siya palapit sa kama habang inililibot pa rin ang tingin sa kabuuan ng silid.

Mukhang hindi lang ito ang bagong makikita niya. Tila napaunlad ng mga sakim niyang kamag-anak ang naiwan ng Lolo niya. Ang ipinagtataka lang niya ay kung bakit pinalago pa nila ito gayong dati ay nais na nila itong ibenta? Nagbago ba ang ihip ng hangin?

Kung gano'n ay mapapadali lang ang pagkuha niya sa mana niya dahil kapag hindi pumayag ang mga ito ay maaari siyang dumiretso sa family lawyer nila.

Tumayo si Olivia at nagtungo sa terrace. Inilibot niya ang tingin sa paligid. Inarok niya ang kayang abutin ng kanyang tingin. Napakalawak talaga ng lupain ng abuelo. Sobra-sobra pa 'yon sa kanilang tatlo ng Aunt Carlota at Aunt Ursula niya. Kung alam lang niya na ganito na kaunlad ang farm 'di sana ay noon pa siya nakinig kay Henrietta na bumalik rito.

Napukaw sa pag-iisip ang dalaga nang makarinig siya ng kaluskos mula sa gilid na bahagi ng native house. Agad siyang nagpunta roon para mag-usisa. Pero wala siyang nakitang tao. Napapaligiran pala ang bahay na ito ng golden duranta. 'Yong halaman na pwedeng gawin sa kung anong nais mong korte. Pero dati ay sinisira niya lang 'yon.

Nagpakawala siya ng malalim na hininga. Biglang pumasok sa isip niya ang dating nobyo. Ang taong nadamay ng piliin niyang talikuran ang sakim na pamilya. She suddenly thought how he's doing? Nasaan na kaya ito? May asawa na kaya siya? Kung meron man ay hindi na siya magtataka. Siguro ay nagalit ito sa pag-alis niya ng walang paalam. Hindi niya ito masisisi. Nadala siya ng kamangmangan. She thought she could live on her own.

Bumuntong hininga siya at nagdesisyon ng pumasok sa loob. Hindi niya napansin ang pag-alis ng bulto sa gilid ng silid na kinaroroonan niya.

Everything I OwnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon