"Ewan ko sayo sis! Uminom ka na nga lang jan."
Tinawanan lang sya ulit ni Marj at bumalik sa pag-inom ng kanyang milktea.
May lumapit na crew sa amin na may hawak-hawak na digital camera.
"Hello po! Puwede po bang kuhanan kayo ng picture at i-post sa Facebook page namin for documentation?"
Nagtinginan ang magkakaklase at lahat naman ay ayos lang dito.
"Sure!"
Pinagcompress sila nung crew at nakatatlong takes sila sa picture. Iniisip lang ni Nova ay sana hindi sya mukhang haggard dito at mukhang tao pa. Pagkatapos silang picturan, nagbow pa ang crew at nagpasalamat in Japanese. Sinabihan din sila na antabayanan ang page nila para makita ang pictures ng magkakaibigan.
Iinom na rin sana ulit si Nova ngunit napatulala sya sa taong pumasok sa milktea shop.
Nanigas sya sa kinauupuan nya.
Parang tumigil sa pagtibok ang puso ni Nova sa nakita. Nanginginig ang mga kamay nya na parang nakakaramdam sya ng galit. Kakainom palang niya ng milktea ngunit bilang nanuyo ang kanyang lalamunan.
Binati ng mga crew ang taong kakapasok pa lamang. Maaaring sya ang nagmamay-ari ng milktea shop na ito. Andaming tanong na pumapasok sa isip ni Nova pero mas lamang ang desisyon na makalayas na sa tinatambayan nilang milktea shop.
Napansin na rin nina Renz and Marj ang pag-iba ng galaw ng kanilang kaibigan. Nagtataka ang mga ito habang si Nova naman ay naestatwa na ang paningin sa taong 'di niya inakalang makikita nya pa.
Bakit siya nandito? Paulit-ulit na tinatanong sa isip nya.
"Uy sis, ayos ka lang ba? Ano nangyayari sayo at parang 'di ka mapakali?"
Hindi na napigilan ni Marj na tanungin si Nova. Biglang nagulat ito at bumalik ang paningin sa dalawang nagtatakang kaibigan na nakaupo lang sa harapan nya.
"A-ano...wala lang! Mainit din kasi dito. Hehehe.."
Pinaypayan nya ang sarili gamit ang kamay na parang naiinitan talaga sya.
"Anong mainit? Kita mong naka-aircon tayo dito. Tsaka sino ba yung tinitignan mo sa may pinto? Kanina ka pa nakatingin doon eh."
Tatalikod na sana si Renz para tingnan ang kanina pa tinitignan ng kaibigan ngunit bigla nalang tumayo si Nova at sinuot na ang kanyang bag.
"Uh-uhm guys, mauuna na pala ako sainyo. May pinapabili palang grocery si Mama. Sorry talaga, babawi ako next time."
"Ha?! Akala ko ba wala ka nang gagawin o pupuntahan?"
Kunot-noong tanong ni Marj. Humigpit ang kapit ni Nova sa kanyang damit.
"Ah, nakalimutan ko kasi kanina. Alam niyo naman ako minsan ganito talaga. Sige na guys, gora na me. Sorry talaga."
"Sure ka? Samahan ka na namin."
tanong ni Renz.Umiling si Nova.
"Naku huwag na, may dadaanan pa ko pagkatapos bumili sa palengke. Alis na ko, bye!"
Hindi na nakasagot ang dalawa nyang magkaibigan dahil madaling-madali sya makalabas ng shop.
Nang makalabas, sumilip pa sya sa may shop para tignan kung yung taong nasa isip nya talaga ang nakita nya.
Umigting ang panga ni Nova nang nakangiti ito sa mga staff na parang wala itong konsensyang bumabagabag sa kanya.
Unti-unting bumalik ang mga alaalang nagpapaalab ng galit ng nararamdaman nya ngayon.
BINABASA MO ANG
Inner-Searching: The Lost Puzzle
Chick-LitNova Grazie Ferrer is the breadwinner of their family. Ever since, all she just did is to drown herself in school works, missing some fun moments she should have had as a child. No one forces her to be a studyholic, she just loves to study, Nova bel...