"Pucha!"
Pagkababa ng jeep ay kumaripas na agad ako ng takbo. Eh paano late na naman ako sa klase, nakita ko pa kamong sinasara ni Manong Guard yung gate ng campus.
"Kuyaaaaaaaa!"
Parang nag slow-mo ang moment dahil ayoko talagang pagsarahan na naman ng pinto. Ay sus, kahit naman pumasok ako rito, ang diretso ko naman sa guidance. Edi late pa rin naman ako sa subjects ko.
"Kuya Ta? Kuya Ta! Pagbuksan niyo ako ng gate!!! Kuya! Kuya! Ayoko malate! Pagbuksan niyo ito! Jusko Lord! Late na naman ako kuya, please last na ito!" Pagkakalampag ko sa gate ng school.
"Hoy, Reyes. Pang ilan na yan. Buong taon kang late! Gagawa ka pa ng skandalo rito!" Napatigil ako af umastang magagalit kay Kuya.
"Excuse me kuya, hindi ito skandalo kung pagbubuksan mo ako ng gate!"
Kinalampag ko uli ang pinto. "Aysus! Oo na ito na!" Tumigil ako sa pagaalog ng gate at pinagbuksan na ako ni Kuya Tata ng gate.
Nanahimik ng iilang sandali kaya't nginitian ko si Kuya. "Hehe." At siyaka na tumakbo ng mabilis sa makakakaya ko. Lord kung nakikita Mo man ako, deserve ko pa naman Lord maging doktor diba?
Hirap naman kasi maging working student, tapos nagbabanda pa ako bilang side hustle para makatulong kila Nanay. Nalalate lang naman ako kasi kaninang alas kwatro ng umaga yung uwi ko sa shift. Tapos natulog lang ako saglit, ala siyete na? Ayan late pa tuloy.
"Bwisit. Sana hindi na ako paghingian ng excuse permit, kay Prof. Zach."
Bulong ko sa sarili, feeling ko pagod na rin silang pagbigyan ako overtime. Hays. Sorry na. Ako lang talaga tong maasahan sa pamilya.
Umakyat na ako papunta sa room ko. Hingal na hingal na ako ng makalakad sa hallway dahil hindi ko mapigilang magmadali at hindi mahrelax.
"Sir!"
Napatigil ang buong klase at lahat sila napatingin sa akin. Pati na rin yung mga tropa kong nasa gilid na tinatawanan ako. Walanghiya sarap hambalusin nitong mga 'to. Hay, hindi ko na rin napigilang ngumiti nalang at dumiretso na sa upuan ko. Alam kong kumukulo na dugo ni Sir sa akin buong taon kaya speechless nalang ako.
"Sorry po for being late."
Hindi ko na inantay na magreply si sir. Kumpleto kaming magkakablockmate ngayon kaya nang makita ko dalawang upuan na bakante sa may malapit sa aircon, inupuan ko na 'yon.
"Wala namang bago sayo Reyes. Late ka pa rin." Tugon ni sir at inayos ko ang sarili ko.
"Oh ayan na ang permanent seat mo. Katabi mo si Mr. Tiangco." Napalingon naman ako sa gilid nang makita kong wala siya rito.
"Salamat sir." Binaba ko na ang bag ko at iPad para makapahabol sa klase. Buti nalang talaga tinapat ako sa aircon kung hindi lusaw na lusaw na ako sa pawis.
"So in this case, class. As you can see..."
Nakinig nalang ako kay sir like a good student. Nang may marinig akong sumisitsit sa likuran ko. Napatingin naman ako sa kawalan. Wag ngayon, Isla. Wag ngayon.
"Huy!"
Bulong nito. Hindi ko na ito pinansin at patuloy lang ako sa pagsusulat at pakikinig. Isa mo pang sitsit at baka mahampas ko tong iPad sa'yo.
"Ano ba? Dinedemonyo mo na naman ako."
Tugon ko nang lumingon ako sa likod. Nakita ko namang natawa si Isla sa liko ko, tropa ko simula elementary. Ewan ko ba, nagsasawa na ako sa mukha niya kaya nga ako nag-FEU tapos sumunod naman. Biro lang, plano talaga naming mag FEU simula dati pa kasi ayon talaga gusto naming college.
BINABASA MO ANG
Sunsets Towards You. 🌷
Roman d'amourSolliana thinks that being a working student must be a special kind of bad luck though as she happened to meet the embodiment of a troublesome and mischievous classmate of hers, Francisco, the university's menace. They got closer to seeing the epony...