Desperate to get the part of her father's inheritance, Olivia insist to stay in their old house. Nais niyang makausap ang nakabili ng lupain nila at makipag-negosasyon rito para ibenta sa kanya pabalik ang kahit kapiraso sa lupa nila.
Mataas ang kumpiyansa niya na mapapapayag niya ang kung sino man na nagmamay-ari no'n dahil sa angkin niyang ganda at karisma. Pero agad na nawala ang kumpiyansa niya nang mapagsino ang nakabili no'n. Walang iba kundi si Elliot Rivero, ang dating nobyo na nadamay nang piliin niyang tumalikod sa pamilya at lisanin ang lugar nila.
May tuwa na pumaloob sa dibdib niya nang makita ito pero tila kabaligtaran niyon ang reaksyon nito. May nabanaag siyang poot at hinanakit sa mga mata nito na hindi niya alam kung anong dahilan.
Ang pag-aakala niyang mabilis na usapan ay magiging simula pala ng mga pahirap na dadanasin niya mula rito. Pero wala siyang makapang inis sa lahat ng ginagawa nito bagkus ay tila ba nae-enjoy pa niya ang company nito. Tila ba nawala na rin sa isip niya ang tungkol sa lupa at tanging atensyon na lang nito ang mahalaga sa kanya.
Saan hahantong ang pagkahibang niyang 'yon? Ipagpapatuloy pa ba niya ang lahat sa kabila ng kaalaman na kasal na ito?