CHAPTER 1

16 1 0
                                    


"TAMA NA PO!!" Sigaw ko sa aking ama na kasalukuyang galit na galit sa hindi ko malamang dahilan. Ilang beses na ba ito? bakit palagi nalang ganito? Kailan ba matatapos to?

Paulit -ulit nalang na ganito ang nangyayari. Na tuwing uuwi ako ay sasaktan at pagsasalitaan ng hindi maganda. Ano ba ang ginawa ko?

Nung tumigil na sya sa paghampas sa akin ay dali dali akong tumakbo paitaas at pumasok sa aking silid at doon ay nag-iiyak.Hanggang sa datnan ako ng antok. Ganito naman palagi na sa tuwing iiyak ako ay makakatulog na para bang sinasabi ng aking yakap yakap na unan na hayaan ko lamang at iiyak ko lang sapagkat mawawala din ang sakit na para bang hinihila ako ng antok upang makalimot.

Makalipas ang ilang oras ay may kumatok sa aking silid.

"Rian, anak kumain na at handa na ang hapunan" Boses yun ng aking ina .

"Opo, Bababa na po ako" sagot ko sa aking ina. Tumayo na ako at pagkatapos ay lumabas na at bumaba nakita ko ang aking ama at ang aking kapatid na si mari na masayang nag-uusap. Nung makita ko sila ay napatanong ako sa aking sarili. Ano ba ang pinagkaiba naming dalawa at hindi nila ako kayang tignan ng katulad ng pagtingin nila sa kanya?
Hindi ko namalayan na nakitingin na pala ako ng matagal sa kanila at kung hindi pa ako tatawagin ay Hindi pa ako aalis sa pwesto ko.

"Ano pa ang ginagawa mo dyan? " Tanong sa akin ng aking ama.

"Wala po pa"

"Para kang siraulo na tumutulala sa kung saan."Pagalit nitong sabi sa akin.

"Kumusta ang skwela?"Tanong ng aking ina sakin habang nag hahangda ng mga pagkakainan.

"Maayos naman po ma " Tugon ko

"Mabuti kung ganon "

" Mari, Anak nabalitaan ko na sasali ka daw sa competition sa inyo totoo ba yun?" Sabi ni papa habang nakaupo sa kanyang upuan sa gitnang dulong bahagi ng mesa.

"Opo pa, Quiz bee lang naman po yun atsaka math competition."Tugon ni Mari habang nakatingin sa akin

" Buti kung ganon kailangan ba kaming pumunta? Kailan ba yan?"

"Sa susunod na linggo po pa"
sagot  ni Mari kay papa habang nakatingin parin sa akin.

"Kung ganon ay pupunta kami ng mama mo. Gusto kong makita ang matalino kong anak sa entablado." Sabi ni papa kay Mari habang patawa tawa.

"Pero Pa kasi-" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang magsalita si Mama

"Basta anak kahit matalo ka ipagdidiwang pa din natin ang pagsali mo."

"Paniguradong mananalo ka anak kasi matalino ka. HAHAHA ilalampaso mo lang ang mga kalaban mo na yun. Sakin ka ata nagmana no. " Sabi ni papa na tuwang tuwa

"Wag mo ipressure si Mari, Manalo man o matalo proud pa rin tayo sa kanya "Sabi ni mama na ngayon ay nakangiti na rin habang kumakain.

"Hindi ko naman sya pinepressure dahil alam ko na matalino ang anak ko hindi katulad nitong panganay mo na kalandian lang ang alam." Pasiring na sabi nito sa akin.

"Wag ka naman magsalita ng ganyan nag aaral naman sya na mabuti magkaiba sila ni Mari kaya wag mong ikumpara." Pagalit na sabi ni mama kay papa

"Totoo naman eh Naririnig ko sa mga tao sa labas na kung sino sino lang ang mga kasama-"

"Bakit nakita mo ba? Hindi naman diba? Palagi ka nalang nakikinig sa mga tao sa labas tungkol sa anak mo. Ni hindi mo nga natanong sa mismong anak mo kung totoo ba yun" Pagalit na sabi ni Mama at hinampas ang lamesa na hindi naman na nakakagulat dahil palagi naman itong nangyayari.

WHYWhere stories live. Discover now