THREAD 19

20 4 0
                                    

“Anong silbi ng salitang kaibigan kung ikaw hindi yun pinapahalagahan? Lou! Kaibigan mo ko. May paki-elam man ako sa buhay mo o wala, makiki-elam ako kasi kaibigan kita. At ang isang nagmamahal sa kaibigan nya hindi hahayaang magmukang tang4 ang BESTFRIEND nya na naghahabol sa isang taong kailanman iniwan at pinabayaan na sya.” Napakasarado na talaga nang isipan nya. Hindi ko na makita kung si Lou ba talaga to..

“Hindi ako iniwan at pinabayaan ni Lorvin! Minahal nya ako!”

“Ano ba, Lou? Hindi mo ba talaga naiintindihan na niloloko ka lang nga nya?”

Napakasarado na nang isipan ni Lou. Ang hirap palang ipaintindi ang gusto mong iparating sa isang tao kapag sarado na ang isip nya.

Tuluyan na syang nilamon nang pagmamahal nya sa babaerong yun. Ako tong nasasaktan sa kanya!

“Niloloko na kung niloloko, pero hindi pa rin mawawala ang pagmamahal ko sa kanya!”

“Bvlag ka na sa pagmamahal mo, Lou! Graduate ka pa naman sa magna cum laude pero nagpakat4nga ka lang sa iisang lalaki?”

“Wala na akong pakielam sa mga sasabihin mo, Elle. Mahal ko si Lorvin at mahal nya rin ako! Kahit ilang beses nya kong lokohin, tatanggapin at tatanggapin ko pa rin sya.”

BESTFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon