The beginningPalakad lakad at pabalik balik ang ginagawa ni Rolando sa labas ng Operating Room ng ospital.
Hindi mapakali na iki no close open ang kanyang mga kamay at minsan ay inilalapat ang isang kamay na nakasara sa kanyang labi at umuusal ng " Please lord help my daughter. Save her please! " ng paulit ulit.Halos isang oras din siya na ganoon at naghihintay na magbukas ang operating room. Ilang beses din na tumawag ang kanyang asawa pero hindi niya magawang sagutin ang tawag nito dahil hindi nya alam ang sasabihin sa ina ng kanyang bunsong anak.
Na kung hindi siya lumabas ng sasakyan kanina para bumili ng mineral water sa isang convenient store ay baka siya rin ay nasa loob ng emergency room o baka mas malala pa nga.
Ihahatid kase niya si Lynette sa presinto kung saan ang departamento ng bunso nilang anak.
Naglambing ito sa kanya na magpahatid dahil tinatamad raw itong mag drive. Dahil sira ang sasakyan ni Rolando ay ang kotse ni Lynette ang ginamit nila.Nasa loob siya ng convenience store ng ratratin ng bala ang kotse na gamit nila nang apat na lalaki na naka motor at nasa loob ng kotse ang kanyang anak. Dahil dati ring pulis ay palaging may bitbit na baril si Rolando sa kanyang tagiliran. Pinaputukan niya ang isa sa apat na lalaki na tinamaan niya sa balikat. Pero mabilis na nakatakas ang mga salarin sa pag ambush sa kanyang anak. Mabilis siyang lumapit sa kotse at pagbukas niya ay nakita niyang duguan si Lynette dahil malapit naman ang ospital sa pinangyarihan ay nadala pa ang anak niya sa Operating room dahil malala ang tama nito sa ibang parte ng katawan.
Pagbukas ng pintuan ay sinalubong niya agad ang doctor na kakalabas lang ng operating room.
" Doc, kumusta po ang anak ko, si Lynette doc kumusta siya!? " nanginginig na tanong niya." Sir, im sorry! ginawa po namin ang lahat ng makakaya namin para sa anak ninyo pero hindi na nakayanan pa ng katawan nya. Maraming dugo ang nawala sa kanya. Marami rin siyang naging tama sa katawan. " ani ng doctor na kumausap sa ama ni SPO2 Lynette Suarez.
" L-lynette, anak ko! " tanging nasambit ng ama ni Lynette na napasandal sa pader at hindi na napigilan ang pagpatak ng luha para sa anak na namayapa. Tahimik na umiyak si Rolando na panay ang suntok sa pader. Napasandal ng upo ng mapagod si Mr. Suarez at pilit na ikinakalma ang sarili sa pagkamatay ng kanyang bunso.
Si Rolando Suarez ay isa ring pulis noon tulad ng kanyang anak na si Lynette. Maaga lang nakapag retired dahil sa kahilingan ng asawa.
Nagpulis si Lynette na anak niya dahil bata pa lamang ang anak nya ay lagi nitong sinasabi na idol sya nito kaya paglaki raw nito ay magpupulis din na hindi naman niya tinutulan kahit na hindi pabor ang asawa nya sa pagpupulis ng anak nilang bunsong babae.
Ang panganay naman nilang anak na lalaki ay isa namang sundalo na nakadestino sa Mindanao. Nasa dugo nila ang pagiging matapang kaya nalinya ang pamilya Suarez sa pagpupulis at pagsusundalo.
Alam ni Mr. Suarez na sa propesyon nila bilang isang pulis ay ang isang paa ay nasa hukay na. Swertehan na lang para sa kanila ang tumanda at makapag retired ng hindi nabawian ng buhay dahil sa trabaho nila.
At isa si Lynette sa mga hindi pinalad.
Ngayon ang iniisip niya ay paano nya sasabihin sa asawa na wala na ang bunsong anak nila at paano tatanggapin nito ang pagkamatay ni Lynette.Napasabak si Lynette sa isang misyon nung nakaraan at dahil sa misyon na yon ay nagkaroon ng death treat ang anak nya na binalewala lang ni Lynette.
Palagi nyang pinag iingat si Lynette dahil sa hindi biro ang kanilang propesyon.
Pero idinadaan lang ng anak nila sa biro ang pagpapaalala niya." Mr. Suarez, pwede ko po ba kayong makausap sa opisina ko? " ani ng doctor na lumapit sa kanya na kakalabas lang din ng operating room. Na isa rin sa nag assist sa anak nya sa loob ng OR.

BINABASA MO ANG
LOVING THE SIGHTLESS GIRL
Historia CortaLOVING THE SIGHTLESS GIRL. Blurb Dahil sa aksidente ay nawalan ng paningin si Sofia Alcantara. Hindi matanggap ng nobyo nito ang nangyare sa kanya kaya hiniwalayan siya at dahil doon ay nawalan na siya ng ganang mabuhay pa at ayaw ng magpa opera pa...