^ prologue ^

4 0 0
                                    

"Nova, please makinig ka naman sa 'kin!"

Tumatakbo nang matulin si Nova para lang makalayo sa taong pinanggalingan ng sigaw na yun. Nanininikip ang dibdib nya sa sakit at pagod sa nangyayari sa kanya ngayon. Basang-basa na mga mata nya sa mga luhang ayaw tumigil sa pagpatak.

Takbo lang nang takbo si Nova sa kung saan, ang mahalaga makalayo sya. Pumasok sya sa CR dahil pinagtitinginan na sya ng ibang mga estudyante at ayaw nya namang kumalat sa buong school na problemado sya. Ayaw na ayaw ni Nova na nakikitang mahina sya ng ibang tao dahil baka gamitin ng iba ito para kutyain sya.

Walang ibang tao sa CR kung kaya't ni-lock nya ito at pumasok sa dulong cubicle para ilabas ang mabigat na emosyong kanina pa nya nais ilabas.

Bumuhos na naman ang mga luha mula sa mata ni Nova habang inaalala ang kanyang pinagdaraanan nya ngayon. Pinipigilan niyang humikbi dahil baka may makarinig sa kanya sa labas kahit nakalock pa ang pinto ng CR.

Magang-maga na ang mata ni Nova at gulo-gulo na ang damit mula sa pagtakbo kanina lamang. Napasabunot siya sa buhok dahil sa inis at gigil na nararamdaman nya ngayon.

"Ano bang ginawa ko para maranasan lahat nang 'to?" bulong niya sa sarili habang nanginginig ang mga kamay dulot ng kanyang emosyon.

Nag-iisip si Nova kung bakit sya naghihirap ngayon kahit ginawa naman nya na ang lahat para makamtan nya ang kung anong meron sya ngayon.

Siguro kasi binuksan mo na naman puso mo, ani ng utak nya. Nakumbinsi sya sa sariling rason pero mas lalo lang sya umiyak dahil sinisisi ang sarili sa nangyari kahit 'di naman sya nagkamali.

Napatulala na lamang si Nova sa kisame habang nag-iisip kung may sasagip pa ba sa madilim nyang mundo.

Inner-Searching: The Lost PuzzleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon