"SINO KA?" tanong ko sa lalaking may hawak sa kamay ko na may kutsilyo.Naka hood ito laya hindi ko makita ang mukha nito pero sigurado akong hindi ko to kilala.
"PAANO KA NAKAPASOK SA BAHAY NAMIN? ANO ANG GINAGAWA MO DITO? AHHHHHHHHHHHHHHH-"
"Wag ka nga maingay dyan hindi naman kita sasaktan eh." Sabi nito sakin at pinakita ang mukha nito.
Alam ko na sa oras na ito ay dapat matakot ako kasi paano nakapasok ang lalaking to dito? pero nakatingin lang ako sa mukha nito at sa hindi malamang dahilan ay naluha ako."Nakita ko yung nangyari sa hospital kanina kaya sinundan kita kasi baka gawin mo to at tama nga ako, gagawin mo nga."Sabi nito sabay kinuha sakin yung kutsilyo at hinagis yun palabas ng kwarto.
"Don't worry I won't hurt you. I just want to help people like you" He said
"Like me?"
"Yes! people like you that has different type of sadness in eyes."
"Anong ibig mong sabihin?"
"Ang sabi ko ay yung mga katulad mong tao na nakikitaan ko ng sobrang kalungkutan-"
"Sa mga mata. Oo naintindihan ko yun."pagpapatuloy ko sa sasabihin nito. Eh kasi tinagalog lang naman nya di naman nya sinagot yung tanong na anong klaseng lungkot ba yun?
"eh bakit mo pa tinatanong?"Sabi nito at naupo sa drawer kung saan ko hinagis si Mari.Naalala ko ulit ang nangyari kanina na pansamantalang nawala sa utak ko at hindi na naman nakapag salita.
"Nagtatrabaho ako sa hospital kung nasaan ang kapatid mo."
"I am Theodore but call me Theo I don't wanna be called Theodore it sounds old that why just call me Theo.I am a specialist in mental and physical health of people."
" Psychiatrist ka?"Patanong ko dito ng matauhan ako
"Obvious ba? kasasabi ko lang diba"
Sagot naman nito sabay tumaray. Doctor ba talaga to?"Hindi ko kailangan ng tulong dahil hindi naman ako baliw."Malungkot lang. Gusto ko sana idagdag kaso naisip na wag nalang.
"Alam kong hindi ka baliw at wala akong sinabi na baliw ka"Aba at talaga antaray ng gwapong doctor na to na sumagot ah.
"Wala akong pakialam sa sasabihin mo kaya umalis ka na bago pa ako tumawag ng pulis."
"Aalis din naman ako"sabi nito at nagpunta na ng pinto.
"Maraming tao ang gusto na mabuhay, kaya wag mo sayangin ang sayo dahil lang sa malungkot ka."Tama ba yun? Dapat ba na sabihin ng doctor yun sa taong gustong magpakamatay? Hindi ba dapat-
"Hindi ko minamaliit ang pinagdadaanan mo dahil sa sinabi ko na malungkot ka lang."Narinig ko na sabi nito bago umalis. Pakiramdam ko binasa nito ang nasa utak ko kaya ito nagsalita ng ganun.
Pagkalabas nito ay tinignan ko ang pintuan na nilabasan nito at nahiga.
Nagising ako sa marinig na kalabog mula sa labas ng aking kwarto kaya naman tumayo ako at nagpunta sa pinto at lumabas.
Nakita ko si Mama sa harap ng pinto ko habang may hawak na bag.
Tumingin si Mama sakin at nag iwas din agaw. Naalala ko ulit yung nangyari kagabi samin ni Mari at ang lalaking doctor na iyon.Gusto ko sana na kausapin si Mama tungkol kay Mari pero nung tinignan ako ni maMa ay nanlumo na agad ako at naalala yung sinabi nya sa hospital kagabi pakiramdam ko ay ayaw nyang marinig ang boses ko o kaya ay ang makita man lang ako. Yumuko ako at papasok na sana sa kwarto ulit nang magsalita si Mama
"Kumain ka na at pumasok. Wag ka munang magpakita sa papa hanggat maaari."Sabi nito sabay alis
Gusto ko itong habulin at yakapin Humingi ng tawad sa nagawa ko pero ang malamig na boses nito ang pumipigil sakin.
Lumong lumo ako na pumasok sa kwarto.
Bakit ganoon? Ilang beses na akong nasaktan ni papa pero hindi ko naman naisip na wakasan ang buhay ko noon? Bakit nung si mama na ang nagsalita gamit ang malamig na boses na yun pakiramdam ko gumuho na ang matibay na ako?Bakit kailangan sakin mangyari to?Hindi ko alam pero nakita ko nalang ang sarili ko sa harap ng pinto kung nasan nag kakwarto si Mira. Nung bumukas ang pinto ay nagulat ako dahil may humila sakin. Hinila ako nito hanggang sa makarating kami sa elevator.
"Teka bitawan mo ako"Sabay piglas ko pa din.
"IKAW NA NAMAN?"