1: The Heroine

9 0 0
                                    

"Nova, halika nga dito anak."

Tinawag ni Ms. Agoncillo si Nova pagpasok palang ng classroom nila.

Ms. Agoncillo is the Head of the Literature Department and subject teacher ni Nova sa Creative Writing.

Napakunot-noo si Nova. Ano kaya kailangan ni ma'am? Napalunok sya sa kaba pero tumayo sya at lumapit sa teacher's table na nasa gitnang harapan ng kanilang room.

"Yes ma'am? Ano po yun?"

"Anak, may upcoming event tayo and kailangan may mag opening speech sa event. Nagusap-usap kaming mga co-teachers and we decided na ikaw ang piliin namin."

Nung narinig ni Nova ang sinambit ni Ms. Agoncillo ay hindi na sya nagulat. Lagi kasi syang pinipili pag may mga speeches, testimonies sa school. Sya nga din yung nagvaledictory speech nung grumaduate sya last year nung Grade 10. Naging host din sya sa isang school event. Hindi maikakailang active student talaga si Nova.

Pero kahit ilang beses nya na itong ginagawa, lagi pa rin sya dinadalaw ng kaba. Ewan ba nya at bakit 'di pa rin siya masanay-sanay lalo na't isa siyang HUMSS student ngayon. Unti-unting namawis ang mga kamay nya at pinagtiklop niya ito nang magkasama para mabawasan ang kanyang kaba.

"Hala, talaga po ma'am? Tungkol saan po yung opening speech ko if ever?"

"Dahil about Mental Health ang upcoming event natin, ganun din yung speech mo. Include mo yung importance and short infos ng pagiging aware in one's health mentally."

Napangiti si Nova nung nalaman nyang about Mental Health ang event. The reason why pinili niya ang HUMSS strand is because she dreams of becoming a psychologist. She is so fascinated with the complexities of the human brain and it excites her whenever it is being talked about. May mga iba pang rason pero sa susunod na lamang natin malalaman.

"Alam ko yang ngiti na yan! Kaya ikaw pinili ko eh. Basta I will send the full guidelines later, naiwan ko kasi yung hardcopy sa faculty room."

"It's alright po, ma'am. I will wait po. Thank you po, talaga!"

"No worries."

Nova and Ms. Agoncillo exchanged smiles after their conversation. Habang pabalik sa upuan si Nova, napaisip sya. May another opportunity na naman. She's wondering if deserve nya ba talaga lahat ng nangyayari sa buhay nya.

Nova thought she was not that smart kahit ilang medals and certificates na ang natatanggap nya taun-taon.

"Uy sis! Ano sinabi sayo ni ma'am? Talagang tinawag ka pa ah."

Curious na tanong ni Elliot or Elly for short, gay classmate ni Nova. Active and matalinong student din sya. Napakadaldal nga lang base kay Nova. Hindi ata napapagod magsalita 'to, ika ng isip.

Kinwento nya ang whole details kay Elly.

"OMGGG! Congrats sis! Grabe kotang-kota ka na ha. But I know you really deserved it! Ikaw pa ba, eh lagi kang nasa top!"

Tinaas pa nya kamay nya para maprove na nasa top nga si Nova.

Napameywang sya sa harap ni Elly.

"Hay nako sis! Alam mo tulungan mo nalang ako mamaya. You know me, makalat ako mag-isip. Ikaw mag-organize."

Sabay silang napatawa sa nasabi ni Nova. Ang dudumi talaga nila mag-isip.

Maya-maya nagsimula na ang klase. Isa sa favorite subjects ni Nova ang Creative Writing. Gusto nyang nachachallenge sya at kasama na ang pagsusulat doon.

For her, she thought madali naman yung mga topics na inaaral ngayon. Parang review lang kasi ito from the previous years.

Diniscuss nila ngayon ang Figure of Speech. Yung may simile, metaphor, personification, etc.?

Inner-Searching: The Lost PuzzleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon