"Ikaw na naman?" Nagpupumiglas pa din ako sa hawak nya."Ano ba bitawan mo nga ako"
'Hindi ka na dapat nagpunta pa dito alam mo ba yun?" Pagalit na sabi nito sa akin.
"Ano ba ang paki mo?"
"Wag ka na makulit at wag ka na bumalik dito naiintindihan mo?"
"Aba't siraulo ka ba?"
"Hindi mo ba naiintindihan? Hindi mo sila makakausap sa ngayon at masasaktan ka lang ulit kaya itigil mo na"
"Gusto ko lang naman sila makita ano ba ang problema dun?Mangiyak ngiyak na sabi ko
"Ang problema is masasaktan ka na naman at iisipin mong wala ng halaga ang buhay mo"
"Alam ko naman na yun"
"Alam mo na pala bat tumuloy ka pa?"
"Kasi gusto ko na kahit sa huling pagkakataon ay makita ko sila"Malungkot na saad ko.Pakiramdam ko kahit papaano ay gumagaan na naman ang pakiramdam ko. Bakit ganun parang magaan sa pakiramdam na kausap ang gwapong loko na to.
"Bakit?Saan ka ba pupunta? Don't tell me magpapakamatay ka na naman?"Pasiring na sabi nito.
"Hindi.Lalayo na ako,Ayoko na nahihirapan ako pati ang nasa palifid ko dahil sakin.Naisip ko mas okay kung magsimula ako at hindi ko na muna itutuloy ang pag aaral ko siguro sa susunod nalang."
"Ganun ba?"
"Oo ganun nga"
"May alam ako na pwede mo pag stayan at pwede mo pagtrabahuhan"
"Talaga?Saan naman?"
"Sa Company ng friend ko"
"Pero wala ako pera sa ngayon kaya wala pa ako matutuluyan."
"Wag mo intindihin ako na bahala dun basta wag mo lang ulit isipin na saktan ang sarili mo."
"Saan naman?"
"Sa bahay ko. Di ako umuuwi dun dahil may kwarto ako dito sa hospital minsan lang kasi kumukuha ako ng gamit.You can stay there hanggang sa maka luwag luwag ka."
"Bakit ang bait mo sakin? "
"Bawal ba?"Tanong naman nito sa medyo pagalit na tono.
"Hindi naman, kaya lang is ang weird dahil kakakilala palang natin halos at isa ka pang tresspasser nung una tayong nagkita."
"Ewan ko sayo"Tumayo na ito at may inabot sakin na papel kung saa nya kinuha ay di ko alam.
"Nandyan ang address at phone number ko,Yung sa friend ko naman is papatawagin ko nalang sya sayo."
"Alam mo number ko?"Suspicious naman nun.
"Hindi."
"Kung ganun paano mo ako papatawagan sa friend mo?Nagtataka pa din kasi ako.
"Malamang pag tinawagan mo na ako ibibigay ko yung number ng tumawag sakin.Tss"Sabi nito sabay alis.Bastos ang gago.
Umuwi ako at nag empake habang wala pa sila mama.Pagkatapos ay umalis sa bahay kahit na medyo naluluha pa din ako.
Pag punta ko sa lugar ay sinalubong ako ng katulong sabi nya sinabiban na daw sya ni Theo na darating ako.Nilagay ko na ang gamit ko sa isang kwarto kasi yung isa daw ay kay Theo talaga.Kumbaga guest room yung tutuluyan ko.
Inayos ko ang mga gamit ko at magpahinga ng konti,Pagkalabas ko wala na si manang nakauwi na siguro.
Naghanda ako ng pwede kainin at tinext si Theo na salamat sa pagpapatuloy kaso ilang oras na di pa din sya nagrereply kaya natulog nalang ako ulit.
Nagising ako sa ingay mg phone ko tinignan ko si Theo pala yung tumatawag kaya sinagot ko na.
"Hello"
"(Hey)"Aba gago
"Ano kailangan mo?"
"(Wow ang taray mo ah)"
"Sorry Anong oras palang kasi tumatawag ka na eh halos di pa nga ako nakakatulog"
"(Buti ka nga nakaidlip pa ako nga hindi pa eh)"
"Bakit ano ba ginawa mo?"
"(Wag ka na magtanong,Gusto ko na magluto ka kaya ako tumawag)"
"Huh? Bakit naman?"
"(Kasi nagugutom na ako at pauwi na din kaya magluto ka na)"
Aba gago to ah akala mo naguutos sa yaya.Tsaka sabi nya di sya umuuwi bakit ngayon uuwi ang hayop na to?Ay nakikitira nga lang pala ako dito HAHAHA.