LOU's POINT OF VIEW
Nami-miss ko na si Elle. Pinagsisisihan ko talaga na mas pinili ko si Lorvin kesa sa kanya na kaibigan kong nagmamalasakit lang naman sa akin.
Nalulungkot ako, nasasaktan, nagsisisi, masaya. Basta halo-halo ang mga emosyong nararamdaman ko.
Nalulungkot ako dahil mag-isa nalang ako, walang karamay, walang dumadamay. Nasasaktan ako dahil nasaktan ko yung damdamin ng dati kong kaibigan. Nagsisisi ako kasi hindi ko sya pinakinggan noon at masaya dahil alam kong masaya na sya sa bago nyang mga kaibigan.
Kasalukuyan akong naglalakad dito sa gilid ng kalsada, nang may mapansin akong isang babaeng may kasamang lalaki. Nakayakap yung babae sa lalaki at ganun din ang ginawa ng lalaki sa kanya.
Nang humarap sa lalaki yung babae, doon ko napagtantong....si Elle yun. Ang ganda nya na ngayon, ang puti, mukang bata. At may boyfriend na sya ngayon at mukang ikakasal na sila kasi may singsing si Elle.
BINABASA MO ANG
BESTFRIEND
Short StoryCOMPLETE | A THREAD STORY ______________ "Lou! Ilang beses ko bang dapat na ipaintindi sayo na LOLOKOHIN KA LANG ULIT NI LORVIN! Hindi mo ba nage-gets? Niloloko ka lang nya!" Sigaw ko sa tanga kong kaibigang si Lou na paulit ulit na pinapatawad ang...